Simula sa pagbubuntis hanggang sa pagluluwal, nagsasakripisyo ang mga INA para lang maisilang ang kanilang ANAK sa mundong ito.
Sabi nila, kapag nagluluwal ang isang ina, nasa hukay na ang kanilang mga paa. Bakit? Dahil sa oras na ipinapanganak ka nila sa mundong ito, maaring silang mapahamak. Maaaring hindi nila kayanin ang panganganak at sa huli ay bawian ng buhay.
Simula sa pagbubuntis inaalagaan na nila ang kanilang mga anak, ginagawa ang lahat para lang maipanganak nila ito ng normal at malusog. Pagkatapos magluwal aalagaan ka pa rin. Bibihisan, liliguan, papalitan ng diapers. Hindi nila alintana ang puyat kahit magising ang baby sa kalagitnaan ng gabi. Nagsasakripisyo sila para sa bata, para mailuwal at mapalaki ng maayos. Hindi na niya iniisip ang sarili, wala na siyang paki kung malusyang siya, kahit pa maging manang sila. Ang ipapambili ng ina para sa kanya ay ibibili na lang para sa kanilang mga anak. Inuuna ng ina ang kapakanan ng kanilang mga anak. Isusubo na nila para sa sarili, ibibigay na lang nila para sa mga anak na umaasa sa kanila.
Pero ang tanong? Lahat ba ng magulang ay nagsasakripisyo para sa ikabubuti ng kanilang mga anak, o para lang sa kanilang sariling ikabubuti.
Hindi lahat ng ina huwaran. Hindi lahat ng ina mabuti. Hindi lahat ng ina iniisip lang ang kabutihan ng kanilang mga anak. May mga inang mas inuuna ang sarili kaysa sa mga anak. Umaabandona ng mga anak. Ginagastos ang pera para sa sarili at hinahayaang wala ang kanilang mga anak.
Masakit isipin na may mga inang umiiwan ng mga anak. Kahit ano pang dahilan nila hindi pa rin 'yon rason na iwan nila ang kanilang mga anak. Bakit ka pa nagbuntis kung iiwan mo lang rin naman ang bata? Karapatan ng ina na alagaan at palakihin ng maayos ang kanilang mga anak.
May mga magulang na inuuna pa ang pagsusugal kaysa sa mg anak. Ang perang para sa mga anak ay ginagastos para mapunan ang kanilang sariling pangangailangan.
Napapagalitan, nasasabihan, napupuna, tinututulan, ng kanilang ina ang kanilang mga anak para sa kanilang ikabubuti, hindi para sa kanilang ikasasama. Kung alam ng ina na makakabuti para sa kanyang anak ang isang bagay, hahayaan niya iyon at kung hindi naman ay tutulan niya iyon. Gagabayan ng ina ang kanilang mga anak sa bawat desisyong ginagawa ng kanilang mga anak.
Sa oras na lumaki na ang kanilang mga anak, andon pa rin ang sakripisyo at pag-aalaga ng isang ina. Malaki na ang kanilag mga anak, ngunit alam ng ina na kailangan pa rin nila nag kanilang mga gabay. Nararapat lang na mahalin ng isang anak ang kanyang magulang, dahil sa kabila ng lahat ng pagsubok sa buhay, andiyan pa rin sila para gabayan ang kanilang mga anak.
Nakakalungkot lang isipin na sa kabila ng pagsasakripisyo ng isang ina para sa kanilang anak, lalaki pang masama ang kanilang mga anak. Walang ugali, balasubas, walang galang, at hindi man lang magawang alagaan ang kanilang ina.
Bakit sa kabila ng pangaral ng isang ina, lumaki pa ring walang ugali ang kanilang mga anak? Sa kabila ng masasaganang payo at pangaral, lumaki pa rin silang walang utang na loob. Ni hindi nila maalagaan ang kanilang mga ina bagkus babastusin at sasagutin pa ng pabalang.
Lahat ginagawa ng isang INA para magampanan niya ang kanyang tungkulin bilang ina. Ginagawa lahat matugunan lang lahat ng pangangailangan ng kanyang mga anak.
Nag-o-OFW sila para masiguradong may maibibigay silang magandang bukas sa kanilang mga anak. Tinitiis ang malayo sa kanilang mga anak ng mahabang panahon dahil naniniwala silang sa pamamagitan noon ay mabibigyan nila ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak. Sa pamamagitan noon, mapapag-aral nila ang kanilang mga anak sa eskwelahang gusto nila. Sa pamamagitan noon mabibili niya ang gusto ng kanyang mga anak.
Sinuman at ano man ang pagkatao ng ating ina nararapat pa rin natin silang mahalin. Siya ang nagluwal sa atin at siya rin ang nagbigay buhay sa atin.
Kahit na baligtadin pa natin ang mundo hindi pa rin natin mapapalitan ang ating mga ina.
Kung wala ang ina wala tayo!
Tunghayan ang ang kwentong para sa mga INA at sa mga ANAK.
HAPPY MOTHER'S DAY!
----------------------------------
TTOTOY!
![](https://img.wattpad.com/cover/109240198-288-k724157.jpg)
BINABASA MO ANG
PAG-IBIG NG ISANG INA (MOTHER'S DAY SPECIAL)
Historia CortaGaano nga ba kalaki ang pag-ibig ng isang ina sa kanilang mga anak? Ano ang handa nilang gawin para lang sa kanilang mga anak? Mapalaki lang sila ng maayos at may magandang buhay. MOTHER'S DAY SPECIAL! Tunghayan ang kwentong ito na mag nagbibigay...