Prologue

2K 75 20
                                    


Quinn's POV

"Ma', pakinggan n'yo muna kaya ako?" inis na sigaw ko. I grab my sling bag at padabog na umakyat nang kwarto. Rinig ko naman ang mabigat na bagsak ng talampakan ni Mama habang hinahabol ako para kausapin.


Kakauwi ko lang galing school and super pagod ako tapos sasalubong sakin na ililipat na naman nila ako ng school? For what? Para makaiwas na naman sa issues? Pagod na pagod na ko. Isang taon nalang naman at malapit na akong matapos sa pagaaral, bakit kailangan ko pa ring lumipat and ma-bother sa mga haka haka ng iba.


"It's for your own good! Hindi mo ba alam ang mga issues na kumakalat tungkol sa'yo? Hindi maganda sa imgae mo yun lalo na at papalapit na ang graduation mo." Nasa harapan na ako ng pintuan ng kwarto ko nang huminto ako para harapin siya. Nakakuyom ang mga palad ko dahil sa inis.


"Alam ko. Pwede ba, ayokong lumipat. Itigil niyo ang pagdedesisyon sa buhay ko. Kaya ko naman ang sarili ko," inis na tinignan ko siya. "Inilalayo ka lang namin sa gulo," depensa naman niya.


"Pwede naman kasing hayaan na lang. Bakit ba kailangan i-big deal lahat. Alam n'yo naman ang totoo na hindi ako buntis. Magpapaniwala kayo sa mga balitang yan. Wala nga akong nobyo, mabuntis pa kaya."


"Ayaw ka lang namin masaktan, anak. Bilang isang ina, masakit para sakin na inaakusahan ka ng ibang tao sa mga bagay na 'di mo ginagawa."


"Ma', listen. Hayaan nalang natin sila. Sabihin na nila ang gusto nilang sabihin sakin. Alam naman natin sa sarili natin na hindi ako ganon. Isa pa, kaya ko."


"No, Quinn. Lilipat ka sa ayaw o gusto mo. Pinagbigyan ka na namin noon pero wala namang nangyari. Patuloy lang kumakalat ang issues tungkol sayo. Nadadagdagan pa. Hindi magandang imahe para sayo yan." narinig kong sinabi ni papa sa 'di kalayuan. Kakarating lang niya mula sa trabaho. Napahugot nalang ako ng malalim na buntong hininga.


Ito na naman tayo. Wala na naman akong magagawa. Kapag si papa lagi ang nagsalita, tapos na ang conversation. Siya na ang nagwagi. Hindi ko naman pwedeng suwayin ang inuutos niya dahil syempre, siya pa rin ang padre de pamilya at anak lang naman nila ako.


Pero sa totoo lang, nakakapagod na. Bawat school na pinapasukan ko, lagi akong may issue. Hindi ko naman maiwasang hindi magkaroon. Normal lang naman akong tao. Hindi naman akong sobrang talino, hindi rin naman kami sobrang yaman. Pero ewan ko ba sa mga tao sa paligid ko, ang tingin nila sakin ay parang ang sama sama kong tao.


Sa paningin nila, sobrang intimidating ko.


Bilang estudyante, gusto ko lang din naman magenjoy sa buhay. Gawin lahat nang gusto ko. Gawin ang mga bagay na makakapagpuno ng saya sa puso ko. Pero bawat sayang yun ay ginagawan nila ng butas.


Sa sobrang daming issue ang kumakalat sakin, halos di ko na pinapansin. Ito lang talagang sina mama ang naba-bother sa mga issues ko. Halos pagbantaan na nga nina mama ang school regarding sa mga kumakalat na rumors about sakin kahit na napatunayan naman na hindi ako guilty. Pero wala e, patuloy pa rin sila sa pagkakalat ng impormasyon na makakasira sakin.


Gusto nila ako pabagsakin. Lalo na ang mga inggitera sa loob ng classroom namin. Pero mali kasi sila ng kinalaban, hindi ako basta basta bumabagsak.


Napairap nalang ako sa hangin at tumalikod. Sa minutong yun ay tanggap ko na ang magiging resulta ng usapan na 'to. Akmang hahawakan ko na ang door knob nang biglang nagsalita ulit si Papa. "This will be the last time na lilipat ka. Ayoko lang na masira ang imahe mo. Hindi tayo mayaman, pero hindi tayo maduming pamilya. And please, iwasan mo na ang pagdadala ng issues lalo sa sarili mo."


Napabuntong hininga ako at unti unting binabawasan ang inis na nararamdaman ko. "Okay!" lang ang naisagot ko at tuluyan na akong pumasok sa kwarto.


Naiintindihan ko naman ang puno't dulo ng paglipat ko. Gusto lang nila na mailayo ako sa gulo. Mailayo ako sa mga pekeng impormasyon tungkol sakin. Ayaw lang nila ako masaktan. Pero mahirap din kasi para sakin ang paglipat. Malaking adjustments na naman ang gagawin ko para lang maki-fit in sa mga bago kong kaklase. Lalakasan ko na naman ang loob ko para magkaroon ng bagong kaibigan. Magsisimula na naman akong kumilala at sobrang nakakapagod na kung tutuusin.


Malapit na akong matapos. Isang taon nalang at ga-graduate na ako. Hindi ko alam kung paano ko lulubusin ang isang taon na yun sa bagong school na lilipatan ko. And I wonder kung saang school na naman ba ako ilipat. Ayoko na sa catholic school. And please, I always seem to attract trouble. I hope this time it won't happen again.

Mephistopheles Chronicles (Under Revision 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon