Sinubukan ko'ng magsumbong.
Sinumbong ko sa police ngunit ayaw nilang maniwala.
Sa mga kaibigan ko.
Sa mga teachers ko.
Pero walang naniwala sa akin maski isa.
Pero nagkakamali ako.
"Diba sabi mo anak na binaboy kang hayop na 'to? Ayan na siya anak. Gawin mo ang dapat mo'ng gawin. Naniniwala kami sa'yo. Basta ito ang tandaan mo, 'a family that loves each other, kills together'. - nakangiting sambit ng aking ama.
Nagkamali talaga ako.
Dahil ang pamilya ko ay naniwala sa akin.
-------
Matapos igapos ni Tatay si Mr. Ayar sa lamesa, iniwan niya na kami.
Paunti-unti akong lumalapit sa lamesa dala ang isang kutsilyo.
Paunti-unti hanggang sa umabot na ako sa lamesa.
Dahan-dahan ko'ng itinaas ang kutsilyo.
Pilit na nilalabanan ang emosyon.
Hanggang sa lumapat ang kutsilyo sa braso ni Ayar.
"Ahhhhh! Pakiusap, maawa ka! May mga anak ako Helen. Please maawa ka!" - pakiusap niya.
"Nung binaboy mo ako, nagmaka-awa ako diba? Pero anong ginawa mo? Itinigil mo ba? Diba hindi?" - nakangiti ko'ng sambit.
"Patawarin mo ako pakiusap! Ahhhhhhhhhh!" daing niya ng bigla ko'ng iturok sa kamay niya ang kutsilyo.
"Sige ganyan nga! Makiusap la't magmaka-awa! Ang saya pala panoorin ano!? Ang saya! Ang saya saya!"
"Please maawa ka! Di ko iyon sinasadya! Pakiusap! Arrrrrgh!".
Napaiyak siya ng binunot ko ang kutsilyo at ibinaon naman sa kabila.
"Please ma-awa ka! Hindi ko iyon kasalanan!"
"Hindi mo iyon kasalanan!? Hahaha! Kung hindi ikaw sino!? Sino ang may kasalanan!? Magsalita ka!" - galit at nanggigil ko'ng sambit.
"Si Andrea! Siya ang may kasalanan! Blinack-mail niya ako!"
"Sa tingin mo maniniwala ako sa'yo? " - tanong ko sa kaniya.
"Oo! Maniwala ka pakiusap!" - todo iyak sa sa lamesa.
"Pero ginawa mo parin! Papatayin kita! Papatayin kitaaaaaaaaa!" - sigaw ko pagkatapos ay sinaksak ko siya sa puso.
Tahimik.
Naging tahimik ang paligid.
Wala na ang papahal ng nagmamaka-awang Ayar.
Hahahaha!
Napatay ko siya.
Nakapatay ako ng tao.
Nakapatay ako.
-----
"H-hindi! H-hindi ako ang pumatay kay Ayar! Wala akong pinatay! Walaaaaaa!" - nagwawalang tinig ni Helen.
Paulit-ulit na sumigaw ang dalaga at nagwala.
Wala siyang pakialam ko'ng masugat siya o ko'ng may masaktan man siya.
Nakaka-awa ang kalagayan ng dalaga.
Paulit-ulit niya itong ginawa hanggang sa mawalan siya ng malay.
------
Iyak lang ako ng iyak ng makitang wala ng buhay na si Mr. Ayar.
Hindi ko matanggap na nakapatay ako.
"Sshhhh! Ayos lang 'yan anak. Ganyan talaga sa una. Masasanay ka rin." - mahinahong sambit ng aking ina.
Iyak lang ako ng iyak at biglang nandilim ang aking paningin.
------
Nagising ako sa halinghing isang dalaga.
"Huhuhu! P-please! P-pakawalan niyo ako! Pa-pakiusap! Huhuhu." - iyak ng pamilyar na boses.
"Elise?" - tawag ko sa babae.
"S-sino ka? Please wag mo saktan!"
"Ako 'to Elise! Ako ito. Si Helen 'to!" - pakilala sa kanya.
"Helen? Please tulungan mo ako dito!"
"Matapos sa ginawa mo sa'kin sa tingin mo matutulungan pa kita?" - tanong ko sa kaniya.
FLASHBACK:
From: Geenyl
Helen. Kita tau storage room mamaya…
To: Geenyl
Ok. Anong oras mahal?
From: Geenyl
Mamaya 5.
To: Geenyl
Para saan mahal?
Seen
---
Si Geenyl ang kasintahan ko.
Magiisang taon na kami.
Sweet s'ya sa'kin at alam ko'ng mahal niya ako.
Nanibago nga ako dahil parang ang lamig ng pakikitungo niya sa akin sa message namin sa isa't isa.
-----
Lumipas ang oras at tumuntong na sa alas 5 ang orasan.
Mag-isa akong pumunta sa storage room.
Dahan-dahan ko'ng binuksan iyon at nagulantang ako sa aking nakita.
Si Geenyl at si Elise.
Naghahalakihan.
Naglalaplapan.
END OF FLASHBACK
-END OF FAMILIA DOS-
BINABASA MO ANG
Familia Crisosmo
Mystery / ThrillerTitle: Familia Crisosmo Genre: Mystery/Thriller Date Started: Date Completed: "A family that loves each other, kills together." - Familia Crisosmo.