Chapter 1: Friend Request

90 1 0
                                    

Monique's POV

Nandito ako ngayon sa harap ng WhiteBlack University. Actually I'm from Cebu kaso lumipat kami dito sa Manila kasi gusto ni papa na malapit kami sa family niya. I'm half chinese. My name is Kaitlyn Monique Wu. (Monic kung basahin)

"Hi, bago ka ba dito?." sabi ng babaeng hindi ko kilala. Maganda siya, matangkad at maputi. Tangos rin ng ilong niya. Ang ganda ng kanyang katawan.
"Yes" sabi ko
"Halata naman, kasi bago ko lang nakita yang mukha mo dito. Btw I'm Lauren Barreto. Since 1st year pako dito eh.Ikaw?"
"Aah, I'm Kaitlyn Monique Wu. You can call me M or Monique." at nagshake hands kami. She's friendly.
"I like M. Parang unique kasi kung M eh. hahaha. So pasok na tayo? Anong year ka na ba?" - Lauren
"4th year. Nasa third floor yung room ko. Section 2"- Ako
"Oh? 4th year rin ako. Third floor. Classmates pala tayo. Tara na. Ipapakilala kita dun sa mga kaibigan ko. They're friendly. :)".-Lauren.

Pagpasok namin sa room. Ang ingay. Para bang nasa palengke ka. Well ako lang yata ang bago dito. Umupo ako sa tabi ni Lauren kasi yun lang ang may bakanteng upuan sa harapan. Ayoko kasi sa likod.

"M, I'd like you too meet Megan Cruz and Julia Aguas. My bestfriends. Meg and Jul, this is Monique Wu. Nakita ko sa labas ng school. Bago siya dito kaya nakipagfriend ako. Let's call her M. She's nice."
-Lauren

At kagaya kay Lauren, nakipagshake hands din ako. Parihas silang tatlo. magaganda, mapuputi. Anak mayaman sila. Friendly sila at hindi mahirap sabayin. Wala kaming ginawa kung hindi magpakilala lang sa harapan. 1st day eh. Makikita mo talagang anak mayaman silang lahat. Ang room ay kulay puti at black. Pati narin sa labas ng room. Hindi ako mayaman pero may kaya lang kami. Scholar ako dito. Natigil ako sa pag iisip ng may kumalabit sa likod ko. Pagtingin ko lalaking nakasmile sakin. Gwapo siya.

"Hi, I'm Ethan Lim. Bago ka ba dito? Ngayon lang kita nakita."

"Ah, oo bago lang ako dito. I'm Monique. Monique Wu. Call me M."

"M? Astig hahaha." -Ethan

"M, tara lunch tayo. Oh Ethan andito ka pala? Akala ko ba aabsent ka ngayon?" -Megan

"Hindi eh, ayaw ni mama. Alam mo naman yun. Hindi niya ako pinapayagan magabsent kong walang rason. Haaays. Sabay na ko sa inyo maglunch."- Ethan.

"Let's go" -Lauren

Papunta kami ngayon sa canteen. Pagpasok namin nakita ko agad ang isang grupo na puro lalaki. Ang ingay.

"Sila ang mga grupo na mga playboys. Nakooo wag kang lalapit, makipagclose or mainlove sa kanila. For sure masasaktan ka lang. Hahaha" Sabi ni Julia sabay iling ng kanyang ulo. Nakita niya siguro na nakatingin ako dun sa mga lalaki. Hindi nawala ang titig ko dun. Nakita ko rin na ang isang lalaki ay napatingin sakin. Gwapo. Kumindat siya sakin.-.-

Natigilan ako sa pagtitig sakanya ng humarang sa harapan ko si Megan.

"Sabi ko ano ang kakainin mo? Haay nako M. Bingi ka ba? Kanina pa ako nagtatanong eh." Sabay pout niya. Ang cute ni Megan. Hahaha.

"Yuck kadiri ka Megan. Ang pangit mo magpout haha. Umupo na kayo diyan. Treat ko." -Ethan.

Nang matapos kaming kumain. Napagisipan naming magma-mall. Wala kasing pasok sa hapon eh. Hindi sumama si Ethan. Baka daw mapagkakamalan siyang bakla dahil babae kasama niya. Hahaha.

"Girls, you know what? We need to change. Look. nakauniform pa tayo." -Maarteng sabi ni Megan.

"San tayo bibili?" -tanong ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 16, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Back TogetherWhere stories live. Discover now