"Behind the scenes"
Her P.O.V
"2NE1 kicked off their “All or Nothing” World Tour today at Seoul’s Olympic Park SK Handball Stadium."
Ito na ang araw na pinakahihintay namin. Nakaka-kaba kasi 2 days itong concert pero nakaka-excite kasi makikita na naman namin ang mga fans na walang sawang naghintay sa pagbabalik namin sa stage. Matagal namin itong pinaghandaan, rehearsal dito, recording doon.
"Aigoo!! Ang daming bouquet ah! Saan dito ang akin?" excited ko na tanong habang tinitingan ang mga nakahilirang bulalak sa mesa.
"Mali ata yung tanong mo, kasi marami naman sayo jan galing rin sa fans. Dapat siguro yung tanong mo, saan dito yung sa KANYA." sabi ng staff na natatawa, Nyee, paano nila nalaman? kekeke!
FLASHBACK
Busy kami pareho pero may time pa rin kami sa isa't-isa. "Maraming paparazzi sa Han River, andami kasing artista ang nagpupupunta doon. Kaya kayo, iwasan niyo pumunta doon." Yan yung sabi ng staff saming dalawa habang kumakain kami ng pagkain galing YG cafeteria. Kaya naging DATING PLACE na namin ang YG BUILDING, kekekeke
Tuwing nakikipagkita naman siya sa mga kaibigan niyang babae, may DATING SCANDAL na agad lalabas. Wala naman sakin yun, alam ko naman lahat ng ginagawa niya. Anong silbi ng cellphone na call and text? bleeeh!
Naiinggit lang ako kina Bom, Cl at Minzy o kahit sinong artista na malayang nakakalapit at nakikipag-usap sa kanya kahit on-cam tapos ako ngiti-ngiti lang sa sulok. pero sabi nga niya sa interview, "Mas madalas ako sa studio para makagawa ng kanta." Yes. Gumagawa siya ng kanta, pero katabi niya ako. Sabi pa niya sakin, "Inspired ako magsulat pagkatabi kita" aigooo!!! galing magpakilig ng future hubby ko!!
Tuwing 'nagpapaka-pagod' kami sa rehearsal, nagpapadala naman siya ng pagkain. Tuwing break time, tumatawag siya at kung mag text minu-minuto naman.
(end of flashback)
"Ako nalang amoyin mo, mas mabango pa ako jan eh!" sabay halik sakin sa pisngi. Di ko na namalayan ang pagpasok nila ni YB. "Ngiti-ngiti mo jan? Kinikilig ka yan eh bulalak pa nga yan, pano pa kaya kung may kiss kana sa lips?" sabay smirk.
Nilayo ko yung mukha niyang nang-aasar. "Kapal nito, okay na ako sa bulalak noh!" tsaka sa presence mo. Pero di ko na dinugtong, lalaki ulo nito eh! hahaha!
Nagkipagkulitan pa sila samin habang nagpi-prepare kami para sa concert. Nakakawala naman talaga ng kaba pag andiyan siya. Kaya bago pa siya umalis, nagnakaw pa ng halik sa lips sabay takbo. "baby girl! Sa labas lang ako ha? manunuod ako! ichi-cheer kita!" kulit talaga! hahaha! yan tuloy, di ko na kailangan mag blush on!
Naging succesful naman yung concert, maganda namin yung response ng audience at netizens. Nung last performance na namin, tumayo pa siya at pumalakpak. Pinaparamdam niya talaga sakin kung gaano siya ka proud, kung gaano ako kahalaga sa kanya at kung kaano niya ako kamahal. Suportado niya ako sa lahat ng mga pangarap ko. Masasabi ko naman na nakamit ko na yung mga yun ng dahil sa kanya. Wala naman talaga ako dito kung di dahil sa pagbibigay niya ng lakas ng loob sa akin. Ginagawa niya ang lahat para sakin. Bakit ko nga ba iniisip ang sasabihin ng ibang tao tungkol sa aming dalawa kung siya nga eh tanggap na tanggap na kung anong meron ako..