Kayla
Nag dadrive na ako papunta dun kay Caly. Ayos din yung lukaret na yun biglaan mag pa sleep over? buti nalang wala kaming date ni Ely.
Nagtext na ako kay Ely na isasama ko si Caly sa outing namin.Kawawa naman kasi si besywap walang kasama hahaha.
Saktong alas nuebe nakarating na ako sa condo nya.Grabe sobrang traffic sa pilipinas.
Dumresto na ako sa pinto nya binuksan ko agad alam ko naman password nun eh birthday ng crush nya hihihi.
" Hello besywap! " sigaw ko kay Caly. Naabutan ko syang nag lalagay ng cupcakes sa mesa. " Hmmm... Ang bango naman nyan besy pa take out ako ha? bibigyan ko si Ely " sabi ko.
Ang sarap talaga mag bake ni Caly kaya ang lago ng shop nya eh kaso sinarado muna ni Tita.
Callista
" Hello besywap! " nagulat ako sa sigaw ni Kayla parang nakalunok ng microphone sa lakas.
Naglabas na ako ng plastic container at tiyak mag uuwi na naman si Kayla ng cupcakes.
" Hmmm... Ang bango naman nyan besy pa take out ako ha? bibigyan ko si Ely " sabi sakin ni Kayla.
Kahit naman di ko bigyan yan nag kukusa nang kumuha hahaha.Di ko alam kung bakit naging mag betfriend kami.
Nanunuod kami ng Divergent ng maalala ko yung card.
" Kayla may nag padala sakin ng bulaklak kanina tas may kasamang card kaso di ko maintidihan yung nakasulat " sabi ko sa kanya.
" Ay naku besywap di ka na sanay magbasa hala ka hahaha paano ka mag kaka-boyfriend nyan " nag sad face pa si Kayla.
Bwiset.Binato ko sya ng unan, naiwasan nya naman yun kaso sa mukha nya tumama hahaha.Pag ako nag ka boyfriend F.O na kami.
" Besywap sa Friday pala may outing kami ni Ely sa Bataan dun sa resort nila, sama ka ha? "
Pag iiba nya sa usapan.
Ginawa pa akong third wheel nitong si Kayla.Ano naman gagawin ko dun? papanuorin kung gaano sila ka sweet ni Ely?
Late narin ng gabi ng matapos yung pinapanuod namin.Kapagod ngayong araw pati isip ko hays.Mag iimpake nalang ako mamaya para wala na akong alalahanin sa Linggo.
"Bessywap uuwi ako ha? may emergency sa bahay.Babawi talaga ako next time promise!" Paalam ni Kayla.Nag taas pa sya ng kamay.
"Ahh ganun ba? O sige, mag ingat ka ha? babawi ka talaga next time hahaha.Sa Trinoma tayo sa Sabado card mo gamit ha! Goodbye besywap ingat ka!" sagot ko.
Ako nalang talaga mag-isa dito.Hays kalungkot. Naupo ako sa table ko na may swivel chair.Tinaas ko ang isa kong paa sa isang maliit na upuan.
"Hays kapagod mukhang matutuloy talaga ang pigiging third wheel ko kala Kayla" singhap ko.
Nagbukas nalang ako ng laptop at saka nag facebook.Habang nag iiscroll ako may nag pop up na notif.
Banana-roons added you...
Naks may nag a-add pala sakin.Teka sino naman tong Banana-roons na ito?Hanep naman ng name pang alien hahaha.Pero bakit naman ako inaadd? Ah baka naging customer ko na ito sa bake shop ko.
Speaking of bake shop mag bubukas na ulit ako next next week.Yay! kaexcite.
Inaccept ko na yung friend request ni Banana. Banana nalang ang haba ng pangalan eh abnormal siguro yun?.
Natulog na agad ako.~BATAAN~
FINALLY nakarating narin kami sa Bataan. Grabe sarap ng tulog ko.Solong Solo ko ang buong passenger seat sa likod. Natulog nalang ako kesa makita ang katamisan ng dalawa mag jowa.
"Caly ito yung resort na napuntahan natin dati, tanda mo pa? dito tayo nag celebrate ng garduation natin ng elementary." sabi ka agad ni Kayla.
Hah? nakapunta na pala kami dito. Di ko na matandaan hindi kasi ako magaling sa mga lugar."Ahhh oo nga noh? dito pala yun.San nga pala tayo mag iistay?" yung nalang ang sinabi ko.
"May reserved na rooms na tayo sa hotel malapit lang din sa resort. 5rooms yun darating pa kasi yung mommy ni Ely tsaka other cousin nya" sagot nya sakin.
Tumango nalang ako sa kanya.
"Caly ito yung susi sa room mo. Solo mo yun. Tawag ka nalang pag may kailangan ka" sabi sakin ni Ely.
Pumunta na ako sa room ko inayos ko muna yung mga gamit ko tsaka nag palit pupunta muna ako sa resort since kaharap nya yung beach. Nasa loob din kasi ng resort yung hotel kaya malapit lang.
Habang nag lalakad ako napansin kong kami lang yata yung tao sa buong resort? kasi walang tao sa mga cottages tsaka sa bar at restaurants.Inarkila ba ito ni Ely?Naks yaman talaga nun.
Habang nag lalakad ako ngayon ko lang nakita yung name ng resort nasa may tabi ng bar.
HUDSON RESORT
Pamilyar sakin to.Di ko lang matandaan.Siguro nga nakapunta na ako dito dati.
Bumalik na ako sa hotel ng marinig ko yung usupan ng mga crew sa hotel.
••~••~••~••~••~••~🌸~••~••~••~••~••~••~••
A/N: Sorry sa longggg no update ha.
Pramis babawi talaga ako hahahaha.Shout out pala kay Shairah Cruz 😘
Hi Shai!
YOU ARE READING
Last Breathe
Teen FictionKaya nga bang baguhin ng isang Aiden Liam Hudson ang desisyon ni Callista Kyryn Reese? Callista was a strong and bubbly girl before she discovered that she has a brain cancer.She don't want to undergo an operation because she know she will die soon...