PINABAYAAN ni Alyana na umagos sa buo niyang katawan ang mainit na tubig na nagmumula sa shower. Tumutulong kahit paano ang init para mabawasan ang pananakit ng braso nya at pasa sa katawan.
Napalaban siya ng husto kanina. Buti na lamang at natandaan niya ang mga martial arts at boxing lessons na itinuturo sa kanya ng mga kapatid.
Bahagya siyang napangiti. Shock na shock ang mga nagtangkang mangholdap sa kanya nang pumalag siya at patumbahin ang mga ito. Inakala ng mga iyon na komo nag-iisa siya ay kayang-kaya na siya. Peri ang kailangan lamang nyang gawin ay patamain ang mga kamay nya sa mga vital points ng mga ito. Napakadaling matalo.
Sa ilang minuto ay na-solve na niya ang problema.
Kung pupwede sanang ganoon din kadali maayos ang problema niya ngayon.
Napapikit siya. Halos isang taon na ang nakakaraan simula nang mangyari iyon. Pero hanggang ngayon ay hindi parin nya mapatawad ang sarili. At ang galit sa kanya ng mga magulang at kapatid ay masyadong nakaapekto sa kanya. Ipinagdiinan lamang kasi ng galit na iyon ang bigat ng kasalanan nya.
Sa loob din ng halos isang taon ay hindi na siya tumingin o nagka-interes pa sa kanino mang lalaki o babae. Nilalayuan na niya ang mga ito. Itinataboy.
Isa siyang bisexual at alam niyang tanggap siya ng kanyang mga magulang. Hindi tumutol ang mga ito sa kung anuman ang gustuhin nya. Suportado pa nga siya ng kanyang ama't ina.
Pero nagbago ang tingin ng mga ito sa kanya ng mangyari ang trahedyang iyon.
"Maraming babae sa mundo Alyana, pero iisa lamang ang iyong ina. How could you exchange her to a woman you don't even love? Binalewala mo ang ina mo dahil sa lust!" Masasakit ang mga salitang iyon ni Fred Alamid. Ang mga salitang iyon din ang huli niyang narinig sa sariling Ama.
Inaamin naman niyang nagkamali siya. Na nagpatangay siya sa tawag ng laman. Pero nagsisisi na siya. Kahit ano ay handa niyang gawin mapatawad lamang siya ng kanyang pamilya, higit sa lahat ng kanyang ina.
Pero mukang ang kapatawaran ng kanyang ina na si Mira Alamid ay hinding-hindi na niya makukuha pa.
Tinalikuran na siya nito.
Tumingala siya at sinalubong ang mga patak ng tubig.
Sa kanilang tatlong magkapatid, tanging siya ang tunay na anak ni Mira. At madalas ay nakikita niya sa mga mata ng dalawang kapatid ang pagka-inggit sa pagkakaroon niya ng isang ina na tulad nito.
Kakaiba kasi sa ibang mga ina si Mira. Pinalaki siya nito ng malaya ngunit puno ng pagmamahal. Hindi tulad ng ina ni Rica na over-protective o katulad ng kay Mariz na walang pakialam.
Hindi lamang ina ang ranggo ni Mira sa buhay niya, isa rin itong kaibigan, a confidant at madalas ay kakampi niya at kasa-kasama sa lahat ng mga bagay o katarantaduhan. Hindi hinihingi sa kanya ni Mira amg respeto at paggalang ma karaniwang required na sa relasyon ng isang anak at ina. Walang anumang pader sa pagitan nila, kung tratuhin siya nito ay bilang kapantay, hindi bilang isang anak na ang tanging gagawin ay sumunod at sumunod lamang. Hindi sa hindi siya pinasusunod nito, pero maaari siyang tumanggi kung gugustuhin niya.
Nami-miss na niya ang kanyang pamilya. Higit sa lahat ang ina niya, ang kanyang kaibigan.
Narinig niya ang sunod-sunod na katok sa pintuan. Kumunot ang noo niya. Mag-aalas-otso na ng gabi? Sino ang manggugulo sa kanya?
Patuloy ang pagkatok sa pintuan. Inis niyang pinatay ang shower at madaling ibinalot sa kanyang katawan ang tuwalya naan doon.
Nang buksan niya ang pintuan ay nakita niya doon ang babaeng naglilinis ng cottage niya. Kumunot ang noo niya. Inakala niyang anumang pagkagusto mayroon ito sa kanya ay nawala na nang hiyain nya ito. Nagkamali pala siya.
Ah, ang mga babae talaga! Ubod ng kulit!
Kailangan siguro ay turuan na niya eto na leksiyon nang matigil na ang kahibangan nito!
"Anong kailangan mo?"
itutuloy....!
______________________________________________________________
Yan hanggang diyan na muna po ulit.
At sana nagustuhan nyo.
Mag-iwan ng inyong kumento at reaksiyon para sa chapter ito.
Vote niyo nadin kung ok lang^__^v
Salamat:D