*tenen tenen tenen tenen* 🎵
(Alarm yan wag ka)
Nagising ako sa tunog ng alarm ko Time check 6:00 am
Bumangon na ako at ginawa ko na ang routine ko sa umaga hanggat sa matapos na ako ng 7:45
Bumaba na ako ng condo
"Sana makita ko si Justin"
Sya talaga yung bumubuo ng araw ko eh ♡_♡
Pagkalabas na pagkalabas ko ng bldg. ng condo tumakbo agad ako sa malapit pedestrian lane baka nandon na kasi agad sya eh
Nakita ko naman sya , nasa mas unahan balak ko sana syang tawagin kaso may tumawag sa kanyang babae at niyakap pa sya may pinagu-usapan sila kaya mas lumapit ako para mas marinig ko sila, ang chismosa ng datingan ko dito eh
"Baby im sorry kanina ka pa ba?" Sabi nung babaeng lumapit sakanya
Baby ?Anak nya ba si Justin.. Tsh.
The foxxxx malamang gf nya
"No it's okay maaga pa naman, tyaka minsan lang tayo magsabay pagpasok kaya syempre magiintay talaga ako" sinabi yon ni Justin habang suot yung pamatay nyang ngiti
"Aww your'e so sweet talaga baby, don't worry madalas na tayong sabay pumasok" pabebeng sabi nong babae
Ang sama ko haha
"Okay na ba schedule mo?"
"Yes naman, inapprove na yung change ng sched ko so palagi na tayong sabay"
Tsh. Kaya naman pala madalas mag-isa itong si justin kasi di nya kasched yung gf nya
Sadya lang talaga siguro approachable itong si justin , perong asang-asa na ako dun ha muntikan na ako mafall as in so deep
"Kahit kailan talaga sawi na lagi ako T_T"
Nagsidatingan na ang mga taxi maaga pa naman kaya di na muna ako nakipag-agawan
Kahit yung magsyota na yon nakasakay na rin, the foxxxx medyo masakit yun ha
Hanggang makasakay ako ng Taxi lampas na ng 8:00 buong byahe tulaley lang ako at nagsesenti habang nakasalpak yung earphones kaya ang kinalabasan lumampas sa pupuntahan ko yung Taxi nadagdagan tuloy yung binayaran kong metro si kuya kasi di mablang nagsalita --_-
Pumasok ako ng walang kagana gana hays bakit ba ganto ang buhay ko? tatanda nalang ba akong dalaga?huhuhu ayaw ko nga, no way!
lord naman kasi biyayaan mo na ako ng jowa T_T
Oh ang sakit talagang isipin parang nabadtrip tuloy ako ngayong araw tshhh...
Habang naglalakad ako papuntang department namin ay may nakabangga akong lalake, alam ko naman nasa gitnang gitna talaga ako pero minsan kelangan naman sila yung mag-adjust diba? banggain ba naman ako -_- kaya nangyare nabitawan ko yung bag ko.
Napatingin saakin yung lalake nung kinuha ko yung bag ko sa sahig as in tinignan lang ako at di manlang nagsorry kaya nung pagtayo ko balak ko sana syang kausapin ang kaso nilagpasan nalang bigla ako, aba bastos yun ah! kaya mas lalo lang nabadtrip ako ngayong araw letse!
--
"Teh! andito na daw yung mga bagong hired shet andami daw pogi!!!"
walang gana ko naman tinignan si Elmer at nagpatuloy nalang sa pagkain.
"Ay may dalaw ka ba ngayon? wala ka ata sa mood" tanong nya saakin, ewan ko ba badtrip ako ngayon
"Marami lang nakakabwiset akong na-encounter"
BINABASA MO ANG
Finding My Forever
RastgeleShe just wants somebody to love A love that will last forever.