Alex's POV
"Sandali... iinom muna ako! Nakakapaos!"
Huminto ako sa pagpindot sana sa isang keyboard nitong piano dahil sa.... makalimang paghingi ng tubig nitong si Raven -_-
"Palagi ka na lang umiinom ah?! Bakit sina Oliver at Lyndon hindi nainom ni isang basong tubig?" inis kong tanong, nakakainis kasi yung patigil-tigil ka sa pagtugtog ng piano.
Humarap siya sa akin, nilapitan ako... sobrang lapit, kaya tinulak ko siya sa pamamagitan ng isang daliri ko sa kamay.
"Aray ko naman Mikey!" reklamo niya at hinimas yung noo niya... "Mikey ikaw kaya ang kumanta dito at ako ang tumugtog dyaan!"
Bwisit na Raven eh!
Nagsimula kami matapos niyang uminom ng tubig, nasa music room kami nagpapractice at kasama ko nga itong si Raven. Mabuti na lang talaga pinayagan ako ni Zyron na magperform kasama siya.
Tumunog ang cellphone ko kaya tumigil kami...
"Tignan mo na, baka yung Zyron yan.. hindi ba boyfriend mo yun?"
Naningkit ang mata ko sa sinabi niya.
"Chismoso ka ah... napaghahalataan!" pang-aasar ko, lumukot naman ang mukha niya at ngumuso hahaha!
Text messege mula kay Hera! Aba himala.
From: Hera
Alex anong gagawin ko! Nasa prisinto kami ngayun ni Daryl huhuhu!
End.
Ano daw?!
Ah okay, bago ko pa makalimutan... kahit naiinis ako sa Daryl na yun eh hinayaan ko si Hera na makipagkaibigan doon dahil mapilit din siya at kilala niyo si Hera bubungangaan lang ako niyan ano! Nasabi na sa akin ni Hera ang pagkikita nila Daryl sa Paris tapos yung paghingi nito ng tawad. Sabi ko sa nga sa kanya layuan mo ang fafa na yan masama yan! Pero alam niyo yung sinabi? -_-
"Fafa nga diba? Ba't ko lalayuan HAHAHA!"
Jusko miyo!
To: Hera
Anong prisinto?! Bakit kayo nandiyaan?
End.
Ilang minuto lang nagreply agad.
From: Hera
Kasi naman may mga dating kasamahan pala dito si Daryl na mga gang! Alex ang sasagwa ng mukha nila huhuhu! Tas ayun hinabol kami ni Daryl, nakipagsuntukan siya sabi niya tumakas daw ako pero hehe nadapa ako kaya nahuli ako pero mabuti na lang may pulis! Pero pati kami hinuli dahil nga may record na pala si Daryl dito kasama yung gang na yun! Huhuhu!
End.
Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ganoon pala ang pagtrato ni Daryl kay Hera, hindi gaya sa akin. Hmmp unfair!
Magpipindot na sana ako ng irereply kay Hera pero napako ang tingin ko sa labas, sa binatana.. na kung saan may mataas na building kang matatanaw.
"DAPA!"
Napasalampak ako sa lapag ng di oras... may narinig akong pagbasag ng mga salamin nung bintana dahil ...
"Raven lumabas na kayo bilis!!"
Yung nagpadapa sa akin na yun... ay yung babaeng hindi uso ang elevator o hagdan sa kanya! Yung tinatawag ni Raven na Zanorah!
"Mikey tayo na bilis!" hinila ako ni Raven at kada pagdaan namin papalabas nitong music room eh may mga putok ng baril mula sa malayo at tama ang hinala ko na doon nanggaling yun sa isa pang gusali.
BINABASA MO ANG
MANBT (book two) Love or Lie?
Teen FictionNapagdaanan na nila lahat ng pwedeng pagdaanan. Kalabanin ang kakambal, kalabanin ang mga kapatid, kalabanin ang mga magulang at higit sa lahat ay kalabanin ang dapat na nakatakdang tadhana nila. Pero dahil sa tibay at lakas ng pagmamahalan sa isa't...
