Chapter 2
“Welcome to Sagada”. Ito ang nakasulat sa mala-arkong konkreto habang nasa daan kami.
“This is it friends.. nandito na rin tayo sa Sagada.”
“Wow.. ganda naman dito. Nakaka-relaks ang tanawin.”
“Saan nga ba tayo tutuloy dito? Tanong ko sa kanila. “Sa pinsan ko Arabella.” Si Dalia. Taga-rito kasi ang napangasawa niya, ayaw na rin umalis dito nung asawa niya kaya dito na sila tumira.”
“Kung ako ang tatanungin niyo, mas gusto ko dito tumira. Parang ang simple lang ng buhay, malayo sa gulo, sa sibilisasyon.”
“Naku Arabella, senti ka naman diyan.” Dalia tanungin mo pinsan mo kung maraming wafu boys dito ha!. Ayehihihi.” “Ayan kana naman Adela. Lumalabas na naman yang pagka-baliw mo.”
“Titigil na po.. nagtatanong lang naman eh!”
***
“Lena, nandito na pinsan mo at mga kaibigan niya.”
Nagbabaan na sila sa sasakyan sakto namang palabas ng bahay ang pinsan ni Dalia.
“Pinsan, kamusta na? ilang taon na ba tayong hindi nagkita? Ang ganda mo naman, pati na rin itong mga kaibigan mo.?”
“Naku pinsan, sobra namang papuri yan, d naman masyado kagandahan.” “Siya nga pala ito ang mga kaibigan ko, Si Arabella, Adela at Mona. Silang mga kaibigan kong lukaret. Hehehe.” “ At ito naman ang pinsan ko si Lena at ang asawa niya si Rommel.”
“Ok na sana na pinakilala mo kami kaso may kasunod pa!” wika ni Mona.
“Lena isa ring lukaret yan.. hahahaha.” Biro lang.
“Pag-pasensiyahan mo na Lena, ganyan talaga itong mga ito.”
“Wala yun, ay bakit ba tayo dito nagkukuwentuhan. Pumasok na tayo sa loob para makapag-pahinga na kayo at makakain narin, alam kong gutom na kayo sa haba ng biyahe.”
Kumain na muna sila bago nag-pahinga. Oo nakaka-pagod ang biyahe. Halinhinan kami sa pagmamaneho, mas ok sabi nila kung ganun.
“Hay.. sarap humiga, bukas nalang tayo maglibot. Matulog muna tayo, d na kaya ng powers ko mag-lakad.” Wika ni Adela
“Akala ko ang sasabihin mo gusto mo nang malibot eh! “
“Gusto ko naman pong magpahinga noh! Ako kaya ang huling nagdrive.”
“Sige bukas nalang tayo maglibot para marami tayong powers na baon-baon.” Si Dalia.
Nahiga na kaming lahat, naiayos na rin namin ang mga gamit sa aparador . Pero hindi pa rin ako makatulog dahil hindi pa din ako mapalagay sa huli naming pag-uusap ni daddy bago ako umalis ng bahay.
“Daddy ano po ang problema? Napapansin ko po nitong huling mga linggo ang daming mga taong pumupunta dito kahit na madaling araw na?”
“Wala ito anak, huwag mo nang pansinin. “
“Talaga dad, gusto niyo po bang d nalang ako sumama sa kanila. Paiwan nalang po ako?”
“Huwag na anak, kailangan mo ng bakasyon. Huwag mo nang intindihin ito mas magandang tumuloy ka sa bakasyon, mag-enjoy ka kasama nila.”
“Promise me to take care always and be a good girl”
“Dad naman eh! I’m a big girl now, 24 na ko.”
“You’re still my little girl”. Tandaan mo lagi na mahal na mahal ka ng daddy ha! If anything happen to me. Doon ka muna mag-stay sa mga kaibigan mo.
“Dad why are you talking like that? Is there anything will happen to you?”
“Hay naku.. huwag mo nalang pansinin ang daddy mo, tumatanda na kaya ganito.”
“Umalis ka na at kanina ka pa hinihintay ng mga kaibigan mo. Ingat ka lagi.”
“Ok dad and I love you too.”
Sa pag-iisip ko namalayan ko nalang na bumibigat na ang mata ko.
***
“Kayong dalawa, mag-iingat kayo doon ha! “
“Si yaya talaga! Ang laki-laki na namin eh!” wika ni Dave
“Ayoko lang na may mangyari sa inyo doon. Aba! Malayo yung pupuntahan niyo.”
“Don’t worry yaya will be fine.. eto lang kasing si Dave ang makulit pumunta doon.”
“Kung magkaron man kayo ng problema tumawag kaagad kayo?”
“Opo yaya.. “sabay kaming sumagot ni Dave at napangiti.
Nitong mga nakaraang mga buwan tuwing aalis kami ng bahay ni Dave walang humpay ang pag-sabi ni yaya na, ingat kayo lagi, kapag may problema tumawag kayo kaagad. D ko naman masisisi si yaya dahil siya na nga ang nag-alaga sa amin pero d ko parin maiwasan ang mag-isip.
BINABASA MO ANG
Love Enemy
RomancePapano kung ang taong MAHAL mo mismo ang naging dahilan ng PAGKASIRA ng PAMILYA mo? Mapapatawad mo pa ba siya? Mamahalin mo pa?