Kundi si Pandak. Shet! May dugo na naagos sa ulo nya. Shet shet sorry!! Agad agad kong tinawag si Tzuyu inihiga namin sya sa sofa at agad agad akong kumuha ng towel para punasan yung natulong dugo sa ulo nya. Kumuha naman si Tzuyu ng first aid kit. Buti di ganon kalakas yung hampas ko kasi kung malakas yun malamang may babaon na bubog. Habang pinupunasan ko sya. Napansin kong ang ganda nya pala. Watda Myoui Mina anong nasa isip mo?!
Nagulat nalang ako ng biglang dumating si Tzuyu. Makalipas ang ilang minuto nagamot na nya yung sugat ni Chae.Pero si Pandak wala pa ding malay. Grabe hoy gising na u beybsq hihihi
"Eh teka ano bang nangyari at nahampas mo ng baso yang babaeng yan ha?"
Ikwinento ko lahat sa kanya pati yung sinabi nya at wala syang nagawa kundi tumawa ng tumawa.Nabanggit nya sakin na bukas din ang alis nya. Maaga daw kaya baka di na namin sya aabutan.
~Kinabukasan~
Nagising ako ng may narinig akong kalamapagan sa baba. Agad agad akong humanap ng maipanghahampas. Dahan dahan akong bumaba naamaze ako sa sarili ko kasi nagawa kong di magingay hihihihi galing ko. Nagulat ako ng biglang may humawak sa kamay ko pagkababa ko
"Parang awa mo na sapat na yung kahapon. Isa nalang muna masakit na yung kahapon ehh" nanlambot ako at kusa kong nabitawan yung ipanghahampas ko. Nakita ko si Chae namumutla pa. At may gasa pa ding nakalagay sa ulo nya. Nakonsensya ako. Bigla bigla na lang syang pumunta sa kusina at nakita ko syang nagluto. Di ko namalayan ang sarili ko at bigla ko syang nayapos mula sa likod.
Chaeyoung's POV
Maaga akong nagising ahh ang sakit shet bat ba kasi ako hinampas nun?! Makapagluto na nga lang. Habang inaabot ko yung mantika biglang nalaglag yung kaldero. Putek! Nabigla ako ng makita ko si Mina na bumaba at may hawak na panghampas oh cmon eto na naman sya. Dali dali akong pumunta at hinawakan sya.
"Parang awa mo na sapat na yung kahapon. Isa na lang muna masakit pa yung kahapon ehh" sabi ko sa nanghihinang paraan. Pero totoo nanghihina ako. Naramdaman ko ang panlalambot nya at bigla nyang nabitawan ang ipanghahanpas sana nya.
Pumunta na ako sa kusina para magluto pero ganun nalang ang pagkabigla ko ng bigla nya akong yapusin mula sa likod
"Pandak sorry nahampas kita kahapon akala ko kasi kung sino na ehh. Natakot din kasi ako. Sorry" sabi nya sa napakalungkot na tono. Pero ano daw pandak?! Shet lang!!! Pero dibale na atleast nagsorry na sya. Hinawakan ko ang kamay nya at hinarap ko sya
"Oi Plat okay na yun. Atleast alam mo namang may kasalanan ka dun ehh. Smile ka na oi dali na." at saka ko sya binigyan ng NAPAKAGANDA kong ngiti. Naangiti nalang din sya. At binitawan ko na ang kamay nya. Itinuloy ko na ang pagluluto ko para makakain na kaming pareho. Nakita ko syang nakatunganga lang sa kawalan. Psh baliw talaga. Inilapag ko na sa mesa yung kakainin namin. Habang nakain kami napuno kami ng tawanan at kwentuhan. Naikwento nya sakin kung san nagsimula ang pagiging magkaibigan nila ni Yoda at kung pano sya pinapunta dito.
Naisipan ko na ding maligo. Nakakapagtaka na may kakaiba akong nararamdaman pag nakikita ko sya,nakakausap at nahahawakan. Kakaiba ka Myoui Mina. Ikaw lang nakakagawa sakin nito.
Ano bang magiging papel mo sa buhay ko ngayon? Sino ka bang talaga sa buhay ko Mina.