K.Dalawampu't Anim: Magiging maayos pa ba?

2.6K 80 2
                                    

-Cyan-
Nandito ako sa silid kung saan nagpapahinga si Ken. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

Alam kong napakabigat nito para sa kanya. Ganun din ako. Anong dapat kong gawin?

"Hmm!" Nakita kong dahang dahan na iminumulat ni Ken ang kanyang mga mata. Lumapit ako agad sa kanya na syang ikinabago ng ekspresyon sa mukha nya.

Itinulak niya ako ng malakas kasabay ng paggamit ng apoy.

"IKAW LAHAT ANG DAPAT SISIHIN SA NANGYARI SA KAPATID KO!!" at sinakal nya ako ng napakahigpit.

Ayokong lumaban. Ayoko itong saktan. Gusto ko na magawa nya lahat ng naisin nya sakin kahit kamatayan pa ang kapalit.

Gulo ang dala ko dito at wala akong nagawang tama para sa kanila.

"DAPAT HINDI KA NA LANG DUMATING SA BUHAY NAMIN NI KIAN!! NAPAKASAMA MO!!" mas lalo nyang hinipitan ang paghawak sa leeg ko at nawawalan na ako ng hininga

"PAANO NA AKO NGAYON?! HINDI KO NA MAGAGAWA PANG TUPARIN ANG PANGAKO KO SA AKING MGA MAGULANG!! NANG DAHIL SAYO, NASIRA IYON!!!" susuntukin nya sana ako ng napakalakas pero napigilan sya ni Taiki.

Hinawakan sya nina Dane pati ng Hari.

"BITAWAN NYO AKO!!!!!" pagpupumiglas ni Ken.

Inalalayan ako ni Ina pati ni Taiki palabas ng silid at pinapakalma si Ken.

"Mabuti pa Cyan ay hayaan mo na lamang sya ngayon. Palamigin mo muna ang ulo niya. Napakabigat para sa kanya ng pangyayaring iyon." Niyakap ako ni Ina ng mahigpit at napalakas ang aking iyak habang naghahabol ng hininga.

Napaupo ako sa sahig sa sobrang panghihina. Niyakap din ako ni Taiki habang nakayakap si Ina.

"Mabuti pa Cyan, umalis ka na lamang muna dito at sumama saakin. Bigyan mo sya ng oras na kahit konti ay mabawasan ang galit nya mula sayo." Sabi ni Beina na kalalabas lamang galing sa silid.

Tama sya! Hindi ito ang oras para kausapin at pilitin syang unawain ako.

Hinawakan ni Cyan ang aking kamay at isinama ako sa kanyang lugar.

Sana balang araw mapatawad mo ako Ken.

-Dane-
Makalipas ang dalawang araw, medyo umaayos na si Ken pero wala syang gana kumain. Tanging si Ina o ang Reyna ang gumagawa ng paraan para mapakain sya.

Sa totoo lang hindi ko alam kung gaano kasakit ang mawalan ng isang kapatid o isang taong natitira sayo.

Ampon lang ako ng mayamang pamilya. Hindi naman sa hindi ko sila mahal, tumatanaw lamang ako ng utang na loob pero yung may pahalagahan ng tulad ng isang kapatid, wala.

Nung huli kong nakita si Cyan, triple ang sakit na nararamdaman nya. Kaya nyang tanggapin lahat ng naising gawin sa kanya ni Ken kahit patayin man sya nito.

Simula ng mangyari iyon, ni isa samin hindi na siya nakita. Sinubukan naming tanungin ang Reyna at Hari pero ang tugon lamang nila ay hayaan silang dalawa na mapagisa.

Napakabigat ng atmospera dito sa loob ng akademya. Nawawala na ang sigla dahil sa sabay sabay na pagkawala ng mga estudyante at ang pagbabalik nila bilang isang bangkay na lamang. Kasabay pa ang kaganapang ito.

"Maayos pa kaya ito?" Bigla na lamang umimik si Yohanne habang nakatingin sa malayo.

"Oo. Huwag tayong mawalan ng pag asa!" Sabi ko.

Sigurado akong magiging maayos ang lahat.

"Paano kung hindi na?" Pagbabalik nito ng tanong.

"Sigurado akong babalik tayo sa dati."

-Ken-
Ilang araw na simula ng mangyari ang pagbabalik nilang dalawa na bangkay na lamang ang kapatid ko.

Napakasamit para saakin na ang pinakamalakas na nilalang dito sa Athenia ay kaibigan ko maging ng kapatid ko ngunit bakit ganun ang nangyari?

Si Kian na lamang ang natitira sakin. Ipinangako ko sa aming mga magulang bago sila pumanaw, pagtatapusin ko si Kian sa paaralan na gusto niya. Sabay kaming lalaki(grow) at kakamitin ang aming mga pangarap.

Pero nasaan na ang aking kapatid ngayon? Napakasakit isipin ng naganap na iyon!

"Ken?" Tawag sakin ni Ina na kumatok mula sa pinto ng aking silid.

"Pasok po kayo." Malumanay na sagot ko ngunit nakatulala pa rin.

"Ayos na ba ang iyong pakiramdam?" Sabay upo nito sa aking tabi sa kama.

Tumango na lamang ako bilang sagot.

"Mag iisang linggo na simula ng mangyari iyon, Ken."  Napatingin ako kay Ina na ngayon ay seryoso ang kanyang mukha.

Hindi ako umimik sa kanyang sinabi.

"Hindi na ba maayos ang meron kayo noon, ihjo?" Alam ko na kung ano ang tinutukoy nya.

Lumalabas naman ako para makipagusap sa kanila ngunig saglit lamang.

Magiisang linggo na din na hindi ko nakikita si Cyan.

"Lumayo sya para sa iyo, Ken."

"Wala akong pakialam sa kanya!" At itinaliwas ko ang aking tingin sa kanya papunta sa bintana.

"Kahit muntik mo na syang mapatay nung oras na binantayan ka nya sa silid gamutan noon?"

Napatingin ako sa kanya ng seryosong tingin.

"Ken, mali na ang pairalin mo ay ang galit sa puso mo. Naging madilim ang iyong paligid dahil sa galit kaya hindi mo nararamdaman kung gaano iyon kasakit sa kanya. Hindi mo napansin na kahit anong gawin mo sa kanya ay malugod nyang tatanggapin kahit kamatayan." Hindi ako nakaimik sa sinabi ng Reyna.

Bakit ganun? Ako pa yung mali sa paningin nila!

"Huwag mong isipin na si Cyan ang kinakampihan namin. Pero Ken alam kong may pagtingin ka sa kanya. Ilabas mo lahat ng gusto mong sabihin sa kanya. Ken nasa huli ang pagsisisi." Iimik na sana ako ngunit may kawal na dumating at hingal na hingal.

"Ano iyon?" Tanong agad ng Reyna.

"May kailangan po kayong makita, ngayon na mismo." Napatayo agad ako at inalalayan ang reyna palabas ng palasyo.

Ano ito?

Magica Academia: The Girl in Hell [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon