Sana'y Maulit Ang Kahapon
(One Shot)Ang bilis lang ng panahon, masasabing isa na ako ngayong successful business woman. Nakapagtayo na ako ng maraming branches ng store ko. Pero bago ko yun makamit lahat, matinding pagod at paghihirap ang dinanas ko muna. Ganiyan naman talaga diba, 'No pain, no gain'. Hindi biro ang maging businesswoman, kailangan ang utak at lakas. Pero mas nanaig ang paggamit ng utak, kaya nga mas malaki ang sahod ng mga taong utak ang puhunan gaya ng abogado. Nakakapagod naman kasing mag-isip. Kaya nga sa tuwing magkakaroon ng Quarterly Examinations sa school, ang tamlay ng mga estudyante pagkatapos ng exam dahil parang piniga ang kanilang utak kakasagot sa mga tanong sa test paper.
Kaya, llamado ang matalino. Pero mas maganda kapag nasasa iyo ang sipag at talino.
Pero sa ngayon, stress free muna ako sa ngayon dahil may mahalagang bagay akong gagawin. May papasyalan ako sa araw na ito. Papalabas ako ng building na ako mismo ang may ari nang may nakita akong mga batang nagtitinda ng chicharon. Naalala ko tuloy ang kabataan ko bigla.
Flashback
Third Person POVLaki sa hirap ang pamilya ni Maribeth. Ang kaniyang nanay na si Aling Neneng ay isang tindera sa palengke habang matagal namang patay ang kaniyang ama, nung isang taong gulang pa lamang siya. Kaya naman, doble kayod rin ang kaniyang ina kahit nag iisang anak lamang siya. Nag aaral kasi si Maribeth sa Talisay Elementary School. Nasa ikaanim na baitang na siya. Kaya kahit nasa elementarya pa lamang siya, katuwang na siya ng kaniyang ina sa pagtatrabaho. Kapag may pasok, lunes hanggang biyernes, hapon hanggang gabi lang siya nakakatulong sa kaniyang nanay. Pero kapag sabado, umaga hanggang gabi siya kung magtrabaho at kalahating araw naman pag linggo dahil sama sama kasi silang nagsisimba tuwing umaga ng kaniyang ina.
Lumipas ang mga taon, unti unti ng nagdadalaga si Maribeth.Nagiging concious narin siya sa kaniyang panlabas na anyo. Naiinggit siya sa iba niyang mga kaklaseng babae sa mga magagandang damit na kanilang isinusuot. Gustong gusto ni Maribeth na maging katulad sa mga kaklase niyang mga babae, palibhasa may kaya sila sa buhay kaya nabibili nila ang kanilang gustong damit at iba pang hilinging bagay.
Dahil desperado si Maribeth, nakagawa siya ng mga hindi kanais nais na mga bagay.
Nagawa niyang magnakaw ng pera sa loob ng kaha ng kaniyang ina dahil gusto niyang bilhin ang isang damit na nakadisplay sa isang boutique. Hindi naman gaanong mahal ang mga damit na nakatinda doon pero hindi rin naman ito mumurahin lang. Bumili rin siya ng mga gamit na pampaganda.Dahil sa ayos ngayon ni Maribeth, unti unti siyang napapansin sa kanilang eskwelahan. Kilala na siya ngayon dahil nga may taglay din itong katalinuhan pero masasabing mas lalo siyang nakilala, o sabihin nalang nating sumikat sa kanilang eskwelahan dahil unti unting nagbago ang anyo niya. Magagandang damit na ang kaniyang isinusuot tuwing papasok siya sa paaralan.
Wala kasing uniporme sa kanila dahil grade 12 na siya ngayon at isang pribadong paaralan ang kaniyang pinapasukan. Itinuturing na kasing college students ang mga mag aaral sa Martin Academy kaya naka civilian attire lang ang mga mag-aaral sa naturang lebel. At nagawa rin niyang makapasok sa nasabing paaralan dhil isa siyang scholar student. Libre lahat ang gastusin sa paaralan niya at kinakailangan lang niyang i maintain ang kaniyang general average sa 1.5.
Kaya naman malaking tulong ito sa ina ni Maribeth dahil hindi na niya kailangan gumastos ng malaki at magkandahirap sa pagtatrabaho maipasok lamang ang kaniyang anak sa isang magandang eskwelahan.
At yun nga, dahil sa bagong anyo ni Maribeth, napansin siya ng pinakasikat na grupo ng mga babae sa kanilang paaralan, ang Gabrielas. Napapadalas na ang kaniyang pagsama sa grupo. Hanggang naging isa na siya sa mga pinakasikat na babae sa kanilang paaralan at tinitingala ng mga kalalakihan maging narin sa mga kababaihan dahil nga sa katalinuhan at kagandahang taglay niya.
BINABASA MO ANG
Sana'y Maulit Muli (One Shot)
Não FicçãoA Mother's Day Special Short Story. --- Mark_Espacio 101