4

1 0 0
                                    

Dear Dude,

Tinext ka ng gf mo.

"Beh, pakisundo ako."

Ayon. Nag-ala driver ka at sinundo mo siya.

Tinext ka na naman ng gf mo.

"Beh, gutom ako. Magluto ka naman oh."

At dahil mahal mo siya,

Ayon, nag-ala cook ka at pinagluto mo siya.

Pero the next day, nagtaka ka. Di  na kasi siya nag-text.

Kaya naman, pinuntahan mo siya sa tambayan niyo.

Yun bang coffee shop sa may kanto?

Pero nagulat ka!
.
.
.
.
.
.
.
.
May kasama kasi siyang iba.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pero sabi mo, okay lang diba?

Okay lang kasi mahal mo siya.

Pero dude, payo lang ah?

Huwag mo naman sanang karerin pati ang pagpapakatanga.

Forever Young,
Q.JC

Something Deep (Bitter Thoughts of Queenie C.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon