"Kamille!" narinig kong may tumatawag at kinakatok sa pintuan ng kwarto ko.
aga aga pa e, ginigising na ako. haaay..
...
9:20am
...
pagbangon ko sa kama ko. nakita ko sa bintana na napakaliwanag na.
Agad kong tinignan yung phone ko. nakita ko,
9:25am na! tapos hindi pala ako nakapag-alarm! waaaaaaaa! si ian?!
Hala! gumising pa yun ng maaga para samahan ako! lagot na ko.
agad akong lumabas ng kwarto at bumaba.
"ohh. kamille, gising ka na pala. nagpuyat ka ba kagabi?" tanong sakin ni ate gail.
"ahh ehh. hindi naman po. bakit?"
"kanina pa kasi ako kumakatok at tumatawag sa kwarto mo. di ka sumasagot mahimbing na mahimbing yata tulog mo."
"anong oras mo ko ginising ate gail?"
"uhmm.. 5am nandyan na si ian. tagal ka ngang iniintay e. papanuorin nyo daw yung sunrise."
"ohhh? hala! lagot ako dun! anong oras sya umalis?"
"mga 6am na din. "
"waaaaaaaaaaaaaaa!"
"uy ahh. manunuod pa kayo ng sunrise. haha."
"haha. si ate naman. sabi nya kasi sasamahan nya ko e."
"pero tulog ka pa! haha! kumain ka na ng breakfast."
"sige ate."
haaaaay.. nahimbing kasi ako ng tulog e. haha
12:10 pumunta na kami sa hall, para maglunch. tuwing lunch at dinner kasi, kasabay namin sila ian at tita seth kumain.
Hindi ako makatingin kay ian. hiyang hiya ako sa ginawa ko. baka kasi narinig nya yung sigaw ko kagabi. hahaha. tapos diko sya nasamahan kaninang umaga. ang aga nya gumising tapos ako mahimbing na mahimbing pa din pagtulog ko.
"may party mamaya dun sa resort. gusto nyo bang pumunta ni ian dun kamille?" tanong sakin ni tita seth
"nakakahiya naman po. tsaka, ok lang po ako dito."
" tara na kamille, pumunta na tayo dun?"
sabi naman ni ian. ayan na naman niyaya na naman nya ko. baka hindi ko na naman sya siputin. magtampo na sya sakin. kinakabahan ako. lagi na lang kasi nauudlot e.
" uhmm. ikaw na lang. wala kasi akong damit for party e."
wala naman kasi talaga akong damit for dun. konti nga lang dinala ko e. hahaha.
"may nadaanan kaming mall nung papunta dito nun. gusto mo samahan kitang mamili?" pag-aaya nya uli sakin.
"sige na kamille, magpasama ka na kay ian. wala ka namang dalang kotse e."
"ahh. eh. sige."
"pagkakain ng lunch, umalis na kayo ha? 6pm pumunta na kayo dun sa resort." sabi ni tita seth.
by the way, the resort we're talking about is ours. dun lang yun sa kabila nito. may harang kasi e. dito kasi private lang. at samin talaga to. kami lang pwede dito. hahaha.
pagkatapos kumain. maya maya..
"Bihis lang ako ha?"
sabi ko kay ian.
"sige. ako din. puntahan na lang kita sainyo." sabi nya.
tapos na akong magbihis at magayos.
" kamille! andito na si ian. baka naman nakatulog ka pa!? hahaha." narinig kong sigaw ni kuya.
BINABASA MO ANG
Does Love really matters?
Teen FictionThis story is about a girl who doesn't have a clue what love is. until she met this guy that will changed her world.