Higit isang buwan na pala. Ang bilis naman ng araw? Higit isang buwan na pala buhat noong nagkakilala tayo. At ang pagkakakilala ko sayo noon ay maituturing kong isa sa mga hindi ko pagsisisihan sa tanang buhay ko.
Parati kitang tinutukso at inaaway noon. Hindi ko ba alam, hindi yata ako tulad nila na gustong gusto yang karisma mo. Siguro kasi wala naman akong pakialam ke gwapo ka o hindi. Basta sa akin, hindi ako interesado sa’yo at nasambit ko noong hinding hindi kita magugustuhan.
Kung sa kanta ni Payton Rae Burrows na “Not Your Cinderella”, bagay ka sa lyrics niya na “You walk in the room and all the girls talk, I guess you get used to most them falling down at your feet.” Kasi sobrang dami nilang nagkakagusto sayo, pero ‘di tulad nila, ako’y wala lang talagang pakialam.
Totoo naman ang sinasabi ko hindi ba? Isa kang tao na ‘di hamak mataas ang ‘standards’sa mga babae. Sa dami ba naman ng pagpipilian mo, malamang kaya isa sa mga kaibigan ko man lang ay mapansin mo? Kinutya kita. Kumbaga, ikaw lagi ang trending, ikaw lagi ang pinag-uusapan. Oh, eh ‘di ikaw na talaga.
Pero nitong lang, out of curiosity kumbaga, inanalyze ko kung bakit ba ang daming nagkakandarapa sayo. Sige na nga, aaminin ko na, gwapo ka na. Pero nung unang tingin ko talaga, ay naku. Wala talaga akong naging interes.
Oh, baka naman magalit ka. Sa unang tingin lang yun, kaya dinalasan ko ang tingin sa mukha mo. May pagkagwapo ka nga, hindi lang masyadong halata. Basta, kakaiba yang mukha mo. Hindi ko maipaliwanag.
Tapos nakita ko yung ugali mo. Masyado ka palang pa-cute. Akala ko nga eh pinepeke mo lang yang ugali mo sa mga pagpapacute mo. Pero nalaman ko ang iba’t ibang kaugalian na mayroon ka. Mabait, pilyo, sweet, nakakatawa, malakas ang sense of humor, magalang, maganda ang boses, sobrang talented pero napaka down to earth, pero sa lahat lahat, dahil sa iyong mahiwagang ngiti, napakarami mo ngang napapangiti rin. Smile ka muna, konti lang.
Tamang pasulyap sulyap lang ako sa iyo noon kasi ang alam ko, pinag-aaralan ko lang kung bakit ba gusto ka nila. Pero ang lupit din naman ni Tadhana, nakita ko na lamang ang sarili kong hinahanap-hanap ang presensya mo.
Gusto kitang palaging makita. Lagi kaya kitang inaabangan! Halos maging stalker mo na nga ako eh, kasi may kakaiba sayo na wala ang ibang tao.
Pinipilit kong pigilan na magkagusto sayo. Nabiktima na ako noon, at hindi na ako papayag muling mahulog sa isang taong hindi naman alam na may isang ‘(insert name ko)’ na nabubuhay dito sa mundo.
Lumaon ang mga araw, naipahayag ko na ‘crush’ kita. Crush lang naman, walang mawawala diba? Pero bakit ganun? Bakit parang lumalalim na?
Sign na ba ito para tumigil na ako sa paghanga sayo?
Bakit? Kasi dumating sa puntong nararamdaman ko na ang pagpatak ng mga luha ko,DAHIL SAYO, dahil sa katotohanang hinding hindi man lamang kita malalapitan at mahahawakan. Nararamdaman ko na kung gaano ba kasakit ang sitwasyon natin na kung saan may isang IKAW na hindi pwedeng maging sa akin, dahil unang una sa lahat,PANGARAP lang talaga ikaw. Ngunit kahit na ano man ang mangyari, patuloy pa rin kitang titingnan buhat sa aking kinapepwestuhan, kahit gaano ka pa kalayo, NANDITO LANG AKO.
Literal na pangarap, pantasya ka na lang eh. Heto naman ako, patuloy na umaasa na kahit sa una’t huling beses kitang makausap man lang, masambit ko sayo ang nararamdaman ko.

BINABASA MO ANG
PANGARAP KA LANG TALAGA (A Fangirl's Letter) [EXO]
RomanceIsa po itong liham na gawa ng isang ordinaryong babae para sa ekstraordinaryo niyang minamahal <//3