Pagkatapos namin kumain dumerecho na kami agad sa room namin dahil wala ako sa mood para tumambay dahil baka mamaya makakakita nanaman ako ng demonyo este ng taong sukdulan.
Pagkaakyat ko sa room wala pa naman yung ibang estudyante pero nandito na yung powerpuff girls este spice girls.
Nakatutok sila sa salin tapis naglalagay ng kung ano anong kabubot sa mukha. Magmukha sana silang patay.
Yung isang sobrang kapal ng lipstick na akala mo kinagat ng ipis eh. Tapos yung isa ang kapal ng kilay sabay ang puti ng mukha kala mo naman talaga pumantay sa leeg. Tapos yung nasa gitna ang pula ng pisnge akala mo naaabuso ng magulang eh dahil parang nasampal.
Pero in my side aaminin ko walang makakapansin sa mga make up nilang pangpatay este makakapal. Kase maganda sila queen bitches nga sabi nila. Walang makakapansin nun lalo na kung mga lalaking gutom na gutom sa babae.
Maybe napansin ko yun kase yung totong ganda ay simple. Maganda sila tama na yun wag na nilang kulayan yung mukha nila hindi naman sila color book eh.
Humahaba na yung litanya at pinaglalaban ko sa buhay. Umupo na si aby at kathlyn tapos pumunta na ako sa pwesto ko. Bago pa ako umupo nakita ko na may kulay pula yung uupuan ko. Parang red stain,poster paint ata pinahid sa upuan ko eh.
So baka kung naupuan ko na yan eh muka akong tinagusan kakatapos lang ng period ko eh ano late yung tagos?
So bali ang ginawa ko yung katabi kong upuan ipinalit ko sa upuan ko. So bali pag umupo diyan yung lalaking may demonyong mata siya yung mapagkakamalang mag tagos bwhahahahahaha!
Aymsogreat. Umupo na agad ako at di ko mapigilang tumawa. Napatingin sa akin si aby at kathlyn pero umiling lang ako. Kaya bumalik sila sa ginagawa nila.
Mayamaya ay dumating na rin yung mga classmate ko tapos yung apat na tukmol. Lalo na yung taong may nakakamatay na mata.
Nagtatawanan sila tapos umupo na siya sa upuan niya bigla akong napahagikgik. Hahhahaha di napansin ang tanga niya wala akong kasalanan doon.
Nakaupo na siya sa upuan tapos tinapunan niya ako ng ngisi na para may ginawa siyang masama. Kung siya yung nanglagay nung res staim bumalik tuloy sa kanya. Kawawang bata napabilis ang karma.
Maya maya ay dumating na yung teacher namin sa math. Tapos nagkaroon ng recitation. Ako yung ginawang pambato sa math tapos si nakakamatay na mata naman sa mga lalaki so bali magkalaban kami.
Mayabang siyang tumayo at naglakad na sa harapan. Tapos sumunod na ako napatingin sa akin yung kaibigan niya sabay biglang nagtaka.
Nagtataka siguro sila kung bakit walang red stain sa suot ko. Hays kawawang mga tanga hahahaha!
Nasa board na kaming dalawa. Pinagawa na kami ni maam ng solusyon tapos biglang nagtanong si maam kung may red stain si nakakamatay na mata
Del fuentes pala apelido niya
Evan del fuentes ganda ng pangalan niya impernes!Biglang nagtawanan yung mga kaklase namin tapos nakitawa na rin ako inis siyang napatingin sa puwetan niya.
Tapos sumama yung tingin niya sa akin umiling lang ako tapos lumabas siya. Hays bilis ng karma napakalaking tanga naman ni evan
Pagkatapos nun ang tagal niha bago bumalik. Parang tinamaan ako ng konsensya kase natapos na yung math namin di pa rin siya bumabalik. Nagcut na lahat lahat wala pa rin siya.
Konsensya is striking me ughhhhh.
Siya naman naglagay nun ah. Hindi naman ako nagsinula eh.
Eh kung paanong hindi siya?
Whoooooh nakikisali pa aking second voice sa isip manahemek baka barilin kita ah. Patay!
Lumabas na ako at nag cr muna. Pagpunta ko ng comfort room nandun siya sa tapat ng cr ng boys.
Ansama ng tingin niya sa akin na parang papatayin ako. Para gusto ko tuloy bumalik haha. Pero bakit ako matatakot?
Lumapit siya sa akin tapos kinorner niga ako sa pader. Gamit yung isang braso niya. Lalabas na sana ako kaso kinorner niya ako ng isa pa. Nilapit niya yung mukha niya sa akin. Tapos tiningnan niya ako sa mata.Dahil strong ako tingnan ko rin siya sa mata.
"Hinahamon mo ba talaga ako miss tambelina? "husky na sabi niya
" First of all hindi tambelina pangalan ko second hindi naman kita hinahamon. Dahil simula't sapul wala naman akong ginawa sayo eh.." matapang na sagot ko tapos tinapakan ko yung paa niya kaya nakawala ako sa pagkakakulong sa braso niya
"Woah! Easy tambelina! Kung gusto mo magpapansin okay lang naman eh " ngising sabi niya
"Me? Magpapansin sayo? Really?! Dream on! Tinapay! "sagot ko tapos tinarayan ko siya. Tapos pumasok na ako sa cr.
Pagkatapos ko naghugas ako ng kamay tapos hanggang ngayon nasa labas pa rin siya. Tapos dumating na yung kaibigan niya na mukang manyak na may dalang pants. Tinarayan ko na lang sila tapos bumalik na sa classroom.
Pagbalik ko ang sama nang tingin sa akin nung tatlong popcorn girls na akala mo naman ikinaganda nila mga muka namang sila paa. Nagflip na lang ako ng hair sa kanila tas bumalik sa upuan ko. Chineck ko muna kung may stain para sigurado mamaya mabiktima ako eh. Nang makita kong wala eh umupo na ako.
Pagkaupo may bumuhos sa akin na mga colorful powder. Iba iba yung kulay kaya ang ending nagmuka akong unicorm dahil sa pagkarainbow ko. Napuno ng tawanan yung classroom. Samantalang nakapikit ako dito at nagtitimpi. Narinig kong napasigaw ni aby at kathlyn at nilapitan ako.
Pumasok rin nun si tinapay syaka yung mga kaibigan niya gulat silang napatingin sa akin. Siguro dahil sa pag ka rainbow ko dito at muka akong unicorn na na pinababa ni mayora.
Nagiinit na yung ulo ko malapit na sumabog onting kembot na lang. Onting onti na lang
Pinunasan nila aby at kathlyn yung mukha ko. Kasabay nun yung paglapit nung popcorn girls
(wala nang teacher yan)
Tumatawa silang tatlo habang papalapit sa akin. Nagsalita yung nasa gitna yung mukang kalyo
" Hays! Sobrang colorful mo naman! "natatawang pigil na sabi niya
"AHMM buti na lang di pumalpak yung pagkakahulog hahahaha! Worth it yung colorful powder hahahahah! "tawangtawa sabi nung nasa kaliwa
Nakakatawa eon?
(eon means yon)
"Ang rainbow mo hahaha! Yan ang nababagay sayo! Dahil pinagtripan mo si evan! "tabig niya sa akin
Pumikit ako ng mariin. Timpi sabel timpi.
YOU ARE READING
Akin ka na lang (editing)
Teen FictionKung apat na lalaki ang mahuhulog sayo anong gagawin mo? Sinong pipiliin ng puso mo? Sinong magpaparaya at sinong lalaban? Magiging masaya ba sila kung pinili mo yung isa? Sino ang mamahalin mo?