A Jeepney Love Story by LiandeyG. (Short Story)

130 2 0
                                    

" Hi , Ako si Yzabella . 16 years old . Isang simpleng college student na may night cLass pero hindi naman isang working student. BSBA-Marketing ang kinukuha kong course :):) "

" Hello. Ako si Paolo. 18 years old. Working student , nag-aaral ng course na Commerce. Sa umaga pumapasok ako sa school at every afternoon naman ay nagtatrabaho hanggang gabi "

--

YZABELLA's side :

hayy . Nkkapagod na gabe . Buti na lang uwian na .

Kelangan ko pang sumakay ng bus at jeep para makarating sa bahay . Mejo mahaba-habang byahe to.

Okay lang , soundtrip na lang ako.

Walang hassle sa bus nakakuha ako ng magandang pwesto at mabilis din ang byahe.

Andtu nko sa terminal ng jeep buti walang strike ngayon dko na kelangang mag abang pa ng pagkatagal tagal .

Sumakay na ako.

Pangkaraniwang gabi na lang to para sa ken. Iba-ibang tao nakakasabay ko.

Iba-ibang itsura.

Hanggang sa may isang lalaking pinakahuling sumakay .

Sa may pwesto namin may natirang space kaya nagsipagurungan kame para makaupo siya.

Tumabi siya sken.

As usual , may mga paabot ng paabot ng bayad , dahil nsa gitna ako kya mejo maraming nagpapaabot.

Nayayamot na ko kse parang nang-aasar.

Yung ibang katabi ko ayaw abutin kaya napipilitan na lang akong abutin ung bayad nila.

Nang medyo lumuwag na ung kabilang side lumipat ung lalaking huling sumakay kasi masyado ngang masikip sa side namin.

Dun ko napansin na may pagka " goodlooking " naman pala yung katabi ko kanina at ang bango pa ! Dapat di na lang siya lumipat Sabi ko sa isip ko nagsisimulang maging piLya.

Sa bawat may bumaba sa side namen lagi kaming nagpapantay ng pwesto.

Napansin kong tingin ng tingin yung lalaking yun kaya umiba ako ng tingin.

Tumingin na lang ako sa labas ng bintana.

Ayan , malapit na akong bumaba .

" KUYA , PARA HO ! " may naunang bumaba kaya sumunod ako.

Si manong driver di ako napansin na pababa biglang umandar ung jeep kaya muntik nko mdisgrasya mbuti nlang mabagal pa ang pagandar ng jeep at naalalayan ako agad ng katabi kong lalaki kanina. Kinabahan ako.

" SALAMAT. " yun ang sinabi ko sa lalaki at dali-daling bumaba ng tuluyan sa jeep.

Hindi ko alam pero biglang akong nakaramdam ng kilig sa simpleng gesture niyang iyon.

PAOLO's side :

kka'out ko lang sa trabaho, nakakapagod syempre kaya gustong-gusto ko ng makauwi at makapag-pahinga na . Mabuti at nakahabol ako sa jeep na paalis na.

Masikip pero ayos lang dahil gusto ko na talaga umuwi.

Umusog ung mga naunang pasahero para bigyan ako ng pwesto . VIP db ? Haha!

Dun ako napatabi sa isang estudyante. Di ko masyado namukhaan dahil nakatungo siya at nagtetext.

Ambango niya. Medyo matamis yung amoy ng pabango niya.

Alam ko yung brand na yun !

Victoria Secret. Ganyan kse gamit ni ate.

Naririnig kong napapa-"tsk" siya . Panu b naman kasi ginawa siyang taga'abot ng bayad ng mga ktabi namin.

A Jeepney Love Story by LiandeyG. (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon