Chapter III | 'Cause watching that certain star is enough

6 1 0
                                    

Nalalapit na ang pag-uwi nila sa Korea. Nalulungkot man ako pero kailangan ko 'tong tanggapin kasi simula't sapul alam kong kailangan at kailangan niyang umuwi. Marami silang fans na kailangan pasayahin, maraming nag-aabang ng comeback nila. Marami pa silang dapat gawin. Naiintindihan ko naman siya. Alam kong hindi lang siya si Park Jimin na boyfriend ko, siya rin si Park Jimin na member ng BTS.

Alam ko namang hindi sila magtatagal rito e, at naiintindihan ko iyon. Pero ang hirap isipin na kailangan niyang lumayo sa akin.

"Princess?" rinig kong tawag sa akin ni Jimin sa telepono. "Yes? Why?" tanong ko sa kanya. "You're spacing out again, you know?" Napabuntong hininga na lang ako. "I'm worried, Jimin. You know... you're coming back to Korea. A-and I can't go with you... I'm scared," sabi ko sa kanya.

"Don't worry, princess. I'll be sure that I will always make time for you. There's facebook, skype... we can always communicate with each other," pag-aassure niya sa akin. Kakayanin ko ba? Hindi ba mahirap ang long distance relationship?

"I love you so so much, Jimin," sabi ko na lang. "사랑해, Eun Hee."

Nag-usap kami ng nag-usap hanggang sa antukin na lang kaming dalawa at makatulog na.

Kailangan ko na sigurong sanayin ang sarili ko na sa phone lang kami mag-usap para di na ako mahirapan.

~~~~~~
Lumipas na ang ilang linggo at dumalang na ang pag-uusap namin ni Jimin dahil naging busy na sila sa paparating na concert. Naiintindihan ko naman e. Hangga't kaya ko iintindihin ko siya. Dahil alam kong ang musika niya ang nagpapasaya sa kanya ngayon at wala akong karapatan na tanggalin yun sa kanya dahil lang sa naging boyfriend ko siya. Naging kami nung idol na siya kaya wala akong karapatang baguhin yun dahil lang sa nagkaroon siya ng girlfriend. Gets niyo ba?

Pero sa totoo lang, gusto kong magpakaselfish. Gusto kong matuon lang sa akin ang atensyon niya. Gusto ko ako lang muna. Kasi... para sa akin ang kaagaw ko sa kanya ay ang kanyang pagiging isang idol.

Hayy, ang hirap magkaboyfriend ng sikat!

---------
Concert Day

"Waaaaah! Eunice ito na! Finally I can see BTS na. Sulit yung paghihintay ko sa pila para sa concert nila. Grabe!" pagwawala ni Mae.

Unreachable StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon