Sana'y Maulit Ang Kahapon
(Mother's Day Special)
One ShotSa mga nanay diyan sa iba't ibang panig ng mundo, Happy Mother's Day po sa inyong lahat. Alam ko po na hindi biro ang maging isang ina dahil nakita ko ito mismo sa nanay ko. Ang nanay ay siyang tinatawag na ilaw ng tahanan habang ang tatay ang tagapundi ng ilaw na tahanan, hahaha, biro lang. Ilaw ng tahanan dahil sila ang nagbibigay sa atin ng gabay upang hindi tayo malihis ng landas. Siya ang umaakay sa atin sa mabuting landas. Hindi biro ang akayin niya tayo ng 9 na buwan sa loob ng kaniyang sinapupunan. At sa loob ng 9 na buwan na iyon, sobrang maingat siya sa kaniyang mga kinakain dahil gusto niyang healthy tayo paglabas natin.
Kaya sana, kahit simpleng 'I Love You Ma' man lang ay ibigay natin sa kaniya. Kahit hindi Mother's Day ay sabihan natin sila ng 'I Love You' dahil kahit isa lamang itong mga simpleng salita pero sapat na ito upang mapawi ang pagod at hirap na dinanas nila sa kanilang trabaho.
---
Mark_Espacio 101
BINABASA MO ANG
Sana'y Maulit Muli (One Shot)
Non-FictionA Mother's Day Special Short Story. --- Mark_Espacio 101