Prologue

12 1 0
                                    

Sa mundo ng mga tao,isang alagang hayop lang ang turing nila sa mga pusa.

Isang alagang hayop na mabalahibo,malambing at nakakagiliw laruin.

Karaniwang nagugustuhan ito ng mga tao dahil sa nakaka-giliw na itsura nito.


Ngunit ang hindi nila alam,merong isang alamat ang mga pusa na pwede din makasalamuha ang mga ito na aakalaing isang tao rin.



May paa,kamay,mukha at syempre katawan.Nakakapagsalita at nakakapaglakad sa dalawang paa lamang.


Pero hindi ito mangyayare,kung hindi sila makakakuha ng enerhiya sa mga tao.Enerhiya na maaring dumaloy papunta sa kanilang katawan sa pamamagitan ng paghaplos ng mga malalambot na balahibo nito.

Ngunit may limitado lamang ang kanilang pagpapalit anyo.Kapag namatay ang nagbabalanse ng kanilang enerhiya,hindi na sila muling makakalakad sa dalawang paa kailanman.



At mananatiling magiging pusa katulad ng isinumpa ng kanilang mga ninuno sa kasulatan.


Papaano nga ba nila makikita ang taga-balanse ng kanilang enerhiya na tinatawag na Poise?Tungkulin nilang alagaan at protektahan nila ito upang manatili sila sa kanilang bagong mundo.


Papaano nga ba paniniwalaan na nakakapag-anyong tao ang mga pusa na hindi natin namamalayan na nasa tabi mo lang pala.



Madalas mo bang haplusin ang balahibo ng iyong pusa? O tingnan ang kanilang mata?


Kung oo,isa ka sa nagbibigay ng enerhiya sa kanila upang mag-anyong tao sila.


Magsisimula na ang sumpa o ang kanilang bagong mundo na tinatawag na Metamorphosis.







-
Author's Note:

   This is a work of fiction.Names,characters,business,songs,places,events and all the scenes that's written in this story are just the products of my imagination in the way of my own creativity.Any resemblance to actual peraons,living or dead,or actual events is purely coincidental.Plagiarism is a crime!




Started:May 16,2017

        Written by:dafhna_the1

The MetamorphosisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon