Bakit Niloko Mo Ako?!

75 1 1
                                    

Bakit ako pa?

Ako pang tunay na nag mahal sayo 

hindi ba ako naging sapat para sayo?

may nagawa ba akong mali para saktan mo ako ng ganto,

may pag kukulang ba ako,

bakit ako pa,ako pang tunay na nag mahal ang sobrang nasaktan.

dahil ba sobra akong nag pakatanga sayo?

sabagay madami ngang nagiging tanga dahil sa Pag-Ibig.


pero bakit ako?

ako pa na laging umiintindi sa ating relasyon

laging nag lalambing sayo,laging nag eeffort 

hindi mo lang ba naiisip lahat nang bagay na ginawa ko para mag work 

itong ating relasyon,dahil ba ako na lng ang nag-aadjust

dahil ba ako na lng itaong laging umiintindi at 

bumubuhay sa relasyon na ito?


Bakit ba di ko pa napuna nung una pa lang

sa bawat lalapit ako sayo at kasama mo ang mga kaibigan mo

nilalayuan mo ako,dahil ba pangit ako kaya kinahihiya mo ako?

sa tuwing mag eeffort ako hindi mo lang mafeel.

lahat ng sakit pinadanas mo sa akin!

sa tuwing naalala ko lahat ng mga bagay na iyon

para ba akong pinapako sa crus ng iyong kasinungalingan 

at tila pinapatay ako sa sakit!


pero bakit ako pa ang iyong sinaktan 

yung taong handang magmahal sayo at 

ibigay lahat ng gusto mo bakit ako pa!

yan lagi ang tanong sa aking isipan!

at sobrang pinagsisihan ko 

na ikaw pa ang minahal ko,

ikaw na hindi ako kayang mahalin

ikaw na di ako kayang tangapin .


kaya bago matapos tong tula na ito sana maramdaman mo

ang sakit na pinadama mo sa akin."Salamat sa lahat,sa Lahat ng 

iyong kasinungalingan,kasinungalingan na sa akin ay pumapatay

sa tuwing naalala ko lahat ng sakit na iyong pinaranas sa akin at 

dahil dun mas natuto akong maging matatag at matapang 

kaya salamat sa lahat ng sakit na pinaranas mo sa akin,

kakalimutan na kita TANG INA KA TAPOS NA AKO!



Bakit Niloko Mo Ako?!Where stories live. Discover now