Chapter 2 - ENCOUNTER

60 4 1
                                    

 Chapter 2 - ENCOUNTER

pagkatapos ko kumain niligpit ko na yung pinag-kainan ko at nilagay sa lababo aakyat na sana ako kaso tinawag ako ni mama

"Tin pwede bang ibili mo ako sa supermarket ito listahan o" -mama

"o sige ma wala naman po ako gagawin e"

"salamat anak o ito yung listahan at ung pera o" -mama

at kinuha ko na yung pera at listahan binulsa ko yung pera at kinuha ko yung shoulder bag kong black sa taas at kinuha ko ung pitaka ko at nilagay sa shoulder bag pati listahan bago ako bumaba nagsuklay lang ako ng bahagya at bumaba na

"ma alis na po ako ha"

"sige mag-ingat ka ha" mama

"ok po ma"

at sumakay na ako hindi pa ako nakakarating sa supermarket bumaba na ako may pupuntahan muna ako bago pumunta sa sm nag lakad pa ako at pumunta sa isang ice cream parlor

at umorder na ako ng chocoberry at nag-lakad na lang ako papuntang sm kasi malapit na lang siya dito sa street na ito pagka-ubos ko ng ice cream ko biglang may na bangga ako. Kaya lahat ng dala nung lalaki nag si laglagan tinulungan ko syang pulutin yung mga nalaglag

"Sorry po!!" sabi ng lalaking nakabangga sakin pero hindi ko na lang sya pinansin. Nagulat ako na mukhang nakakita sya ng multo at kumaripas ng takbo.

Anung nangyari??

Napatingin ako bigla sa likod at O_O may lalaking may hawak ng cellphone na nakatutok sa ibaba ng palda ko!! napatingin ako sa kanya at ganun din sya sakin. Wag nyang sabihin na sinisilipan nya ako!!!!

nakatayo na sya at tinignan ulit ako. Bigla ko syang sinampal

"Maniac!!" sigaw ko sa kanya

Nilapitan nya lang ako ng may masamang tingin ako naman lumakad patalikod

"g@g* ka hayop sira ulo ka!!! sisilipan mo pa ako o sabihin nating vivideohan mo pa ilalim ng palda ko, bwisit ito ang nararapat sa tulad mong maniac!!!" at sinipa ko sya ng pagkalakas-lakas at na-out of balance naman sya.

"TSS" Maniac

sa sobrang haba ng bangs niya na piling mo bagong ligo dahil basa ng pawis e nakita ko yung gwapo niyang mukha yung kis... ahhh nevermind ano ba tin minamaniac ka na nga hinahangaan mo pa makaalis na nga kinuha ko na yung shoulder bag ko dahil nalaglag at nag-lakad kaso may narinig ako na tinawag nung lalaki yung maniac na yun kaya tumakbo na ako mamaya may back-up pa yun. Malagutan pa sila ng wala sa di oras -_-

*****

[ XANDER POV ]

Habang nag-lalakad ako papuntang ice cream parlor may nakita akong dalawang lalaki yung isa nagpupulot at yung isa may hawak na cellphone at nakatutok sa ilalim ng palda nung babae

Nilapitan ko sila at nagulat naman yung lalaking may hawak ng cellphone, Sa sobrang takot at taranta nailaglag nya pa yung cellphone at kumaripas ng takbo. Tumingin naman sakin yung lalaking nagpupulot ng papel tinaasan ko lang sya ng kilay at tumakbo na rin. Pinulot ko yung cellphone at pagtingin ko sa babae nakatingin din sya sakin. Teka?? Iniisip nya bang---

Bigla nya akong sinampal "Maniac!!!"

Nilapitan ko sya ng may masamang tingin sya naman paatras pero hindi ko makita sa mata nya na natatakot sya..

'Sya na kaya?' sa sobrang pag-iisip ko di ko namamalayan kung anu ng nangyari ang alam ko na lang ngayon ay nakaupo na ako sa sahig

"TSS" yan na lang ang nasabi ko dahil sa sakit na nadarama ko.. Nakatingin lang ako sa kanya, habang kinukuha nya ang bag nyang nahulog at nag-lalakad siya paalis. Nakatingin lang ako sa kanya.

Oh My I'm In Love with a Gangster. Take 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon