Chapter 1
Umalpas ang sinag ng araw sa kurtina ng aking kwarto. I already told my parents that I want something dark for my curtains because it lessen the rays from outside. Pero ang gusto pa rin nila ang nasunod.
Lagi naman.
It made me dug my face into my pillow. My eyes sore. I still remember how my day ended yesterday. Wala akong nagawa. And I need to just go with the flow. Again.
"Euxine, gumising ka na!"
Narinig ko ang sigaw ni Mommy sa labas ng aking pinto. Hindi pa siya nakuntento at kinatok na ito. Seriously? 7AM palang, ganon ba sila ka-excited?
"Euxine! Get up!" ulit niya pa.
I imagine how my mom looks like outside. Her deep rooted eyes, crossed arms and a megaphone-like voice.
Pumikit ako ng mariin. Masakit pa rin ang aking mata, dulot ng matinding puyat kagabi. Kung saan saan ako dinala ng mga iniisip ko, mabuti na lamang at nandiyan ang mga art materials ko para magpakalma sa akin. It helps.
"Wait lang, my!" sigaw ko pabalik. Nananatili pa ring nakahiga.
"Bumaba ka na, kung hindi ipapasundo kita diyan sa mga Kuya mo. Breakfast is ready."
"Opo!"
I heard a footsteps. Sigurado ako na bumaba na si Mommy, at kailangan ko na ring sumunod sa kanya kundi ay guguluhin na naman nila Ryker ang aking kwarto.
Umupo ako sa kama. Pinagmasdan ko ang aking kwarto, sa bawat wall nito ay punong puno ng mga artworks ko. Ang iba ay mga paborito kong quote na galing sa libro at movie. Dito sa kwartong ito, binubuhos ko lahat ng gusto kong gawin. This is my life.
Naaalala ko pa kung paano tinutulan ng mga magulang ko ang ganitong aspeto. Ayaw nila nito, hindi nila sinuportahan ang kung anumang mayroon ako ngayon. They wanted to throw every single things I love the most.
"Euxine, hindi ka na nakakapag-aral ng mabuti dahil sa mga ito! You know how much I wanted you to be succesful, and this aspect won't help you!" si Daddy.
I hid all of my art materials to my parents, dahil alam ko na ganito ang mangyayari. They won't support me, who else will?
"Dad, all of these are not a hindrance to be succesful. I can make my own exhibit someday, just trust me..." halos pagmamakaawa kong sambit.
Humalukipkip si Mommy habang hinihilot naman ni Daddy ang kanyang sentido. Surely, I always giving them headache. But I want this. Why can't I pursue this thing?
"Hindi ka magiging succesful sa pagkakaroon mo ng exhibit, Euxine! I'm telling you, business lang ang makapagpapaangat sa'yo sa buhay. At habang maaga pa lang, you'll choose what is right." singhal ni Mommy sa akin.
"I already knew what is right, my. This is my thing..." my voice broke.
"You're really still young, hija. Hindi mo pa nga maiintidihan ito sa ngayon..."
Yes, hindi ko talaga maintindihan, at hinding hindi ko maiintindihan ang mga rason nila. I admire those parents who supports their child to achieve their dream, why can't I have the same support? Why?
Pag baba ko ay nakita ko na silang kumpleto sa dining area. My mom already spotted me. I smiled a bit.
"Good morning," humalik ako kina Mommy at Daddy at saka umupo sa gitna nila Nick at Ryker.
"Nagpuyat ka ba kagabi, Eux?" tanong ni Mommy pagkaupo ko.
Nag-angat ako ng tingin. I blinked.
"Hindi po, I just do my piece. Nag-paint po ako..." pagsisinungaling ko.