CHAPTER ONE

45 0 0
                                    

"AMILE HERNANDEZ!!!! Natutulog ka nanaman!"
Sigaw ng bestfriend Kong si Ella.

"ARAY Naman bes! grabe ka naman mang batok sakit eh! Hindi na yata nakakabit yung ulo ko sa spinal cord ko huhu" sabi ni Ella Na may paiyak effect pa talaga.

"Gaga! Akina tatahiin ko para magdikit ulit. Ayos ba?" Sabay tawa ko sakanya at mga kaibigan, hinampas niya Lang naman ako nung folder Na hawak niya agh sakit nun sa braso ah! >.<"

"Bes naman eh. Pero seryoso bakit ba puyat ka nanaman ha? Anong oras ka nanaman umuwi kagabi?" Sabi niya sakin habang nakapangalumbaba sa table niya.

"Malamang dahil sa work. Parang Hindi mo naman alam yung trabaho ko." Sabi ko sakanya habang nagiinat pa. Grabe talaga sobrang inaantok pa ko huhuhuhu iyak Mae!

"Tsk. We don't have a choice bes. Pero bes ako stop muna dyan ng mga three days. Nakabayad nanaman ako ng tuition eh. Kaya rest rest muna ang beauty." Sabi niya.

"Buti ka pa nga eh makakapagchill Na, ako Hindi parin. Kulang parin pambayad ko. Actually back to zero na nanaman ako. Nagbayad kasi ako ng mga utang Tapos yung expenses sa bahay hindi pa nababayadan. Alam mo naman si Mama Hindi parin nakakapagtrabaho sa Tokyo. Nakaasa Lang din sa tita ko dun Tapos yung school pa ng kapatid ko kailangan ko Na din bayadan" hayyy nakakaiyak talaga. May kapatid pa kasi akong maliit ako Na din ang nag aalaga at nagpapaaral. Yung mga naiwang utang ni mama ako pa din ang nagbabayad. Si Mama kasi nasa tokyo kinuha ng tiyahin ko. Akala ko nga din Giginhawa Na kami Hindi parin pala. Hayyyy

"Bes bakit Di ka manghingi sa mga customer mo? Medyo bigatin din naman mga customer mo eh" bulong niya sakin.

"Gaga ayoko nga. Mamaya kung ano pang gusto nun na kapalit eh." Sagot ko sakanya Na pabulong din.

"Bes ikaw bahala. Kita mo nahihirapan ka. Kayang kaya mo naman hingiin yung kailangan mong pera eh. Just ask one of them. Willing naman yata sila magbigay" sabi niya sakin.

Well naisip ko nanaman yan pero ayoko parin natatakot parin ako. Ayoko ng ganun siguro pag gipit Na gipit Na talaga ako.

"Wag na bes magagawan ko to ng paraan. Sasabihin ko na lang Kay Mamu na dagdagan yung customer ko kung oks Lang. Pero bukas na nya dagdagan. Gusto ko muna magpahinga ng onti. kaya sabihin ko kay mamu na kung ok isa lang muna o dalawa. Tutal naman Friday ngayon gusto ko munang matulog ng mahaba Wala naman na tayong class bukas" sabi ko sakanya. Nagbuntong hininga muna siya tsaka Umiling-iling.

"Hay naku bes ikaw bahala. Gusto talagang nahihirapan ang sarili eh" sabi niya sakin. Kaya natawa Na Lang ako dun. Bigla namang pumasok yung professor namin sa last subject naman this day. At Yun nagturo Lang ng history ang pinakanakakaantok Na subject. Sabi niya blah blah blah blah at ang naintindihan ko Lang ay

"Your Exam will be next week so please settle your account. We will not accept any promissory note. You need to settle your account para makakuha Kayo ng exam or babagsak kayo." At biglang tumunog yung bell.

Bigla naman akong naka tanggap ng text Kay Mamu. Sabi niya isang client Lang daw ako today bigatin naman daw. Kasi alam niya na kailangan ko ng pera kaya sakin na binigay 20k daw. Kaya nag reply na ko ng ok, Nagreply ulit siya sakin sabi niya 9:00 - 11:00 daw ang sched ko and finorward niya Na sakin yung address. Bago pa ko makapagreply Kay mamu,

"That's all class thank you for today Goodbye" sabi ng professor namin. Wag na po you bumalik Ma'am amen po.

"Bes! Anong oras work mo?" Sabi ng bestfriend ko Na Bukod sa nakalunok ng speaker ay kapatid si hitler. Sakit ng hampas niya ha. Nakakadalawa Na to.

"HOY ELLA NAKAKADALAWA KA NG HAMPAS HA! IHAHAMPAS KO SAYO TONG LIBRONG HAWAK KO!" Sigaw ko sakanya

"Ahehehe bes ikaw naman Di Mabiro sorry na po. Kiss ko po" sabi niya sakin at akmang ikikiss yung braso ko.

"Che! Tumigil ka. Mauuna Na kong umuwi 9:00 pa ang start pero magreready Na ko para sa trabaho ko. Bye Bes ingat you" sabi ko sakanya at nagbeso Na.

"Ikaw din gaga. Magingat ka lagi." Sabi niya sakin

Tinanguhan ko Lang siya at umalis Na. Dumiretso Na ko ng bahay namin.

After 30 minutes traveling from school to our house, o pak English yun. Wag kayong ano dyan.

"Sky! Nandito Na si Ate!" Sigaw Ko nung nakapasok ako sa bahay namin. At naghuhubad pa Lang me ng sapatos. At nakita ko ang aking kapatid Na nag wi-wii sa living room.

Well Kung curious Kayo sa bahay namin. Nakatira kami sa condo. Hm wag ka. Hahaha char. Pero nakatira talaga kami sa condo dito sa Malate Manila. Hindi naman kalakihang condo. O pang mayamang condo. Two bedrooms din yung unit namin. Meron akong kapatid na 7 years old. Ako naman ay 20 years old. Kaming dalawa Lang ang magkasama dito sa bahay. Hindi naman kami ulila. Sadyang yung kamag anak Lang talaga namin ay nasa probinsya. Then yung mother ko nasa tokyo yung father ko naman nandun sa bahay ng kabet niya.

"Sky kumain Ka Na ba?" Sigaw ko sa kapatid ko habang naghahanap ako ng damit ko na pang trabaho. Nasa kwarto ko kasi ako eh tapos siya nasa sala.

"Oo ate kumain Na ako. Ate bukas pa daw ang dating nila Nanay dito sa atin. Pano yun Wala akong Kasama mamaya? Ediba mamayang madaling araw pa uwi mo?" Sabi ng aking kapatid.

"11:30 ang uwi ko kaya ok Lang. Intayin mo Na Lang ako mamaya. Sabihin mo kay nanay. Siya Na Lang ang pumunta dito magisa." Sigaw ko ulit sa kapatid ko.

"Ok ate. Tatawagan ko mamaya." Sabi ng mabait Kong kapatid. Hay

Naligo Na ko. After that nag bihis. Nagblower ng buhok, nag makeup. Nagpabango at ready to go.

Well simpe Lang Naman yung dress na soot ko. Basta kitang kita Lang yung likod. Pulmonia is real. Hahah char. (See the multimedia for the picture of Dress)

Pag tingin ko sa orasan ko Saktong 7:30 na.

"Sky aalis Na ko! Maglock ka ng pinto wag ka ng lumabas ha! Wag kang magpapapasok ng kung sino sino dito. Kahit may kumatok o magdoorbell wag mong pag Buksan. Naintindihan mo ba ko?" Sigaw ko sakanya habang nagsusuot ako ng heels ko.

"Opo ate naiintindihan ko" sabi niya at nag wii nanaman.

"Kumain ka na. Pag may problema tawagan mo agad ako. Alis Na ko bye."

"Sige byebye Ate Ingat ka po"

Bumaba Na ko at nag Abang ng taxi.

The Connection Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon