What if we didn't overcome that problem?
Kami pa kaya ng boyfriend ko? Mahal niya pa kaya ako?
Sa tuwing naalala ko, naiiyak ako. Kasi ang sakit din ng mga salitang binitawan niya sa akin noon.
Yung mga tagpong gusto kong patunayan sa kanya na siya ang mahal ko pero ayaw niya akong makita.
Gaano naman kasakit yun? Ipagtabuyan ka ng mahal mo.
Halos isang taon na rin ang nakalipas.
Heto kami ngayon, buo, magkasama, mas matatag at mas mahal namin ang isa't isa.
Pero paano nga kung bumitaw ako noon? O di kaya iniwan niya ako? Saan na kaya ako pupulutin? Ako ba'y makaka-graduate? O sinira ko na amg buhay ko dahil lamang sakanya.
I'm a strong independent woman. Ayoko ng may babaeng nagpapa-alipin sa boyfriend nila. Ako rin yung tipong, sige iwan mo ako, kaya ko kahit wala ka.
Siguro sa ibang lalaki kaya ko, pero sakanya? Alam na alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang mawala siya. Bukod sa mahal na mahal kita at ikaw ang lalaking ipinagdasal ko, hindi ko na kayang mabuhay ng wala ka. Masyado na akong naging dependent sa'yo.
Kaya siguro kung nangyaring iniwan mo ako o binitawan kita, alam ko, miserable sana ako ngayon kahit mahigit isang taon nang nakalipas.
Buti nalang, hindi mo ako iniwan. Hindi kita binitawan. Hindi tayo sumuko.
BINABASA MO ANG
WHAT IF'S
Non-FictionMga komplikadong pangyayari sa buhay na pwedeng magbago kung sakaling iba ang iyong desisyon. Mga nararamdaman na walang kasiguraduhan. Mga desisyon na hindi ginawa, nais subukan ngunit hindi alam kung kayang panindigan. Mga tanong sa isipan na hab...