Chapter 2
War
"Hoy! Ang kapal ng muka mo! Sino ka para halikan si Dwayne?" sabi ng babaeng nasa harapan ko.
"Wow ha? Ang kapal din ng muka mo. At sino ka naman? Susulpot ka na lang bigla sa harapan ko tapos ganyan pa mga sasabihin mo?" palaban kong sagot.
"Hindi mo ko kilala? How rude." ani niya.
"Oh bakit? Famous wanna be ka? Sorry ha. Hindi kita kilala e." sabay irap ko sa kanya.
"How dare you!!!" sigaw niya susugurin niya na sana ako pero...
"STOP!" sigaw ng lalaking nasa harapan ko na ngayon. Bat ba andaming pasulpot sulpot na lang kung saan-saan ngayon.
"At sino ka naman?" sabi ko at tinaasan ko siya ng kilay.
"Miguel. Migz for short."
"Kaibigan ni Dwayne?" pagtataka ko.
"Hmm, yes..." sagot niya.
"Migz, ano? Bakit prinoprotektahan mo yang babaeng yan! Malandi yan!" sigaw ni hindi ko alam pangalan ng bruhildang to.
"Stop it, Sachi. Hindi ka na mahal ni Dwayne. Tigilan mo na siya!" sigaw pabalik ni Migz.
"Really? Eh sinong mahal niya? Siya ba ha? Yan bang babaeng yan? Kaya mo siya prinoprotektahan? Pwes humanda ka sakin!" aambang susugod pa ulit si Sachi kuno pero dumating naman si Dwayne.
Andami ko namang night in shining armor. Shet! HAHAHAHHA
"Umalis ka na dito, Sachi. Nage-eskandalo ka na naman. Ayan ang ayaw ko sayo. Masyado kang maeksena." mahinang sabi ni Dwayne.
Bago niya hinila palayo si Sachi at naglakad paalis ay nilingon niya muna ako. What's with that? Wag mag-assume teh! Masasaktan ka lang huhu.
"Okay ka lang?" tanong ni Migz kaya nabaling ang tingin ko sa kanya.
"U-umm, yea. I'm fine." nginitian ko siya para makumpira niyang okay lang ako.
"O-okay."
Nagpaalam muna ako sa kanya bago ako umalis bilang respeto na din at pasalamat sa ginawa niyang pagprotekta sa akin kanina.
"Grabe talaga yan si Finnegan no? Pagkatapos ni Dwayne si Migz naman. Kota na siya abaugh!"
"Oo nga bessy haliparot talaga!"
"Bagay naman sila ni Dwayne ah!"
"Kadiri hindi sila bagay ni Migz ko no!"
Hay nakooo. Ano na naman to. Jusko naman. Kalma Mei. Wag mo silang pansinin. Don't stood down to their level. Mga babaeng chismakers pwe!
"Mei! Mei!" sigaw ni Kia. Tumatakbo siya palapit sa akin.
"Yea?" tanong ko.
"Okay ka lang ba? Narinig namin yung balita. Kaya hinanap ka namin agad-agad ni Zia. Hindi ko lang alam kung nasan na ngayon si Zia." walang prenong sabi ni Kia.
"GHASH MEI!" hinihingal na sabi ni Zia.
"Oh? Anong nangyari sayo?" tanong ko.
"Ayos ka lang ba? Anong ginawa sayo ni Sachi? Anong meron dun kay Migz? Nasaktan ka ba?" Hindi niya pinansin yung tanong ko kundi pinaulanan ako ng mga tanong ni Zia. Kaya lablab ko tong bessy ko eh. Hahaha
"Oo naman no! Ako pa ba hahaha." at kininditan ko pa siya.
"Pinagalala mo kami!" sabay batok sa akin ni Kia.
"Oo nga unggoy ka!" pinitik naman ako sa tenga ni Zia.
"HOY! HOY! HOY! ANO BA! ANSAKIT KAYA. MGA BULLY KAYO! ABAUGH!" sabi ko at nginusuan ko sila.
To be continue...
Ps. Tinamad bigla HAHAHAHHAHAHA sorry na agad
