What If #3

33 1 0
                                    

What if I chose you?

Magiging masaya kaya tayo? Paano nga kung sumugal ako at ikaw ang pinili ko kaysa sa aking karelasyon? Makakaya ko ba ang distansya sa ating pagitan? Paano kapag nagkita tayo? Mapaparamdam ba natin sa isa't isa ang ating pagmamahalan? Paano kaya kita maipapakilala sa aking mga magulang? Makakaya ko ba ang kanilang panghuhusga? Makakaya ko ba ang lahat ng pwede nating pagdaanan kung sakaling sumugal ako at ikaw ang pinili ko?

Tanggap ko ang iyong pagkatao ngunit nakakatawa isipin kung paano natin magagawang magsama gayong tayo ay natural na magkasalungat.

Makabuo kaya tayo ng magandang kwento gayong tayo ay parehong manunulat?

WHAT IF'STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon