Debate Ng PUSO
Written by: Sofie Terry Red
Ako'y may kaibigang dati kong kaaway
Sa debate kami unang nagkakilala
Araw gabi laging kontra sa isa't isa
Subalit isang araw lahat ay nagbago
Isip nami'y biglang nagkasundo
Puso ko pala'y nahuhulog na
Ngunit puso niya may may-ari na
Pag-ibig ba'y dapat ipaglaban?
O sa kasayahan niya'y sapat na?
Subalit puso ko'y nagsusumigaw
Pangalan lang niya aking mamahalin
Hanggang kailan ako magpaparaya?
Hanggang kailan ako masasaktan?
Debate ba ay matatapos lang sa wala?
O aking ipaglalaban hanggang sa huli?
Sabi ni Ina ito'y dapat ipaglaban ko
Kaya naman ako'y nakapagdesisyon na
PANGALANG isinisigaw nitong puso ko
Ay karapatdapat ko lang na IPAGLABAN!
Debate'y muling magsisimula
Kaming dalawa'y magkatunggali
Sa debate ng puso dapat lang
Na pagmamahal ang siyang manaig!
Kaya aking sasabihin sa lahat
"MAHAL NA MAHAL KITA NOON PA!"
Paligid ko ay biglang huminto
Tibok nitong dib-dib ay bumilis
Hirap masulyapan ang mata
Puso ko'y natatakot matalo
Mabuti't siya'y biglang nagsalita
"Sawakas ako'y minahal mo din!"
Lahat ng tao ay nagkagulo
Iritan nila'y nangibabaw!
Sa huli pag-ibig siyang nanalo
Hindi man siya ang UNANG pag-ibig
Iisang PANGALAN pa rin naman
Ganyan kahiwaga ang pag-ibig!
Kaya ngayon kami'y nagsasaya
MINSAN man akong nasaktan noon
Pero mabuti't DUMATING SIYA
Ngayon HINDI lang PANGALAN niya
Ang tinitibok nitong puso ko
DAHIL siya ay aking INIIBIG
Maging SINO at ANO man siya...
A/n: Oh my gee!!! First time ko lang magsulat ng tulang Pilipino! Kahit nga ako sa sarili ko hindi pa rin sigurado kung tula ba talaga ang isinulat ko kaya pagpasensyahan ninyo na lang. Honestly I do hate poems. Mas sanay kasi akong magsulat ng mga fiction story but because of those people who inspaired me I got a motivation to persue this genre so hope you guy's enjoy it! Kahit medyo nakaka-nose bleed yung mga lines. ^____^ v

BINABASA MO ANG
Debate...
Poesia...ng PUSO. Ang tulang ito ay para sa mga UMIBIG, NAGTANGKANG UMIBIG, NATAKOT UMIBIG, GUSTONG SUBUKANG UMIBIG, NASAKATAN at TAKOT MASAKTAN. Kung isa ka sa kanila then this poem is for YOU!