Mina's POV
Ano ba toh? Bakit ganto? Bat ganto yung puso ko?! Simula pa toh kanina. Simula nung niyapos ko sya,nung hinawakan nya kamay ko, nung tumitig sya sakin,nung nginitian nya ako nung aish basta! Kanina pa toh! Am I crazy?! Baka may sakit ako sa puso! Nooooooo! Wala akong sakit! Pero bakit Chae? Bakit?! Naupo ako sa labas. At tumitig sa paligid. Wow maganda pala talaga di ko na kasi masyado nakita kagabi. Madilim na din ng makadating ako dito.
"Ahh ang lamig ng hangin" napayakap ako sa sarili ko dahil malamig talaga. Ng bigla ko na namang naisip yung kay Chae. Noon ako nakaramdam nito. Naramdaman ko toh kay Momo noon. Nung nainlove ako sa kanya. Pero noon na yun. Mas lalong humigpit ang yakap ko sa sarili ko dahil sa muling pagihip ng hangin.
"Gusto mo bang ako na ang yumapos sayo?"nagitla akong ng may magsalita pero mas nagulat ako ng makita na si Chae yun.
"Ahh hehe h-hindi na nalamigan lang ako kasi umihip yung hangin bigla"
"Ahh ganun ba? Sige. Hmmm pede mo ba ako kwentuhan ng tungkol sayo? May past relationships ka na ba?"sabi nya habang nakangiti. Wala na akong nagawa kundi ang pumayag.
Kwinento ko lahat tungkol sa kay Momo.
Kung paano ko sya nakilala at kung paano naging kami"Kaya naman kami naghiwalay dahil kailangan nya pumunta sa States para magaral. Wala akong nagawa kasi yun ang gusto nya. At alam ko na sasaya sya dun. Pero ang di ko inaasahan na malalaman kong may iba sya dun. Ang sabi nya kasi sakin ako lang ehh. Kahit na malayo sya ako ang mahal nya. Pero nasira yun. Di na daw nya ako mahal haha kalokohan" di ko napigilan ang umiyak. Sa totoo lang masakit pa din. Malinaw sakin na sinabi nya na di nya na ako mahal. Bigla nya akong niyapos. Yung yakap na maicocomfort ka.
"Shh andito lang ako. Tutulungan kitang makalimutan sya. Tutulong ako na alisin ang sakit dyan. Im willing to help you Mina." Mas lalo akong napahagulgol ng sinabi nya yon. Mas lalo nya akong pinatahan. Napatahan nya lang ako sa sinabi nya na maggagala kami ngayon araw. Ang saya ko. Sobrang saya ko
Chaeyoung's POV
Sa wakas tumahan na din -.- Nauna syang pumasok sa loob para magbihis. Nakita kong sobrang saya nya di na daw nya masyado nagagawa yun ehh. Kasi madalas daw sya magkulong sa kwarto. Hays eto na naman ako nakakabaliw yung tibok ng puso ko pag nakikita ko na nangiti sya. Pumasok na din ako sa loob para magbihis. Kakaibang saya ang meron ako ngayon sa puso ko.
~Sa Mall~
Masaya syang naglalakad. Nakangiti sya na parang baliw. Grabe baliw na ata talata toh HAHAHAHAHA. Nakangiti ko nalang din syang sinundan sa paglalakad.
"Woi Babes anong gusto mong gawin muna?"masaya kong sabi sa kanya. Pero kakaiba ata ang dinulot nun sa kanya. Namumula sya na akala mo eh di na makahinga.
"A-ano? B-babes?" namumula nyang sabi. Ano bang problema sa babes? -.-
"Oo babes" natatawa kong sabi
"Ayaw ko ng babes! Ang panget pakinggan duhhh" arte nya talaga sarap sapakin ehh. Kala mo maganda.
"K."nauna na ako maglakad sa kanya kabadtrip kaya hirap magisip ng tawag ehh -.-
"Woi nuod tayong sine" psh sine?! Baka mamaya panuodin nito Little Ponies.
"Oh? Anong papapanuodin natin?" Walang ganan kong sagot.
"Hmmm wait lang titingin ako dun. Antayin mo ako ha?"masigla nyang ani. At tuluyan akong tinalikuran para maghanap ng magadang mapapanuod.
Habang inaantay ko sya may nakita akong isang pamilyar na mukha. Sobrang pamilyar. Nakita ko ang mukhang ayaw ko ng makita kahit kelan. Bumalik lahat ng alaala na ayaw ko ng balikan pa.
FLASHBACK
"Chae ayaw ko na pagod na ako. Sawa na ako sayo. Chae sorry. Mahal kita pero ayaw ko na" sabi nya sa malungkot na paraan.
"W-woi Dubu joke yan diba? Hoy di ka nakakatawa ahh" kinakabahan kong sabi
"Chae lahat ng sinabi ko totoo yun. Im sorry" aniya bago ako tinalikuran
Matagal bago pumasok sa isip ko ang lahat. Totoo palang ayaw nya na. Nakakatawang isipin na ganun ang mangyayari sa araw na toh. Mapagbiro talaga ang tadhana. Kasabay non ang patuloy na pagtulo ng luha galing sa mata ko at ang pagbuhos ng malakas na ulan.
End of Flashback
Palapit sya sakin. Kasama ang isang babae na sa tingin ko eh bago nya.
"Oh Chae nagkita tayo dito! Kamusta na?" Masaya nyang bungad. Tanga ka ba?! Tatanungin mo ako kung kamusta ako! Gago!
"Ahh eto okay naman. Ikaw ba?" natataranta kong sabi ng bigla kong makita na papalapit na si Mina.
"Okay lang."masaya nyang sabi. Anak ng puta masaya pa toh?! Huwaw ameysing!!
"Ohh Babe sino sya? Kaibigan mo ba?"masayang sabi ni Mina sakin. Anong babe?! Putek ka Plat! Huhuhu baka mamaya mahal pa ako ni Dubu ko tas babalik sana sya sakin kaso nalaman nyang may Babe ako?! Nuuuuuuu!!
"A-ahh oo. B-babe si Dahyun nga pala"nauutal kong sabi.
"Hi Miss. Ang ganda mo nakakabighani ka"nakangiting sabi ni Dahyun. Anong?! MYOUI MINAAAAAA!! Nagseselos ako huhuhuhu. Dubu kooooo!
"Ahhh hehe salamat."nahihiyang sabi ni Mina ng biglang may lumapit na babae sa kanya at hinawakan ang kamay ni Dahyun. Oww Minatozaki Sana.
"Guys si Sana nga pala. Girlfriend ko" masaya nyang sabi. G-girlfriend?! Biglang may kumirot sa puso ko. Di nya na nga pala ako mahal.
"Ohh hi Sana ako si Myoui Mina. At itong kasama ko ay si Son Chaeyoung. Girlfriend ako ni Chae. Nice meeting you." masigla nyang sabi kena Sana at Dahyun.
"Hi Sana nga pala. Nice meeting you too."masaya ring bati ni Sana samin. Di ako makapagsalita. Ni ang gumalaw di ko magawa.
"So guys mauna na kami ha? Nice meeting you Mina. Bye guys" nagpaalam na sila samin at pumunta sa kung saan at bigla akong hinila ni Mina papunta sa loob ng sinehan. At dun ko binuhos lahat ng luha na pinipigilan ko kanina pa.