Chapter 1
Mia's POV
Nagtataka siguro kayo kung asan yung mga magulang namin...
Malalaman niyo rin... Someday
Nasa harap na pala kami ng school. Bumaba nalang ako at nagsimulang maglakad patungong room ko.
Yung palakang yun? Ayon pinagtitilian ng mga babae. Akala mo artista, varsity lang naman ng basketball.
Tatanungin mo ko? Haha habang naglalakad naman ako, pinagbubulongan ako.
"Yan daw ang kapatid ni Papa Marc"
"Ang panget niya parang maging kapatid ni Papa Marc"
Hala akala mo naman kung anak 'to ng palakang 'yon, kung maka PAPA MARC wagas!
Oo sige ako na panget! Kayo na maganda! Eh ang lalandi miyo lang naman eh.
Tatanungin niyo kung anomg itsura ko? Simple lang naman. Naka-braces naka-salamin. Yun simple lang. Hindi gaya ng iba ang kakapal ng mga make-up.
Kung makatawag na nerd wagas. Kahit naka-salamin at braces, nerd na agad? Hindi ba pwedeng hindi healthy yung eyes ko, at hindi lng pantay ang ngipin ko?
Pero minsan matatawag ko na rin ang sarili kong nerd. Kasi minsan, nadadalasan ko ang pag-aaral.
Eh aino ba naman ang hindi mag-aaral, eh graduating student na ako tska consistent valedictorian din.
Lumakad nalang ako papuntang classroom ko. Dinaanan ko muna ang locker ko at inilagay ang mga libro ko.
This time, nandito na talaga ako loon ng room namin. Umupo ako dun sa upuan ko sa may bandang huli. Parang hindi lang din naman ako nakikita ng mga classmates ko.
Sanay na din naman ako mapag-isa.
Dumating na si Sir Jason. Nagsimula na siyang nagturo at heto na naman ako nakikinig habang yung iba ibang iba ang ginagawa.
Parang wala ata silang ganang mag-aral. Palibhasa kasi ang yayaman na.
Dahil siguro paborito ako ng mga guro ko dahil ako lang ang nakikinig sa kanila.
Madali lang natapos ang umaga. Lunch na naman. Dun lang ako sa rooftop kumakain.
Doon talaga ako kumakain. Gusto kong mapag-isa eh. Hindi ko gusto dun sa Canteen ang raming tao, ang ingay-ingay pa.
Kinuha ko nalang sa bag ko ang pinadalang baon sa akin ni yaya.
Hay, mabuti pa dito sa taas. Maiihip mo ang not-so-fresh-air sa paligid. Wala pang nang-aaway sayo.
Here it's so peaceful.
Napahiga nalang ako tska pinikit ko yung mata ko. Nag sun bathing ata ako hehe.
Pero parang hindi ko na bigla naramdaman ang init? Parang may humarang.
Minukat ko ang mga mata ko.
Sino to? Bakit may tao dito? Eh sa 4 na taon kong tumatambay dito, walang kahit isang tao maliban sa akin ang naka punta dito.
Silhouette niya lang nakikita ko.
"Pwede din bag tumambay dito?" Bigla nalang siyang nagsalita. Ang amo ng boses niya.
Tumango nalang ako, at umupo. Nakakahiya naman kung hihiga ako.
Ang tahimik namin. Parang nakakabingi ang pagkakatahimik.
Binasag ko nalang ang katahimikan namin.
"Uhmm bago ka ba dito?" Baka kasi transferee siya. Para nga. Feeling ko kasi first time ko lang siya nakita.
"A-aahh oo transferee ako dito." Ang amo din ng mukha niya. Gaya lang ng boses niya.
"A-aahh so, uhm anong year ka na pala?" Para rin naman maiba.
"Uhmm 4th year: section 1" hala classmate kami neto? Parang hindi ko siya nakita kanina ah. Tapos hindi rin naman nagsabi ang mga teachers namin.
"Classmates pala tayo, pero bakit hindi kita nakita kanina?" Parang pareha lang kami. Hindi siya masyado nagsasalita eh.
"Ah oo, pinapunta muna ako sa principal's office. Pero pagkatapos ng lunch papasok na ako." Ang tahimik pa rin niya.
"Ah ganon ba" parang hindi ako komportable sa sitwasyon namin ngayon. Kami lang dalawa nandito, tapos ang tahimik pa.
Parang multo yung katabi ko...
Ring....
Mabuti ngang tumunog na ang bell. Para kase akong natameme sa taong 'to.
Tumayo na ako. Hinintay ko siya na tumayo.
Hindi pa siya tumayo. "Ah tumunog na ang bell, pasok na tayo sa classroom natin" aya ko sa kanya.
Para kasing ang lalim ng iniisip niya.
Tinapik ko ang balikat niya. Natauhan naman siya. Inulit ko ulit ang sinabi ko sa kanya kanina.
Tumayo na siya. Ang bagal bagal niyang kumilos, pano ba 'to ma late ako neto.
"Uhm una nalang muna ako ha, baka kasi malate ako. Sumunod ka nalang" hindi ko alam kung okay lang ba ang sinabi ko sa kaniya.
"Ah oo, sige susunod nalang ako." Bumaba na ako. Tumakbo ako baka pa naman ma-late ako.
Habang tumakbo ako. Napahinto nalang ako nang nasa tapat ako ng music room.
Music. Kanta. Gitara
Ring.....
Hay buti na nga lang tumunog ang bell. Ay shakssss second bell na. Late na ako nito.
Pagpasok ko, hay salamat wala pa si mam. Pumunta nalang ako agad sa upuan ko.
Hingal na hingal pa ako, sa kakatakbo.
Ilang saglit lang pumasok na si mam. Ay teka bakit wala dito ang lalaki. Hala oo nga noh, hindi ko natanong sa kaniya kung anong pangalan niya.
Ay bahala na nga malalaman ko din naman eh.
"Class, you have a new classmate" sinenyasan niya yung bago namin na classmate, yung kasama ko kanina sa rooftop.
Pumasok na siya, siya nga. Mga babae nga naman dito oh, nagtitilian. Ang lalandi talaga.
"Now, introduce yourself"
"Uhm good afternoon, ako nga pa si Kian"
Kian? Parang narinig ko na yan dati ah. Bakit familiar yung pangalan niya. Hindi kaya siya yon?
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Your Voice
JugendliteraturOnce a nobody, then becomes a somebody. Siya si Mia Argon Reylo isang dakilang nobody na nakilala dahil sa kanyang natatagong talento. Una siyang nakilala ni Kian Vince Perez na hindi niya inakalang susi para maging sikat si Mia. Ano kaya ang kinala...