Maaga akong nagising ngayon hahaha di dahil gusto ko makapasok sa trabaho ng maaga kundi para maaga kong makita si Mr. Gentleman kahapon ^_^
Nagba-bakasakali lang naman ako eh malay nyo andyan ulit sya nag-aantay ng masasakyan pagnagkataon baka syempre ia-aproach ko na sya. Landi ko pwe.!
Naghanda na ako ng breakfast ko tinapay lang naman tyaka coffe lagi kinakain ko eh after non naligo na ako at nagbihis ng isang simple pero presentable na damit kita ko kasi sa aura nya kung gaano sya kapresentable eh
Then nag make-up na ako
di naman ako mahilig na mag make up ng super tamang lipstick at blush on lang pero nagbabaka sakali eh hehehe kaya nagmascarra, kilay, eyeshadow, at kung ano ano pa para mas lalo ako magslay hahahahaTapos na lahat kaya buong ngiti ako sumakay ng elevator pababa binati ko pa nga yung guard ng condo eh with smile pa yon hihihi
'Sana talaga makita kita'
Nakalabas na ako ng building ng condo at lumingon lingon ako para makita sya at hindi naman nabalewala ang pag-aayos ko dahil nakita ko na agad sya malapit sa may pedestrian lane
Kahit nakatalikod sya alam ko na sya na yon nakalong sleeve sya ng puti na mas lalong nagpa-manly sa kanya
'Lord thank you talaga'
Naglakad ako papunta doon sa pwesto nag-act na parang di ko sya napansin ang pangit naman siguro kung bigla ko syang lapitan at kausapin ang feeling close ko non.
Magkatabi na kami ngayon at nagce-cellphone sya, hays siguro di nya ako napansin
'Tawagin ko kaya?'
'Ang feeling close ko nun'
'Eh kung kulbitin ko sya?'
'Eh ganon rin yon eh..'
'Ilaglag ko na lang ang bag ko para kuwari kunin nya'
'Parang ang awkward naman ata non?'
'Aishhh baka makasakay na yan di pa ako napapansin'
para akong baliw na nakikipag talo sa isip ko kung paano mapansin ng lalakeng katabi ko, wala kasi akong maisip na okay na gawin. Tsk tsk.
"Uyy!" Parang naalog ang utak ng bigla may magsalita sa gilid ko
At sya pala yon, nakatingin sya saakin at nakangiti, yung ngiti katulad nung kahapon ♡_♡
"A-ako?" Saakin nakatingin baka ako nga. Shoot! Baka naalala nya ako ^_^
"Yes haha ikaw yung kahapon diba?"
Sabi na nga ba naalala nya ako, asdfgghjkl..! Di ko akalaing sya ang unang maga-aproach saakin!"Ahh oo ako nga, Thank you ulit ha?" Nakangiti kong sabi sakanya
"wala yon, di ka ba nalate?" Tanong nya pa saakin, feel ko talaga mabait to eh
"Di naman, sakto lang yung dating ko"
Sa totoo lang gusto ko matanong yung name nya kaso nahihiya naman ako
Eh kung ako nalang kaya magpakilala?
Oo nga naman ako nalang dapat haha
"Uhh--"
"Good to---"
Medyo nagulat kami pareho nung sabay sana kami magsasalita medyo awkward pero bahagya naman kami natawa
"Yah ikaw muna" pauna nya pa saakin magsalita. Pati ba naman sa ganto pinapakita mo parin yung pagkagentleman mo? Hhihihi
"No, ikaw muna nasimulan mo na eh hahaha 'good to--' ano yun?" Tanong ko na napatawa naman sya
BINABASA MO ANG
Finding My Forever
RandomShe just wants somebody to love A love that will last forever.