Prologue

21 1 4
                                    

Prologue

"And the winner is..."

Parang tambol ang puso ko nang marinig ang pahayag na iyon ng host. Iginala ko ang aking paningin sa buong lugar, nakadagdag lamang iyon ng kaba nang mamataan ang kumpol ng mga tao sa buong gymnasium.

"Bakit kasali 'yan?" dinig kong sambit ng isang freshman sa 'di kalayuan.

Napalunok ako doon. Nangatog ang aking tuhod nang mapansin ang pagkakaroon ng kumosyon. It feels like they are shocked of me being here.

"Beauty pageant 'di ba? Bakit may... panget?" nagtawanan ang kumpol ng mga babae sa gitna.

Hindi na ako mapakali sa harapan. Nilingon ko ang mga katabi kong kandidata. They are all wearing their confident smile. Halos lahat sinisigaw ang mga numero nila, ang sa akin lang yata ang walang bumabanggit.

"Baka nagkamali lang ng sinalihan?" hagikhik noong isa.

"Maybe. Look at her, walang bakas na confidence sa sarili because she knew that she'll never win this competition..."

Yumuko ako. I hate how people easily become insensitive nowadays. I'm a woman. And I think, I deserve some respect.

Kinurot ko ang aking daliri. Wishing that this event will be done any minute now.

This is not the first time I joined this sort of competition. Every year my mom encourage me to join, but even though this is not my forte, I would follow my mom's decision wholeheartedly.

I'm her unica hija. Syempre, nakakadagdag ng tuwa sa kanya sa tuwing nakikita ako sa mga ganitong patimpalak. Ngunit kung masaya siya, ako hindi.

"You should try, honey! I know you'll bring home the crown."

My mom once said to me. Pero iyong sinabi niya ay mananatili na lamang salita. I don't think I can do it. Ever.

In my three consecutive years of joining, nasanay na ako sa mga taong bumabato sa akin ng masasakit na salita. I always hear them throwing those criticisms, and I am used to it.

"The winner is... Gerica Valenzuela!"

Narinig kong suminghap ang mga tao ngunit hindi naglaon ay pinalakpak ang kanilang mga kamay. I looked at Gerica, her expression is priceless! Una pa lang, alam ko nang siya ang mananalo. She deserves it.

Nagtungo kay Gerica ang isang kilalang Gobernador at ang Mayor. Isinuot sa kanyang ulo ang asul na korona at sinukbit ang kanyang sash. Kumaway siya sa mga tao, at maluwag naman itong tinanggap ng mga estudyante.

Habang pinagmamasdan sila, may napansin akong isang bagay... People will only love and accept you when you're pretty, famous or rich. When you didn't reach their expectations, you are nothing. It's sad. But that's how society works.

Kung hindi ka nila kilala ngunit pasa sa kanilang panlasa, you'll earn their respect.

Bago ako magtungo sa back stage, nakita ko sina Ryker at Nick sa gitna. Pinagkakaguluhan ng mga estudyante.

I saw them looking at me. Sumenyas sila na mauna na ako sa likod at susunod na lamang sila. Umirap ako ngunit sinunod na din ang kanilang sinabi.

Nagtungo ako sa upuan kung nasaan ang mga gamit namin. Ako pa lamang at ibang make up artist ang nandoon dahil ang ibang kandidata ay naroon pa sa stage upang samahan si Gerica sa kanyang pagkapanalo.

They looked at me. Yumuko ako. I know!

Umupo ako. Iniinda ang sakit sa aking paa dahil sa suot kong high heels. Noong bata ako, I love wearing stilletos. Maglalakad pa ako sa buong sala namin habang nakangiti but everything turns upside down. Siguro nga, habang tumatanda tayo ay nag-iiba ang kagustuhan natin sa buhay.

Game of FateWhere stories live. Discover now