"Hey Philippines! My name is Bianca Marie Buencalili! Representing Bulacan!" Kembot dito,kembot don! Awra! Ganon!
Nasa harap ako ng salamin at tinitingnan ang mala-dyosa kong ganda!
"Benjamin!" Tawag ng tatay ko sakin..oo sakin.Hayst.
"Tay,ano ba? Bianca ang name ko.Bianca!" Napatawa naman si tatay.Inaasar na naman niya ko.Pero alam niyo tanggap ako niyan.Kahit ako ay bakla, mahal niya pa rin ako.
"Anak kain na oh! Papasok ka pa." Yan din si nanay tanggap ako.Sobrang saya ko nga e.Sinasamahan pa nila ako sa mga pageants ko.Proud na proud sila sa akin.
Nang matapos akong kumain,tumayo na ako at nagpunta sa kwarto ko para kunin ang bag ko.Napatingin ulit ako sa salamin sa tabi ng kama ko.
"Ready na ang ganda mo beh! Mwah!" Sabi ko sa sarili ko. Lumabas na ko ng kwarto.
"Ma! Pa! Gogora na aketch!" Paalam ko sa kanila.
"Saglit,anak! Tingin nga.....ayan gwapo ka na!" Sabi niya habang inaayos yung hair ko.Napa-pout ako sa word niyang gwapo.Nakapangbihis pa ko ng panglalaki.Hay di bali.Makakapagpalda din ako.Hahaha.
"O sige na nga..o eto.." May inipit siyang clip sa buhok ko."... maganda kana!" Napatingin ako sa salamin.Napatili ako ng ipit.Sorry na.Ang ganda nung ipit e.Kulay purple.Favorite color ko re!
"Sige nay,tay.First day baka malate ako saka new school yun.Bagong friends!" Natuwa naman ako dun.Sana mabait mga tao don.
"O sige na.Mwah Mwah!" At tumakbo na ako palabas ng aming munting bahay.
Ako lang ang nag-iisang anak nina tatay at nanay.Hindi sila nakapagtapos ng pag-aaral kaya sisikapin ko silang ibangon sa kahirapan.Magtatapos ako at patitirahin ko sila sa isang mansyon.Ang pangarap ko maging isang fashion designer.Magtatayo ako ng boutique na mga damit na ginawa ko ang ibebenta.
Grade 10 na ako ngayon.Lumipat ako ng school dahil may nagpaaral sa akin.Sa isang private school niya ako in-enroll.Pati allowance ko sagot niya.Sobrang bait niya.Nabaitan kasi siya sa mga magulang ko.Ang sipag daw at mapagmahal.Bilang anak nila,alam ko yun.Kasi sinikap talaga nila akong pag-aralin kahit sa public school lang.
"Oy ayan na si bakla! Hahahaha!" Napatingin naman ako sa mga tambay sa tindahan ni Aling Nena.
"inaabangan niyo ko.Aww.Bakit nyo inaabangan beauty ko?Crush niyo siguro ako. Hahhahaha" saka ako naglakad ulit. Mga chosera to. Papatulan ko sila noh.Pero nandiri ako sa sinabi ko.Crush nila ako? Ewww.Ang chachaka kaya nila!
Sumakay na ako ng jeep bago pa nila ako mahabol.Nagulat ako sa nakasakay ko.Parehas kami ng uniform.Nagtaka naman ako.Diba may mga sasakyan ang mga nasa private school? Bakit siya nag-jijeep? Ay teka,yung face.Ang gwapo! Ay tumingin din siya sa kin.Ningitian niya ko.Ay killer smile! Ganon din ang ginawa ko sa kanya.Napansin niya sigurong same school kami.
Nang makarating na kami sa school,napanganga ang ateng nyo.Ang laki pala nitong school.Bubungad sa iyo ang pangalan ng school CROFT ACADEMY at ang malaking kulay blue na gate.Pagpasok mo,may isang malaking pathway na lalakaran mo bago ka makapasok ng main building.Ang laki at ang ganda dito.
.Hinanap ko yung lalaking nakasakay ko sa jeep kaso di ko na mahagilap.Nagpunta na lang ako sa pricipal's office para kunin ang ID ko.
Lakad
Lakad
Lakad
Ay,shomai.Tsk.Di ko nga pala alam kung saan.Naghanap ako ng pagtatanungan.Ayun.Teacher.
"Ma'am,Excuse me po.Good morning po.Hinahanap ko po kasi yung principal's office.Pwede po bang paturo kung saan ho?" Magalang kong tanong.Mukha siyang masungit.Ang tanda na niya.Halata sa wrinkles niya ang stress.
YOU ARE READING
All Along
Novela JuvenilA gay and a girl.They're best bestfriends.But one day,biglang nagbago ang lahat.Naging guy si gay! Pero dahil daw yun sa pagmamahal. Anong manyayari kay girl? Sino ang love ni gay na naging guy? Read their full- of- conflict love story entitled All...