Chapter 2

89 4 0
                                    

*pop*

May nagchat.

Sya yung nag add sakin. Parang kilala ko talaga sya. HMMMMM. Isip. Isip. Isip. Hindi ko talaga maisip kung saan ko sya nakilala.

Jazper Mendez: Hello!

Cham Isabel Santos: Hello din.

Nagchat na din ako. Para malibang naman ako at mawala ang boredom ko.

Jazper Mendez: Kamusta ka na?

Cham Isabel Santos: Ayos lang naman. Ikaw ba?

Jazper Mendez: Ayos lang din ako.

At patuloy lang kaming magkausap. Kung magtanong sya sakin ay parang magkakilala na kami. Pero hindi ko pa rin talaga sya matandaan.

Patuloy lang kami sa pagpapalitan ng tanong sa isa’t isa.

Hindi kami nauubusan ng topic.

Nasabi nya na magkatulad kami ng pinapasukan nung kinder kaya kilala nya ako at dahil nasabi nya yun ay naalala ko na nga sya.

Sya yung makulit na bata noon. LAgi syang nakikipag away kaya laging napapagalitan nung teacher namin. HAHA :D

Jazper Mendez: Buti pa ako naalala pa kita.

Cham Isabel Santos: Naalala na rin naman kita nung nabanggit mo yun. Hindi ko lang talaga matandaan kung saan.

Jazper Mendez: Sabi mo eh.

Cham Isabel Santos: Hehehe.

Jazper Mendez: Natawa ka pa dyan eh nagtatampo na nga ako.

Nagtatampo daw. Parang bata eh. HAHA :D

Cham Isabel Santos: Bakit ka naman nagtatampo?

Jazper Mendez: Kasi nalimutan mo na ako.

At bigla nalang syang nawala. Nagout na siguro. Nagout na rin ako dahil tinatawag ako ni mama.

“Cham!”, sigaw ni mama.

“Bakit po?”, tanong ko.

“Kakain na!”, ang sagot ni mama.

Pumunta na ako sa kusina. Hindi ko namalayan na tanghali na pala. Hindi pa rin kasi ako nakakaramdam ng gutom kahit hindi pa ako nag-aalmusal. Umupo na ako sa upuan ko. Nagdasal kami at nagsimula ng kumain. Adobo ang ulam namin kaya ganang gana ako pagkain dahil paborito ko ang ulam.

Sa kalagitnaan ng aming pagkain ay biglang umimik ang kapatid ko.

---

Itutuloy ... :)

Friendship Last Longer Than LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon