Chapter 62 -Monica Madrigal

2.3K 41 11
                                    

Monica PoV

habang nagmamaneho ng sasakyan niya si monica pauwi ng san simon, kitang kita niya mula sa harap ng sasakyan niya ang liwanag ng buwan na nanggagaling dito.

napakaganda ng buwan..'

nakatingin dito si monica habang nagsasalitang mag isa.

si Monica Madrigal ay ang nag iisang anak ni Roberto Madrigal.

bihirang bihira lang siya kung umuwi ng san simon, sa maynila na kasi siya halos lumaki at nag aral.

hindi siya makapaniwala sa nalaman niya tungkol sa ama niya.
makapangyarihan ang mga madrigal sa san simon, kaya laking gulat niya ng malaman niyang iniimbestigan ang sarili niyang ama ng mga nbi.

alam niyang hindi rin magsasabi sa kanya ang daddy niya tungkol dito kahit na tanungin pa niya ito.
kaya mas maganda ng umuwi siya ngayon ng hindi nito nalalaman.

ano ba ang kinalaman ng daddy niya sa pamilyang dominguez?

matagal ng nangyari ang aksidenting pagkasunog ng pamilyang yun, hindi lingid ke monica ang nangyaring yun.
taga san simon siya, kaya alam niya ang tungkol doon.

baket lumalabas ngayon na pinatay ang mga ito....?
at baket sangkot ang daddy niya..''....?

andaming tanong na tumatakbo sa utak ni monica, hindi maaalis ang lungkot sa mukha niya habang nag mamaneho.

balak niyang mag stay muna dito ng kahit isang buwan o higit pa, sasamahan niya muna daddy niya. kailangan siya nito ngayon.

mabilis na pinatakbo ni monica ang sasakyan niya, na para bang me galit siyang gustong mailabas.

naalala na naman niya si gabriel...

naipangako niya narin sa sarili niya na tuluyan na niyang aalisin si buhay niya ito..'

ito lamang ang lalaking minahal niya ng sobra sobra sa buhay niya. pero tila hindi patas lumaban ang tadhana pagdating sa pag ibig.

at isa siya sa mga hindi pinalad nito...'

nagmamahal siya sa taong wala namang nararamdaman para sa kanya.

minahal niya ito ng husto, ibinigay niya lahat dito para lang mapasakanya si gabriel, pumayag siya sa kasunduan nito na NO ATTACHMENT '! kahit na masakit para sa kanya.
ang makasama niya lang ito ay masaya na siya.

hinayaan niya nalang na ganito ang set up nila na wala silang commitments sa bawat isa dahil ito ang gusto ni gabriel.
umaasa siya na isang araw mamahalin din siya nito.

alam niya kung ano si Gabriel Monte Carlo pag dating sa mga babae.
kaya nitong magpalit ng kahit anong oras gustuhin man niya.

kaya lahat ng nalalaman niya na mga babaeng me gusto dito ay tinatakot niya wag lang mapalapit dito si gabriel.

pero ngayon iba....ibang iba... kaya siyang saktan ni gabriel ng dahil lang sa babaeng yun.

nakita niya sa mga mata nito kung gaano nito kamahal ang babaeng yun.

luna..'....luna..."
tama nga luna ang pangalan ng babaeng yun!

 My Arrogant BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon