Familia Uno

2 1 0
                                    

Isang gabi mga alas onse na, may narinig akong kalabog sa bodega namin.

Pumunta ako sa bodega at natulala sa aking nakita.

Ang nanay ko ay may hawak na itak at ibinaon sa leeg ng isang lalaking di pamilyar sa'kin.

Ang tatay ko naman ay pinagsasaksak ang tiyan ng lalaki gamit ang isang kutsilyo.

At ang kuya ko ay may hawak na lagare at nilalagare ang paa ng lalaki.

Nasuka ako sa aking nakita at bigla silang tumingin sa'kin.

At unti-unti umalsa ang guhit ng kanilang labi ng nakita nila ako'ng naluluha.

Hikbi lang ang naging tugon ni Helen Crisosmo ng tinanong siya ko'ng anong nangyari.

Tanging iyak lang ang kanyang nagawa ng biglang pumasok sa isip niya ang nangyari sa kanya.

Di pa'rin malimutan ni Helen na ang akala niyang perpekto pamilya ay may itinatago pala'ng baho.

Di niya inaakala na ang nanay niyang inaaruga siya't palaging minamahal ay kayang pumutay ng wala pagdadalawang isip

Di niya inaakala na ang tatay niya'ng nagtatrabaho ng maigi para may makain sila ay kayang pumatay na parang demonyo.

Di niya inaakalang ang kuya niya'ng mapagbiro ay kayang pumatay na walang halong biro.

At di niya inaakala na ang pamilyang ipinagmamayabang niya ay kakamumuhi-an niya.

Matapos nila akong makita, dali-dali ako'ng tumakbo palayo ngunit na-abutan ako ng kuya ko.

Iyak lang ako ng iyak ng biglang pinukpok niya ako ng kung ano sa ulo ko at nandilim ang paligid.

-------

Nagising ako na nakatali ang kamay at paa ko gamit ang lubid sa isang bangko.

Hinang hina na ako.

Pilit ko'ng kalasan ang tali ngunit napakahigpit niyon.

Naghahanap ako ng paraan upang makatakas ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ka aking ama.

Pumasok ang aking ama kasama ang isa'ng lalaking pamilyar sa'kin.

Iyon ay si Ginoong Ayar.

Ang amin principal sa aming paaralan.

May mga pasa ito't putok ang kaliwang mata.

Imbes na ma-awa, nasiyahan pa ako sa aking nakita.

Natuwa dahil sa wakas, tumama na ang karma sa kaniya.

Flashback:

"Helen, pinatawag ka raw ni Mr. Ayar sa Principal's office." -sabi ni Andrea, kaibigan ko.

"Bakit raw?"

"E-ewan ko! Pumunta ka na lang dun!"

Dali-dali ako pumunta sa principal's office.

Takbo lakad ang aking ginawa.

Makalipas ang mahigit limang minuto, sa wakas ay nakaabot na rin ako.

Maingat ko'ng binuksan ang pinto ng kuwarto.

"Sir? Nandito na po ako sir!" - tawag ko sa kaniya.

Madalim.

Madilim ang silid.

Bigla akong napaigtad ng may humaplos sa aking braso.

"S-sir?" - mautal-utal ko'ng tawag.

"Shhhh! Wag ka'ng matakot Helen. Ako ito." - mahinahon ngunit nakakadiri niyang sabi.

"S-sir? B-bakit niyo po ako p-pinatawag?"

"Gusto ko lang na makaraos iha!" - pabulong niyang sabi.

"S-sir! W-wag niyo po akong hawakan please!" - pagmamaka-awa ko sa kanya.

"Shhh! Masasarapan ka rin iha!" - sabay pindot niya ng switch sa ilaw.

Grabeng takot at pandidiri ang aking naramdaman sa panahong iyon.

Paulit-ulit akong nagmaka-awa.

Nagpumiglas.

Sumigaw.

Ngunit walang nakarinig.

Walang tulong na dumating.

Walang awa akong hinayop ng hayop na Ayar.

Walang awang kinuha ang aking dignidad.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon, ang noo'y simple ko'ng buhay ay nagbago at biglang naging impyerno.

END OF FLASHBACK

-END OF FAMILIA UNO-

Familia Crisosmo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon