Shopping Time
Ano Saan tayo? tanong ni Ivan
Pwede ba kung may pupuntahan ka puntahan mo na kanina ka pa tumanong ng tumanong kung saan tayo naiiritang sabi Henry
Ehh sa gusto kong magtanong ehh sagot naman ni Ivan tsaka kanina pa? ehh ngayon lang ako nagtanong
Excuse me Pwede ba? Wag dito kung magaaway kayo sa bahay na lang di ba kayo nahihiya? Sersoyosong sabi ni Zack
Wow nausuhan ka pala ng salitang hiya? sa kapal kasi ng mukha mo di ko maiisip na alam mo ang salitang hiya Bulong ko Sa sarili ko
Anong sabi mo?!masungit na tanong ni Zack
Ah-ahh sabi ko Da-dapat nga n-na Wag silang Magaway Di-dito ahh yun, yun ang sabi ko nauutal kong sabi
Bwiset lakas ng pandinig!
ilang minuto pa nakarating na rin kami sa M15 Clothing
Wow grabe! Ang gaganda ng Damit! Pero teka Uniform ang pinunta namin dito hindi yung pang pormang damit
Pagkapasok pa lang namin may dalawang babae na ang sumalubong sa amin yung isa medyo mukhang matanda na at yung isa naman siguro ilang taon ang tanda samin
Nasa likod nila ako pero kita parin naman ako nung dalawang babae sa likod kasi may konting espasyo na nasa harap ko
Good morning Sir! maligayang pagbati nung babaeng kaidaran namin
Sir, nasa loob na po yung mga inorder na Uniform ng lolo niyo yung may edad na babae naman
So sila lang yung Welcome? Wala man lang bang Ne o Ate diyan? Sir lang talaga?
Sinamahan na kami nung dalawang babae sa loob, kung nasaan yung mga uniform
Ahh mga Sir matanong ko lang po ahh bakit po may pambabaeng Uniform na inorder si Don Marqueza ehh puro lalaki po kayo? para kay Ma'am Sarie po ba? Yung Babaeng bata ulit
Hindi ko na naintindihan ang huling sinabi niya
Dahil sa sinabi nung babaeng yun mula sa likod humatak ako papunta sa unahan ng mga apo ni Don Marqueza
Nanliit ang mata nung babaeng matanda sakin Ah Sir sino po ito? sabay turo sakin Yaya niyo? nagtatakang tanong nung matanda
Opo ako po yung yaya nila..... ako na ang sumagot para sasarili ko na magmamay-ari ng Uniporme na yun sabay turo ko sa Uniform na pangbabae
Ahh manghang sabi nung mas batang babae
Natatawa Sina Thimon ng nilingon ko ulit sila para humatak ulit papunta sa likod
Pinasukat na muna samin yung mga Uniporme namin bago tuluyang ibigay samin dahil baka daw hindi kasya o maluwag
Ang pinagtataka ko lang hindi naman nila alam ang size ko pero bakit parang saktong saktong ang unipormeng ito sa akin. Ni hindi naman nila ako sinukatan ehh
Nang lumabas na ako sa fitting room para sabing ayos na ang uniform na ito yung babaeng mas matanda ng kaonti sakin ang sumalubong
Ayos na po ito
Magkasing Sukat po pala Kayo ni Ma'am Sarie! maligayang sabi nung babae
Sinong Sarie?
Sabi po kasi ni Don Marqueza yung sukat po ni Ma'am Sarie ang Ibigay namin sa Mananahi para sa uniform na yan. Nagtataka nga po ako kasi sa States po nag-aaral si Ma'am Sarie
Tumango tango na lang ako
Nararamdaman kong Gusto pang makipagkwentuhan ng babaeng yun pero Kailangan na namin matapos dito dahil mamimili pa kami ng gamit
Apat napares ang unifom ko kaya di na ako magkakaproblema sa paglalaba araw-araw
Pinadala nalang ang mga uniporme namin sa mga guard sa may parking lotpara daw wala na kaming bitbit
Pumunta kami sa Bilihan ng School Supplies pagkatapos nun
Kahit papaano Bilib din ako sa Lolo nila kasi Hindi niya sinasanay ang mga Apo niya sa Buhay mayaman, yung nakahilata na lang kung may gustong bilhin papabili na lang sa katulong pero heto sila at sila mismo ang pumipili ng gamit nila
Agad na naghiwahiwalay ang mga magpipinsan para pumili ng mga gamit nila at ako eto at hindi alam kung saan pupunta
Pumunta nalang muna ako sa may mga Notebook
Namimili ako ng may nakita akong batang babae na umiiyak, mukhang nawawala imbes na pumili ako ng Notebook dito pinuntahan ko na lang siya para dalhin sa magulang niya kung nawawala nga siya
Baby? tawag ko sa bata ng umupo ako para pumantay ako sa kanya
Patuloy lang siya sa pagiyak
Baby Don't cry na. Nawawala ka ba? Don't worry hahanapin natin si Mommy at Daddy mo ohh ha napaenglish tuloy ako ng wala sa oras kasi naman mukhang foreigner ang batang ito
Tumahan na siya sa pag-iyak at tumingin na lang sakin ang berde niyang mga mata ay sumisigaw ng lungkot
Naku napakacute mo naman pala kaya wag ka ng umiyak halika at hahanapin si Mommy at Daddy mo Sabay buhat ko sa bata
Nakatingin lang siya saki habang ako'y abala sa paghahanap sa mga magulang niya
Kainis naman ang mga magulang nito Jusko napagkacute ng batang ito iniiwan
Papunta na sana ako sa may Guard para ireport ang nawawalang bata na ito nang may nakapukaw ng atensyon ko, Si Zack na mukhang iritado sa kausap na babae
Ibinaba ko muna yung bata dahil medyo mabigat siya
Anong bang ginagawa niyo dito?! Diba sinabi ko na sayo na Wag kayong uuwi ng Pilipinas pupuntahan ko naman kayo ehh naiinis na sabi ni Zack
Medyo matanda ang ng ilang taon kay Zack yung babae na kausap niya
Aalis na sana ako para di na madamay sa away ni Zack nang....
Mommy! Daddy! Sigaw nung bata sabay kawala sakin
Nagtatatakbo yung bata papunta kina Zack?!
Kukunin na sana nung babae yung Bata ng nagpakarga siya kay Zack At sinabing "Daddy"
Ano?! si Zack may Anak na?! sabagay di naman nakapagtataka dahil sa manyak ng taong yan pero.....hayst
Saan ka ba galing Zamiel? Kanina pa kita hinahanap Sabi nung babae sa bata habang hinahawakan ang buhok na ngayon ay karga ni Zach
I miss you Daddy sabi ni Zamiel sabay halik kay Zack
Hinalikan pabalik ni Zack yung bata sa Pisngi I miss you too baby
Daddy may tumulong po saking Girl kanina para hanapin si Mommy nakangiting sabi ni baby Zamiel
Sino baby Zamy? tanong ni Zack sa bata
Lumingon ang bata sa Lugar kung nasaan ako kaya agad akong nagtago
Di ko na alam kung anong sumunod na nangyari sa,mag-anak? di ako sigurado kung Pamilya nga sila pero sa nakita ko Siguro nga
Gulat parin ako sa nakita ko, tatlo o apat na taon na siguro ang batang iyon na anak ata talaga ni Zack
Di ko alam pero parang Natigalan ako dun, Hindi makapaniwalang Si ZACK STEVENSON MAY..ANAK..NA?!!!
YOU ARE READING
A life with 15 boys in a House
Novela JuvenilAno nga ba ang pakiramdam ng isang taong Mag-aalaga ng 15 lalaki sa iisang bubong? Syempre mahirap ikaw ba naman tadtarin ng reklamo ng mga alaga mo. Si Isabella Kathryn Dizon AKA Iskah ay lumaki sa Probinsya sa Cebu sa tindi ng kanyang pangangaila...