Chapter 21 - Affection

2.5K 37 0
                                    

palakad lakad si luna sa loob ng resort na parang wala sa sarili,
pakiramdam niya sa braso niya, andun pa rin yung kamay ni gabriel.
        
baket ba kasi para siyang natutunaw sa tuwing tinititigan siya nito,
at ng lumapit ito sa kanya kanina para siyang nalulunod sa bango ni gabriel,na para bang ang sarap yakapin nito at mahiga sa mga braso niya.
       
biglang inalog alog ni luna yung ulo niya.
   
luna!luna!
ui..! gumisinng ka..!
malayo sa katotohanan yang mga imahinasyon mo!
 
hawak hawak ni luna ang ulo niya habang naglalakad.
mabuti nalang bukas pauwi na sila hindi niya narin makikita ang lalaking yun.

nakita niya si ann na naglalakad at me kinakain pa to habang palakad lakad.

lunaaaa!!!
saan kaba galing?

kanina pa kaya kita hinahanap, galing na ako sa taas wala ka dun, kaya bumaba ulit ako!
       
gusto mo ito?
inihaw na mais' ang sarap!
tikman mo oh,!?
lambot nung corn niya, alok sa kaniya ni ann.

heyy!!! letseee kaaaaaa!!
lunukin mo ng buo yang mais mo!buwwessitt na to!!

ano problema mo at nag bi beastmode ka diyan luna!!

kanina pa kasi ako hanap ng hanap sayo punyeta kaaa!!
  
hanggang sa napadpad ako sa lugar ng halimaw!!

hahahaha''
baket ano nangyari sau?

sige lang andromeda!

tumawa kapa diyan, at pag hindi ako nakapag pigil talagang isasalaksak ko sa lalamunan mo yang mais na hawak mo, para manahimik kaaa!!

ei!! baket kaba galit na galit diyan!?

sino ba ang matutuwa kapag nakakita ng halimaw!!

ibig mong sabihin''.....
nagkita na naman kayo ni sir gabriel?

papikit pikit pa ang mata ni ann habang tinatanong si luna.

ako nga ann wag mo inaasar ha''!bilisan mo na maglakad diyan at nagugutom na ako.

sandali ngaaa!!
nagkita nga kayo ni sir gabriel??
pangungulit parin ni ann ke luna.

sino paba ang halimaw sa buhay ko,?!

yung amo mo lang nmn diba!

kung hindi mo lang amo yun nasigawan  ko talaga yun parang gago lang kasi..!

naku luna'! bat lagi kaya kayo nagtatagpo niyan...?
  
siguro ko......
siya na talaga 4ever mo, pangiti ngiti pang sabi ni ann.

bastos yang bunganga mo ann!
wag kana lang magsalita diyan, hindi maganda yang pinagsasabi mo!

woowww!!
luna iba ka talaga,
choosy ka ha,!!

hindi mo ba alam kung gaano kadaming babae nagkakandarapa ke sir gabriel?

well''... hindi ako isa sa kanila,
pairap irap pang sabi ni luna.
wala ako pakialam sa kanya.

pag dating na pagdating ni lucas ng resort umalis kaagad si gabriel.

siya lang mag isa ang nasa sasakyan at si lucas naman ay pinagamit niya yung isa nilang sasakyan para makabalik din agad ito ng maynila.

lahat ng mga kailangan ipagawa sa kanya ng mama niya dito, ibinilin niya nalang lahat ke chris.
         
ewan ba niya at masyado siyang nagmamadaling makaalis ng resort,
na dapat sana ay bukas pa.

habang nagdadrive siya pabalik ng maynila para bang me mabigat sa dibdib niya na hindi niya alam kung baket.

ang babaeng yun kayang kaya sirain ang araw ko..!

baket ba kasi ang bilis ko maapektuhan pagdating sa kanya,??!
ilang beses ko palang naman siyang nakikita,..!
baket ganito kaagad epekto ng babaeng yun sa akin..'
     
parang tangang nagsasalita si gabriel mag isa sa loob ng sasakyan niya.
    
me napansin din siya kanina ke luna ng titigan niya ito sa mukha.."

namumugto mga mata nito, na para bang umiyak ng umiyak magdamag..
ano bang meron sa babaing yun...
       
sino kaya dahilan ng pag iyak niya..?

tuloy parin siya sa pag dadrive at dahil sa me kalayuan ito sa maynila kaya medyo matagal tagal din biyahe niya.
       
bigla niya naisip ang sinabi ni luna kanina.

LUNA pala pangalan mo....
i will try luna na mawala ka sa isip ko dahil hindi ko gusto na lagi mong ginugulo utak ko.

if not,....
i will do everything na makita ulit kita!
and don't ever try to push me away, dahil hindi ako papayag.

 My Arrogant BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon