Namimiss ko na siya. Miss na miss na kita Stephen. 10 na taon na ang lumipas, at sa tagal na yon, hindi ko rin siya makalimutan. Nakakatawa. Ano bang meron siya at hindi ko siya makalimutan sa tagal ng 10 taon? Madalang na lang siguro ang makaalala sa childhood life nila. Magmula nang pumunta sila ng London ay wala na akong naging kaibigan. Naging taong bahay ako, hindi ako nakikihalubilo sa mga kasing edad ko, pagkagaling sa eskwela diretso bahay, tapos ang lagi ko lang na kasama ay si libro, libro, libro, at si libro. Sa buong buhay ko si Stephen lang ang naging kalaro at kaibigan ko. Imposible man isipin, pero totoo. Nakakatawa mang isipin, pero sa murang edad namin noon, ay minahal ko siya. Oo, minahal ko siya. Hindi ko alam basta iyon ang sinasabi ng puso ko. Ewan ko lang kung ganun rin ang nararamdaman niya sa akin. Ha! Ewan. Napaka impsoble. Etchosera. Akalain mo, 10 taon rin pala akong umasa. Hanggang asa lang yun. Baka iwasan niya ako pag sinabi ko sa kanya ang nararamdaman ko. Kaibigan ko lang siya. Mahal na mahal kong kaibigan.
Nandito ako ngayon sa ilalim ng puno ng Narra, kung saan kami noon nag lalaro, naghaharuntan, nag aaway, at nag aasaran. NOON. Noon yon. At dito rin namin inukit ang pangalan namin sa puno ng Narra. Stephen & Haliah. At sa mga pangalan namin ay igunuhit ni Stephen ang puso. Kaya nasa loob ng puso ang aming pangalan. Araw-araw ko itong dinadalaw. Inaalala ang mga araw naming masaya. Gamit ang photo album ko, narito ang mga alaala namin. Kung saan kami namamasyal kumakain ng paborito naming Ice Cream, atbp. Habang sinusulyapan ko ang mga ito ay namamalayan ko na lang na tumatawa ako. Sa tagal ng panahon na iyon, ay umaasa pa rin ako sa kanya. Umaasa na babalik siya. Kilala niya pa kaya ako? Kasi ako sa tagal nang yun hindi ko siya nakalimutan. Mahal na mahal kong kaibigan.
Biglang nag vibrate ang phone ko. Unregistered number ang nakalagay. Sino to'? Bakit Unregistered ang number? Hindi kaya sindikato ito? Manloloko? Mamatay tao? Death threat? Sasagutin ko ba o hindi?
Ahh... sige sagutin ko na lang, bakit, matapang ako no!
"Hello, sino to?" Bungad ko.
"Hi! Can I speak to Haliah Santiez pls?" Teka, familiar yung boses niya.
"Stephen? Ikaw ba yan?" Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Haliah is that you?!"
Totoo ba itong nangyayari?
"Oo, Stephen ako to! Stephen miss na miss na kita! Nakakainis ka hindi ka nagparamdam! Akala ko nakalimutan mo na ako! Kailan ka ba babalik dito? Umuwi ka na dito pls. Sobrang sabik na akong makita ka." Sobrang naiiyak ako sa tuwa. Hindi ko inaasahang tatawag siya ngayon. Parang sasabog na yung damdamin ko sa sobrang saya, na naiiyak, na sobrang excited.
"I'm so sorry Haliah. I'm really really sorry. Ako rin super miss na kita! I wanna see you right now."
"Nakakainis ka ang tagal mong hindi nagparamdam!"
"Sorry Haliah. Nga pala, kaya ako napatawag kasi, we're going back there tomorrow. Uuwi na kami jan! I'm really excited!"
"OMG! Talaga?!"
"Yes. And I want to see you tomorrow. Pede bang sunduin mo ako bukas sa airport?"
"Sure. Ikaw pa! Gustong-gusto na kitang makita."
"See you Haliah!"
"See you!"
"I love you."
Nag end na agad yung pag uusap namin.
BINABASA MO ANG
Narra (One-Shot Story)
Romance9 yrs old pa lang sila Haliah at Stephen nang sila ay maging magkaibigan. Saksi ang puno ng Narra sa bakuran nila Haliah sa saya at kalungkutan nilang dalawa. Doon ay may isang maliit silang tree house kung saan sila naglalaro, nagtatawanan, nag iiy...