Promise #2

12 6 0
                                    

Umuwi na kaagad kami pagkatapos naming kumain, hinatid pa niya ako sa bahay, saka umalis na, hindi narin siya nakapagpaalam kila mom at dad kasi dumiretso pa daw sila ng Kompanya nung pag-alis namin sabi ng isa sa mga maid

Dumiretso na kaagad ako sa aking kwarto para magpalit ng damit, matutulog narin ako kaagad pagkatapos, nakakain na naman ako kanina

Matapos kasi naming magice cream ay nagikot ikot konti saka napagdesisyunan namin na kumain nalang sa restaurant na sinasabi niya lagi sa akin bago umuwi kaya, grabe busog talaga ako!

Matapos kong maligo saka magpalit ay diretso higa, pero kahit anong gawin ko di ako makatulog naiisip ko nanaman yung nagyari 12 years ago

Na kailanman ayoko ng balikan pa..

12 years na pero bakit hanggang ngayon tandang tanda ko parin lahat,, lahat-lahat ng nangyari, bakit ganun?!?

Nakatulog na ako sa kaiisip...
••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Maaga akong nagising para maaga ding makapasok may dadaanan rin kasi ako bago pumuntang school

"Good morning!"sabi ko habang nakatingin Kay kuya na kumakain na ng almusal

"Good morning!"bati niya sa akin

"Bro, Where's Mom and Dad?" Tanong ko sakanya habang kumukuha ako ng ulam

"Work.."maikli niyang sagot

"OK.."sagot ko, saka pinagpatuloy ang pagkain

Madali kong tinapos ang pagkain ko, nagmamadali rin kasi talaga ako

"Bye Bro" nagpaalam na ako kay bro, saka humalik sa pisnge

Sumakay na ako sa sasakyan, sinabi ko narin kay kuya Ben yung dadaanan ko bago ako dumiretsong school

Dumaan lang ako sa National Book store na malapit sa school para bumili ng mga extra books for reference, Alam kong magagamit ko to para sa iba sakaling ipapahanap o ipapaaral ng Prof namin

Kaya pagkatapos nun ay dumiretso na kaming school

Sana maging okay ako, First Day pa naman ng college,, I want my College year to be the best

Ang aga-aga ko ata, parang ang onti palang ng taong nandito

Sinalubong kaagad ako ng yakap ni Era pagkakita sa akin sa hallway

"Akala ko ba, Mamaya ka pa darating, sabi mo sa text" sabi ko sakanya, nagtext kasi siya sa akin na mamaya pa daw siya papasok kasi sobrang aga pa daw

"I was just joking" sabi niya, naglakad nalang kami saka pumunta dun sa digital bulletin para tingnan kung saang klase ba kami

Dahil nga sa magkaiba kami ng course magkaiba kami ng building, building nila toh at yung kaharap nitong building nila yung building namin

Kaya una namin nakita kung saang klase ba siya

Akala mo naman nanalo sa championship ang bruha, ang laki ng ngiti niya, paano ba naman kasi classmate niya daw yung crush niya ,kaya ang saya niya

Dumiretso na kami sa Department ko para tingnan naman yung akin

Papunta na sana kami dun sa bulletin board kung saan nakalagay kung saang klase ba ako, pero napahinto ako ng may marinig akong tumutugtog ng Piano dun sa isang classroom na mukhang di na ginagamit,

"Wait lang,, may nakalimutan lang ako, saglit ha, kukunin ko lang, hintayin mo nalang ako dito"

Tumango lang siya bilang sagot, kaya pumunta na kaagad ako dun sa classroom na nadaanan namin kanina ni Era, dun ko narinig yung piano,,, palapit palang ako sa room na yun pero rinig na rinig ko na agad yung kanta

" Then you smiled over your shoulder
For a minute I was stone cold sober
I pulled you closer to my chest
And you asked me to stay over
I said, I already told you
I think that you should get some rest

I knew I loved you then
But you'd never know
'Cause I played it cool when I was scared of letting go
I knew I needed you
But I never showed
But I wanna stay with you
Until we're grey and old
Just say you won't let go
Just say you won't let go"

Ang ganda ng boses,, ang lamig tapos parang bawat pagbigkas niya nung kanta may gusto siyang sabihin,,,

lalaki Alam ko yun pero di ko makita, boses lang talaga kasi ang dilim dun sa parte niya tapos ako naman nandito sa sulok para magtago, baka mahuli pa ako dito na nakikinig sakanya, baka sabihin napaka chismosa ko kababae ko pa namang tao

Pinapakinggan ko yung lalaking nagpipiano ng tumawag si Era, Hala! Nakalimutan ko si Era, sabi ko sakanya saglit lang ako pero, tumagal ako, buti sinilent ko toh kanina kundi mabibisto talaga ako, lumabas na ako ng room para sagutin yung tawag

To be Continue....

Way Back Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon