HER POV
Ngayon ang araw ng fieldtrip namin sa Enchanted Kingdom. Siguro sa mga oras na ito ay nagsisimula na silang magsaya at sumakay sa iba’t ibang rides.
Hindi ako nakasama sakanila dahil hindi ako nakapasa sa medical.
HUEHUE
Hindi kasi ako pinayagan ng doctor na sumama dahil sa hika ko. Bakit kasi napakahikain ko?
-__________-
Kaya sa mga oras na ito ay wala akong magawa. Wala rin naman akong makatext dahil lahat ng kaibigan ko ay kasama.
Lumabas ako ng kwarto ko dahil ayaw ko namang magmukmok doon dahil lang sa hindi ako nakasama sa aming fieldtrip.
Ayaw kong kaawaan ang sarili ko no!
BWAHAHA *evil laugh*
Paglabas ko ay nakita ko ang kapatid ko.
“Akala ko ba papunta ka sa Enchanted Kingdom ate?” tanong nya.
“Hindi nga ako pinayagan ng doctor gawa ng hika ko” sabi ko habang patuloy sa paglalakad dahil alam kong mang-aasar lang sya.
“Kawawa ka naman pala ate” pang-aasar nya.
Hindi ko na sya pinansin dahil hindi titigil sa pang-aasar yun hanggang hindi ako napipikon.
Pumunta nalang ako sa loving room para manuod pero wala akong magustuhang palabas kaya palipat lipat nalang ako ng channel.
Nang naumay na ako sa panunuod ay pinatay ko na ang TV at bumalik sa room ko. Kinuha ko yung laptop ko.
Umupo ako sa kama ko.
Binuksan ko yung FACEBOOK ko.
Meron akong dalawang notifications.
approved
Yung isang nag add sakin ay parang pamilyar ang mukha. Hindi ko lang matandaan kung saan ko sya nakita.
Nevermind.
*pop*
May nagchat.
Sya yung nag add sakin. Parang kilala ko talaga sya. HMMMMM. Isip. Isip. Isip. Hindi ko talaga maisip kung saan ko sya nakilala.
---
ILYILY <3
BINABASA MO ANG
Friendship Last Longer Than Love
Teen FictionFalling in love with your best friend is the worst, because you risk a friendship that took you a long time to build, for a love that in the end will destroy all you effort.