A/N: Please bare with me. This is my first story :)
"Solo concert"
Her P.O.V
"AHHHHHHHH" nakakabingi naman itong mga babaeng katabi ko! Kung makatili parang wala ng bukas ah!
"Nag-eenjoy pa ba kayo?" tanong ni G-dragon sa audience.
"Gusto ko sana mag-alay ng kanta, para mas magingmasaya.. kailangan ko ng babae ditosa stage. Sino ba may gusto?" at nagtilian na naman ang lahat. Well, kahit ako, gustong-gusto ko rin no! Kaso hindi pwede.
"Pipili ako ha?" sabay tawa niya.
"Gusto ko pumili ng babaeng naka yellow.." nagsigawan lahat ng naka yellow.
"Gusto ko yung long hair" nadisqualified naman yung mga short hair..
"Yung may hawaknalightstick" yung iba, inagaw pa yung lightstick ng katabi.. nakakatawa naman! Ibigay ko pa tong lightstick sa kanila eh! HAHAHAHAHAHAHA! WAIT!! NAKA YELLOW? LONG HAIR? MAY HAWAK NA LIGHTSTICK? Hindi naman siguro ako diba? Kinakabahan na napatingin ako sa kanya. Nakita ko siyang nag smirk. Damn! Anong gusto niyang mangyari?
"Dapat black yung pants ah" OMG! Wala naman siyang balak diba? Iilan nalang yung natira. "yellow na sleeveless" okay. Lima nalang kami. Gusto ko na tuloy magtago pa. Relax Dara! "Yung may headband na VIP"
Whoooooo! Buti naman! Akala ko ibubuko niya ako eh! Naka bonnet at mask(yung parehas kay Lee Min Ho sa city hunter) kasi ako. Ang weird ba? Hindi kasi ako dapat nandito. Disguise lang to. Pero alam ko na alam niya na ako to kaya kung ano-ano yung pakulo. Kinabahan talaga ako dun ha!