Prologue

6 0 0
                                    

Third Person's POV

*kring-kring*

*kring-kring*

*kring—

Hindi na natapos pa ang pag iingay ng alarm clock nasa bedside table ng kwarto ng isang dalaga ng bigla niya itong hampasin ng dalaga.

Pumupungas pungas man ay tumayo na ito saka nagtungo sa banyo ng kanyang sariling kwarto. Agad itong naghilamos at nang madampian ng malamig na tubig ang mukha nang dalaga ay tuluyan na itong nagising.

Napatingin siya sa kanyang repleksyon sa salamin at napabusangot saka kinuha ang kanyang toothbrush at nilagyan ng toothpaste. Habang nagsisipilyo ay lumabas siya ng banyo saka tiningnan ang kalendaryo na naka dikit sa dingding.

Biglang nanlaki ang mga mata niya nang makita kung anong petsa na. Agad niya itong minarkahan ng ekis saka dali daling kinuha ang tuwalya at pumasok sa banyo.

Dali dali itong naligo at mukhang na eexcite pa ito na ewan. Nang makalabas sa banyo ay agad itong nagsuot ng jeans at plain black t-shirt. Inilagay naman niya ang tuwalya sa buhok niya at inikot ikot ito at pwinesto sa toktok ng kanyang ulo. Isinuot niya muna ang kanyang tsinelas saka lumabas sa silid ng may ngiti sa mga labi.

Bumaba siya ng hagdan at nadatnan ang ina na nagaayos ng hapag kainan habang ang ama naman ay nasa isa sa mga upuan at nagbabasa ng dyaryo. Nakita niya naman sa sala ang kanyang kuya at ang bunso nila na nanunuod ng Phineas and Ferb.

"Good Morning Garcia Family!" Bulalas nito ng tuluyan na siyang maka baba ng hagdan. Napatingin naman sa kanya ang mga ito saka ngumiti.

"Ate! Akala ko ba birthday mo? Bakit mukhang death anniversary ang ice-celebrate natin?" Natatawang saad naman ng bunso nila.

"Nga naman Chill mukhang zombie ka na nga sinabayan mo pa ng suot mo na parang nagluluksa." Gatong naman ng kuya niya sabay naghalakhakan ang dalawa niyang kapatid.

Napabusangot na lamang siya saka umupo na sa hapagkainan nila.

"Mama! Hindi ba tayo maghahanda?" Tanong na lamang niya sa ina na naghahain na nang pagkain sa mesa.

"Anong handa handa ka dyan? Aba! para lang yan sa mga bata ang handa handa na yan baka nakakalimotan mong bente uno ka na." Giit naman ng kanyang ina kaya napabusangot na lamang siya. Ibinaling naman niya ang tingin sa ama niya na nagsisimula ng kumain.

"Pa, hindi talaga tayo maghahanda?" Nakabusangot niyang saad kaya naman nginitian na lang siya ng kanyang ama saka nag patuloy sa pagkain. Napa awang na lamang ang bibig niya sa reaksyon ng mga magulang niya.

"Brick, Blake, pumarito na kayo at kakain na." Tawag naman ng mama niya sa mga kapatid niya. Agad naman itong nag unahan sa dining area nila at umupo katabi si Chill. Bali napagigitnaan ang dalaga.

"Ma, maghanda na lang tayo kahit konti. Wala na ngang boypren 'tong si Chill pati ba naman handa." Natatawang saad ni Brick.

"Oo nga ma, kawawa naman si ate. Mas nauna pa akong magka jowa kaysa sa kanya eh." Gatong naman ni Blake saka sumubo ng kanin.

"Ano? May jowa ka na, ha Blake? Baka gusto mong itakwil kita sa pamamahay na 'to?" Sambit naman ng kanyang ina habang tinuturo turo pa ang binata.

"Joke lang ma. Parang iniinis lang si ate eh." Saad naman ni Blake sa ina.

"Tama na yang asaran, kain na." Saad na lamang ng kanyang ama habang umiinom ng kape. Natahimik naman ang dalawang binata saka kumain na.

Natahimik ang lahat at tanging mga kubyertos na lamang ang naririnig sa apat na sulok ng bahay.


"Pero Chill mabalik tayo sa usapan, kailan mo ba talaga balak mag boypren?" Tanong ng ina niyang may seryosong pagmumukha.

"Ewan ko ma, hintayin na lang natin. Hindi naman hinahanap ang pag ibig eh. Kusang darating yon." Sagot nito saka nag salin ng juice sa kanyang baso.

"Aba't baka nakakalimutan mong tumatanda ka na at kami rin ng papa mo. Baka hindi na namin maabotan ang mga apo namin mula sa'yo. Bente uno kana at hindi parin dumarating ang oag ibig na sinasabi mo, kung ako sayo hahanapin ko na yon." Giit naman ng kanyang ina.


Napabuntong hininga na lamang ang dalaga saka ininom na ang juice sa kanyang baso. "Mag aayos po muna ako sa taas at ako'y aalis pa po." Saad na lamang niya saka nag lakad papunta sa hagdan.

"Saan ang punta mo?" Usisa ng kanyang ama na noo'y sa dyaryo parin nakatingin.

"Hahanapin ko na po ang pag ibig." Sagot na lamang niya dito saka nagpatuloy sa paglalakad.

Nang makarating sa silid ay agad niyang tiningnan ang kanyang repleksyon sa harap ng salamin. Hindi naman siya panget pero hindi rin naman ganon ka ganda. Sakto lang kumbaga, pero bakit ni minsan hindi niya man lang maranasan na maligawan?  ni minsan hindi niya man lang naranasan mag ka jowa? Ano bang mali sa kanya?

Ilan lamang yan sa mga tanong na bumabagabag sa isip ng dalaga. Napabuntong hininga muli ito saka sinimulan ang pag susuklay ng kanyang buhok. Matapos itong maayos ay isinuot na niya ang kanyang doll shoes saka naglagay ng konting pulbo at lip balm sa kanyang labi.

Muli siyang napasulyap sa kalendaryo at napangiti ng bahagya.

August 14, 2030

Sa dalawamput-isang taon ng pamamaligi ko dito sa mundo sigle pa rin ako.

Naghintay naman ako diba? Naging mabuti akong tao. Hindi pa ba yon sapat para ibigay Niyo na ang soulmate ko?

Pwes! Kung hindi niya ako mahahanap. Ako na mismo ang hahanap sa kanya.

Hindi pweding tumanda akong single noh.

Hintayin mo ako soulmate.

Saad ng dalaga sa kanyang isipan at tulayan ng nilisan ang bahay matapos makapag paalam sa mga magulang.

May pag asa pa bang maging taken si Chill?

Mahanap niya na kaya ang soulmate niya?

Abangan!!!

*****

Tantararantantan! Bagong story na naman! Sana may mag support din nito. *^▁^* Future na po ang story setting ng story na 'to kaya may mga pagbabagong magaganap sa mundo na gawa gawa ko lang din naman ahahaha. *^O^*

Please do support. Alabyo all.

<3 greyy






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Meant For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon