Diana's POV
Jusko para akong natatae ngayon, eto ako ngayon kasama si baby ko. Hihihi, nag da-drive siya ngayon at focus na focus sa daan. Take note ha, 10:03 na ng gabi! Mabuti na lang nakaalis ako ng dorm namin ni Marian, swertihan lang din kasi maaga natulog si Marian kundi nako! Hindi ako nakaalis at hindi ko makikita 'to si baby ko, ghaaad kinikilig ako hahaha! Ang bango niya, kasi kahit dito sa sasakyan niya amoy na amoy, tapos 'yung ngiti niya ghaaad nalaglag panty ko!
"Bakit ka naka-ngisi jan? Kanina lang parang kang tuod ah!" Basag niya sa katahimikan.
"Grabe ka naman maka-tuod jan!"
"Totoo naman, sa chat ang daldal mo may pa pick-up, pick-up lines ka pa! Tapos ngayong mag kasama tayo hiyang-hiya ka!"
"Eh sa nahihiya talaga ako, teka saan mo ba ako dadalhin ha?" Tanong ko sa kanya, kanina pa kasi siya nag da-drive tapos parang wala naman patutunguhan, ano 'yun road trip ganern.
"Basta, stay calm Totsie Roll!"
"Che!" Yan na lang ang nasabi ko at na pa mentally facepalm! Nag kabalikatad ata kami, kung sa chat ang landi ko sa kanya, ngayon siya naman 'yung malandi! Ghaaaaad Diana, what did you do to deserve this? Char.
"Gutom ka na?" Tanong ni baby. Hihihi.
"Hindi, kumain na ako, ikaw ba?"
"Oo."
"Ah okay!"
A W K W A R D HAHAHAHA
"Diana ba't ganyan ka?" Napatingin naman ako sa kanya.
"A-ano?" Yuck nag stutter tuloy ako hahaha, kasi nemen eh.
"Pwede ba kita maging driver?"
PUSANG SINAKAL NAMAN OH, AKO?????? DRIVER?! YUNG TOTOO SASAPATUSIN KO 'TO!!
"Oh bakit naka busangot ka jan? Bakit kasi kamo ah!" Nakangising sabi niya, eneve pick-up line pala 'yun.
"Oh bakit?"
"Para ikaw na mag patakbo ng buhay ko." Sabi niya na kina-pula ko. Whooooooaaaaaaaa. Bes hanu na! Kilig si Acu.
"Hahaha ang cute mo mag blush!"
"Hi-hindi ah!" Okay Caloy Stutter pa more!
"Sus, alam ko kinilig ka wag kang ano jan!"
Grabe hindi ko akalain na ganito pala 'to!! Sa chat hindi madaldal parang ang sungit pa pero tignan mo ngayon bumabanat pa! Nahuhulog tuloy ako, ugh!!
"Baba na!" Ay di ko malayan na huminto na pala siya at nag park.
"Okay!" Bumababa na ako at sumalubong sakin 'yung lamig ng hangin, teka nasaan ba kami??
"Nasa Antipolo tayo." Sabi niya, aba mind reader!
"Ang ganda dito, ang lamig pa." Sabi ko, habang namamangha sa paligid.
"Oo, maganda talaga dito. Baka gutom ka ha? May mga chips sa sasakyan."
"Hindi, ikaw baka gutom ka ha?"
"Hindi rin, nga pala kinain mo ba 'yung doughnuts?" Tanong niya uli, namula naman ako dahil naalala ko 'yung ka sweetan na ginawa niya, hindi kasi ako nakapag OL dahil nag ka trangkaso ako. Tapos sakto nakita ata niya si Marian sa school tapos kinausap niya, basta 'yun tapos bigla nlng siya nag paabot ng Donut with note! Oh diba ang sweeeeeeeet!!
BINABASA MO ANG
CAPTIVATED ϟ DiaNicole
FanfictionWhere Nicole gets a random chat from bored Caloy. #DiaNicole ❤️