Kabanata Anim: "Tutulungan ko kayo!"

5.1K 144 0
                                    

-Yohanne-

"Warff! Warff !! Warff!!" Ano ba yan ang ingay naman dito!!

Biglang may kung anong pumapahid sa mukha ko na basa. Iminulat ko ang aking mata at

"WAAAHH!!!" Napaatras ako sa aking nakita.

"Ano ba an... WAAAAAHHH!!" sigaw din ni Dane.

"Wag kayong maingay ansak.... WAAAAAHHHH!!!!!!" Sigaw din ni Ken.

Anong klaseng mga hayop to? Andami nila!!

Nakapalibot sila samin. Baka mamaya biglang maging halimaw ang mga ito.

"Sino kayo?" Tanong ng isang matanda.

Nagsalita ang babae mula sa madilim. Hindi namin siya makita.

"Kayo po? Sino po kayo?" Tanong namin pabalik.

"Galing ba kayo ng Magica Academia?" Nagkatinginan kaming apat at lumabas ang matanda mula sa dilim.

"Bakit alam nyo po ang akademya na pinanggalingan namin?" Tanong ni Vishna.

"Dahil galing din ako dun." Ha?!

"Pero paano po kayo napunta dito?" Tanong ko naman sa kanya.

"Napakahabang kwento. Tara sa aking bahay at doon muna kayo magpalipas ng gabi. Kung wala kayong tutuluyan ay dito na lamang muna kayo maglagi sa akin." Pagpiprisenta nya.

"Marami pong salamat!" At yumuko kami bilang pasasalamat.

Ngumiti ito at nagmuwestra na sumunod kami sa kanya na siya naming ginawa.

———————————————
-Cyan-

Aray! Ansakit ng likod ko!

Iminulat ko ang mata ko at nakita ko na puro puti ang nasa paligid ko.

Nasa Magica Academia ba ako? Pero bakit may kung ano sa dingding? May pabilog na dun nanggagaling ang ilaw?

"Ayos ka na ba?" Tanong ng isang lalaki.

"Sino ka? Nasan ako? Bakit nandito ako?" Sunod sunod kong tanong sa kanya.

" Ang pangalan ko ay Taiki. Bigla ka na lang kasing tumawid sa highway. Hindi ka ba marunong magbasa ng signs?" Paliwanag nung lalaki.

"Ha? Signs? Ano yun?"

"Eh?! The signs are the guides for every person to stay safe. Dapat sa pedestrian ka tumatawid?"

"Anong ibig sabihin ng sinabi mo? Hindi ko maintindihan!"

Sa totoo lang wala akong naintindihan sa sinabi nya.

"Saan ka bang lupalop ng mundo nanggaling?!"

"Sa Athenia."

"Ang Magica Academia!" Pabulong nyang sambit ngunit narinig ko din.

"Alam mo ang lugar na yun?" Nakakagulat!

"Oo. Bagong estudyante ka ba doon?" Tanong ko dito.

"Hindi. Kinamumuhian ko ang lugar na yun. Teka kung alam mo ang lugar na yun ibig sabihin kabilang ka sa digmaan doon! Dapat hindi ako nakikipagusap sayo!" Paggalit kong sabi sa kanya.

"Hindi ako kabilang sa digmaan na yun. Sa bahay ko na lamang ikukwento sayo. Hindi ako masamang tao. Andito ako para tulungan ka."

Di ba masamang magtiwala sa ibang tao? Napakahirap magtiwala sa panahon ngayon.

"Ngunit paano ka napadpad dito?"

"Kasi m..." Magsasalita na ako ng may biglang pumasok.

"Sir, pwede na po sya madischarge ngayong gabi. Ito na po ang mga gamot na inireseta ng Doctor. Kung may anuman daw na sumakit sa kanya pakibalik daw sya agad dito." Sabi ng isang baba na napakaganda at napakalinis tingnan dahil sa suot nya.

Lumabas na ito at naiwan na kaming dalawa.

"Sino sya?"

"Nurse ang tawag sa kanila. Mga taong nag aasikaso sa mga may sakit o nasaktan dahil sa isang aksidente."

"Sa Magica Academia meron ba nyan dun?" Hindi ko kasi alam kung anong meron dun.

"Wala. Tanging mga tagapagpagaling ang meron dun. May kakayahan silang pagalingin ng mabilisan o mabigyan ng lakas ang isang tao na nasaktan o may sakit." Napatango na lang ako sa paliwanag nya.

"Tara na ng makapagpahinga ka na sa bahay."

"Bakit iba ang damit ko? Nasan na ang damit ko? Ikaw nagpalit ng damit ko?!!" Gulat na tanong ko sa kanya.

"Mga nurse ang nagpalit sayo. Binilhan kita ng mga bagong damit. Kailangan mong manamit ng naaayon sa mga tao dito."

Tama sya!

Pumasok ako sa isang pinto at cr daw ang tawag dito. Nagbihis na ako at tumingin sa salamin.

Ang tawag daw dito sa suot ko ay dress. Mahaba ito hanggang sa may binti tapos mu para putol sa gilid. Kaya kapag maglalakad ako nalabas ang buong binti ko sa kaliwa.

Maganda ang pagkakadisenyo ng damit simple lamang ito.

Lumabas na ako at may inilahad ito sa akin.

"Umupo ka. Isusuot ko sa iyo sa sandals."

Hmm.. sandals ang tawag sa sapin sa paa.

Pagkasuot nya sa paa ko. Lumabas na kami.

———————————————
-Ken-

"Anong ginagawa nyo dito sa mundo ng mga tao?" Tanong ni lola Lucracia.

Parang may kapangalan sya pero hindi ko malaman kung sino.

"May hinahanap po kaming babae." Sabi ko sa kanya.

"Babae?"

"Isang babaeng pinakamakapangyarihang nilalang sa lahat. Hindi pangkaraniwan ang kaniyang kakayahan." Sabi ni Vishna.

"Ano ang kanyang pangalan?"

Inisip namin ng inisip kung ano ang pangalan ng babae.

"HINDI NATIN NATANONG KUNG ANO ANG KANYANG PANGALAN!" Sigaw naming apat.

Natawa na lang si Lola samin.

"Wag kayong mag alala tutulungan ko kayo!"

Magica Academia: The Girl in Hell [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon