L

602 11 0
                                    

"Right time"

His P.O.V

"Gusto ko sana andun ka sa concert namin sa Philippines." lambing sakin ni Dara ilang araw bago sila umalis papuntang Pilipinas. Ako pa ba makakatanggi kung maglalambing na siya sakin? Syempre hindi! Kaya sinabi ko nalang na, "I'll ask YG about it." kahit na sa loob ko, "SURE BABE! I'LL DO EVERYTHING FOR YOU BABE!" hahaha!

At syempre nung araw na ring yun, nagpaalam ako kay YG.

"NO." Yan agad sumalubong sa akin, ni hindi pa nga ako nakakaupo. "Alam ko pinunta mo dito, hindi ka pwede kasi 5 days sila doon. Ang dami niyo pang guestings dito."

"Sasaglit lang ako doon, kahit concert at afterparty lang. Alam ko naman na ibabalandra niya ulit yung ABS niya dun, mas marami siyang fanboys doon. Alam ko yung mga outfit nila, hindi ako papayag na wala ako doon tas ganun yung suot niya. Tapos may afterparty pa, for sure kasama yung mga celebrity freinds niya doon, marami pa naman siyang friends na lalake tsaka baka andoon pa yung ex niya! Babantayan ko lang siya, uuwi ako pagkatapos. Pleaaaaase " Pagmamakaawa ko kay Papa YG with matching puppy eyes pa! sagwa naman! Pleading eyes na nga lang! HAHAHAHA.

Kelangan ko kasi siya ma convince. Gusto ko ulit siya makita sa stage, mas special pa yung sa pilipinas kasi marami siyang kakilala doon. Well, kahit saan naman siguro ang dami niyang fanboys.

FLASHBACK

Noong comeback concert nga nila sa Seoul naisipan kung mag disguise sandali at tumabi sa mga fans. "OMG!!! Nakaka-tomboy yung abs ni Dara" "Nakakainggit yung abs ni Dara" "Ang sexy ni Dara!" Marami pa silang sinabi para sa apat pero mas nakaka proud lang talaga pakinggan tuwing pinupuri siya ng ibang tao. Sarap sumigaw nang, "BABYGIRL KO YAN!!!" kaso baka mahalata ng mga tao.

"I love all of them but Dara really stand out the most! I came here from London just to see them performed and Dara didn't disappoint me." sabi nung katabi kong lalake.

"Yea, I can't believe she's in her late 20's already. Man! I want her to be my wife! I mean, look at her, my children would be so proud of her" I felt more proud pero di ko talaga itatanggi ang pagiging seloso ko. Badtrip yun ah! Wife? Ha! Sorry dude, she's mine. ONLY MINE.

Nag walk out nalang ako dun at bumalik sa pwesto namin ni YB.

Possessive ba kung mga regalo ko sa kanya puro jacket, beanies, pants, high cut shoes at scarfs na katulad nung sa akin?

Possessive ba yung ayaw ko siyang makita na naka dress or shorts kasi ayaw kong nakikita ng iba?

Pero di talaga maiiwasan na madami pa rin siyang taga hanga hindi lang rin mga ordinaryong tao, pati kpop boys at actors! Langya lang talaga yung mga cf at cameo niya sa movie na may kasamang kissing scene eh!

Si TOP nga di ko tinigilan hanggang umamin siya na camera trix lang yung sa MV ni Gummy. Kay Taeyang halos isang araw ko siya hindi kinausap dahil sa paghalik niya kay Dara sa MAMA.

Kaya hindi ako pumapayag na mag artista siya eh, dadami pa yung mga lalakeng makakahalik sa kanya. Kahit nga MV nila na may drama, dapat kilala ko yung lalake na magiging love interest niya! Tss. Walang makakalusot sakin noh!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Celebrity Secret (a DARAGON short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon