Sana'y Ako Na Lang 1

77 1 0
                                    

Unang kita pa lamang ni Alexie sa bagong guest na iyon sa Dumagsa Beach Resort ay naintindihan na niya kung bakit marami sa mga kasamahan niyang mapalalaki o mapababae man ang agad na humanga dito.

Matangkad, Maputi, Maganda at hindi din niya ikakaila na maganda din ang pangangatawan nito(sa madaling salita SEXY). Bukod doon ay talagang nakakatunaw kung tumitig ang mala-berde nitong mga mata.

Kaya nga lamang ay tila isnabera uto. Madalas din ay nag-iisa at di nakikihalubilo sa ibang guests.

"Parang ang laki ng problema niya" kumento ng kaibigan niyang si Marie na katulad niya ay nakatoka sa housekeeping. Sila ang tagapaglinis ng cottages na ginagamit ng mga guest na ilang araw na nagbabakasyon sa resort.

"Bakit mo naman nasabi iyon?"

"Kasi madalas kong makita na nakaupo lamang sa beach, nakatanaw sa malayo. At ayon naman sa tsismis ni Trisha, pag kumakain doon sa restaurant ay sa isang sulok lamang. Tipid na tipid din kung magsalita at ni hindi ngumingiti. Laging seryoso."

"Baka naman na-heartbroken."

"Alexie, nasisiraan lamang ng bait ang lalaking pababayaang makawala ang isang tulad niya 'no!"

"Sinabi ko bang ganoon? Malay mo kung namatay yung lalaki."

"Ay, oo nga no! Kawawa naman siya. Ang kailangan niya ay isang bagong magmamahal sa kanya. Naku, kung papansinin lamang nya ako, hinding-hindi siya magsisisi!"

Natawa siya sa nasabi ng kaibigan, hindi na ata nito naisip na parehas silang babae, at kung ano-anu na lang ang naiisip.

"Bago ka pa makalimot sa iyong sarili, tayo na. Marami pa tayong lilinisin na cottage."

"Diba't sa Cluster C ka maglilinis? Doon siya nakatira. Sa Cottage C-43."

"Ngayon?"

"Baka naman pwedeng mag-imbestiga ka ng kaunti. Marami sa mga kasamahan natin ang naiintriga sa kanyang personality. Bukod sa pagiging maganda at sexy niya, ang tangi lamang namin nalalaman ay mayaman siya. Bihira naman kasing may mga poor na maka-afford na pumunta dito sa resort natin. At alam mo bang two weeks siyang mananatili dito?"

Two weeks? Karaniwan sa mga guest nila ay hanggang tatlo o apat na araw lamang. Tama na kasi ang mga panahong iyon para magawa at ma-enjoy ang lahat ng bagay dito sa resort.

Dumating na sila sa Cluster B ng mga cottages. Iniwan na niya doon si

Marie at nag tuloy siya sa Cluster C. Sa Cluster C apat na cottage lamang ang okopado. Malayo pa kasi ang summer at kokonti lamang ang guests nila. Karaniwan pa sa mga ito ay nagI-stay sa Cluster A at B dahil mas malapit ang mga iyon sa beach at kainan.

Ang cottage-43 na tinutuluyan ng bababeng may mga berdeng mata ang huli nyang nililinis. Pinakamalayo kasi ito.

Kumatok muna siya. Nang matiyak na walang tao ay saka ginamit ang sarili niyang susi.

Nagsimula siyang maglinis. Ito ang pangalawang beses na nakapasok sya dito. Pinalitan niya ang bed covers at ang mga nagamit ng sabon at tuwalya.

Sumingit sa isipan nya ang sinabi ng kaibigan niyang si Marie kanina. Naging observant nga siya sa mga nakalabas na gamit ng babae. Pero wala siyang napansin na kakaiba.

Maliban sa isa.

Isang tennis racket ang bahagyang nakalabas sa bag nito na nasa tagiliran ng kama.

Marunong palang mag-tennis ang babae.

Nang matapos ang paglilinis ay lumabas na siya ng cottage. Pababa na siya na animo burol na kinalalagyan ng cottage nang masalubong niya ang babae.

Sana'y Ako Na Lang (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon