Chapter 1: First day in Mephistopheles

2.4K 68 28
                                    

Chapter 1
First day in Mephistopheles


Quinn's POV


It's been a month after matapos ang second semester ng klase namin. Isang buwan na rin ang nakalipas mula nang ayusin ko ang mga papeles ko para makalipat ako ng ibang paaralan. Labag man sa kalooban ko ang desisyon ng mga magulang ko ay wala na akong magagawa. Kasi in the first place, sila ang nagpapaaral sakin and lastly, para rin daw ito sa ikakatahimik ng buhay ko.


Kasalukayan akong nakasakay sa kotse habang si mama ang nagda-drive para ihatid ako sa school na papasukan ko. I still have no idea kung saan ba nila ako balak ilipat. Pero ang ipinagtataka ko ay parang ang haba naman ng byahe namin. It's almost 3 hours at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nakakarating. I don't think na kaya ko bumiyahe ng ganitong katagal araw araw makapasok lang sa school na paglilipatan ko. Iniisip ko palang, sobrang pagod na agad ako.


Nakalagay sa tenga ko ang earphone ko habang nakikinig ng kanta ng The Smiths. I actually like their songs especially the Queen is Dead album. Their albums are indisputably masterpiece.


So ayun back to what's happening, sa sobrang haba ng byahe namin ay nakatulog ako. Nagising nalang ako nang tapikin ako ni mama para sabihin na nandito na daw kami. Napahawak naman ako sa sentido ko dahil nakaramdam ako ng konting pagkahilo.


Humikab pa ako ako bago ako bumaba ng sasakyan. Una kong natanaw ang malaking gate ng paaralan. Kapansin pansin ang nangangalawang nitong parte and halos mapalibutan na ang gate ng mga vines.


"Ano 'to Ma?" nagtatakang tanong ko. Tinuro ko pa ang gate na nakataas ang kilay.


"School na papasukan mo. Malayo-layo ang paaralan na' to kaya dito ka na rin maninirahan. Sabi mo nga sakin noon, independent woman ka na, kaya mo na ang sarili mo. Kaya hahayaan ka muna namin manirahan ng magisa, may mga dorm sa loob ng school na 'to and for sure magugustuhan mo."


"Ma, gate palang di ko na gusto. Yung loob pa kaya?" umirap ako at muling pumasok sa loob ng sasakyan. Nakita kong sumunod si mama sakin at tinanaw ako sa loob ng kotse. "Akin na ang mga gamit mo, may naghihintay na sa' yo," aniya. Kinuha ko ang mga gamit ko na katabi ko lang at iniabot sa kaniya. Matapos ay pinagmasdan ko si mama na naglalakad papasok mula sa makalumang gate na yon.


Pero bago siya tuluyang makapasok ay lumingon siya sakin at biglang kumaway senyas na sumunod daw ako sa kaniya. Bumuntong hininga ako at bumaba ng sasakyan.


Sinundan ko siya kung saan man siya magpunta. Hindi ko gusto ang awra ng bagong school na papasukan. Una, sobrang makaluma. Halos takpan na ng mga halaman ang gate nila. Pangalawa, ang layo ng mga building sa gate. Ang layo ng nilalakad namin. Pangatlo, di exciting tignan ang school. Malalaki lang ang building nila. And lastly, pansin ko na ang unti ng estudyante nila or baka naman yung isa ay nasa loob ng classrooms. Isa pa sa pinagtataka ko ay lahat sila nakatingin sakin. I don't know kung bakit, baka kasi ngayon lang sila nakakita ng dyosa. Kidding.

Mephistopheles Chronicles (Under Revision 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon