part 3 "third meet"

46 2 0
                                    

         Lumabas ako ng bahay kung saan ako dinala ni brent. Sabi ni via tahimik daw talaga ito sa taong di niya close.

    Napangiti pa nga ako nung sinabi niya mag ingat daw ako dito dahil maldito. Nakita ko si brent na nakaupo sa isang kahoy na upuan nakapatong ang kamay sa lamesang kahoy. May hawak itong beer na nasa can.

      Lumapit ako sa kanya. "Hhmm!" Tumingin naman siya sa akin. At agad ko naman itong nginitian.
     Kung kahapon ay takot ako dito. Dahil di ko kilala kung sino siya. At di ko rin alam kung bakit may bumabaril sa kanya. Ngayon ay napalitan ng pag alala nang makita ko ang sugat sa kanyang braso.  "How's your wound" ngiti kong tanong sa kanya. Umiwas lang siya sa akin ng tingin. "Thank you Dahil pinatuloy moko dito" dugtong ko. "You cant stay here. Bukas bumalik ka na sa pamilya mo. Baka hinahanap kana nila. And please change your dress. Wala ang groom mo dito. " saka ko lang naalala na naka wedding gown pa rin pala ako. Pinipigilan ko naman maluha nang maalala ko ang pamilya ko. Lahat ng sinabi ni dad. Hindi ko inaakala na kaya pala akong itakwil ng sarili kong ama para lang sariling kaligayahan niya para sa negosyon niya.

    "Can i stay here? Please. Wala pa kasi akong alam na matutuluyan ko. And I don't have family anymore." Tuluyan na nga tumulo ang luha ko. "No you cant." Malamig na sagot nito. " Please naman. I can be your slave here. I can be your maid if you want, i can cook, maglalaba ako. Basta patirahin mo ako ng ilang araw dito please"  sabi ko sa kanya di ko namalayan na nakaluhod ako sa harap niya na nagmamakaawa na pala ako. Umiiyak akong nakatingin sa mata niya.

        " I'm Inlove With My Savior "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon